SILENT SCREAM
---
Marwin's POV
Kanina pa kami nagtatago ni Hikari dito sa tunnel. Medyo mabaho na dito sa ilalim pero nasanay narin kami sa amoy nito dahil kanina pa kami naglalakad-lakad at nagbabaka-sakaling meron kaming makitang butas palabas. Nang magkahiwalay kasi kami ng mga kaklase ko ay naisipan kong dito nalang kami magtago dahil imposible 'tong matunton ng killer. Nakita ko lang 'tong tunnel na'to sa likod ng isang building ng Resort habang nag-vvlog ako kanina. Tinignan ko ang cellphone ko at nakita kong mag-aalas tres na pala nang madaling araw at malapit nang mag-liwanag. Medyo napalayo na kami sa pinasukan naming butas at hindi na namin alam kung paano pa kami makakalabas dito. Swerte nalang namin kung may makita kaming butas palabas.
"Marwin. Sa tingin mo, buhay pa kaya yung iba nating kaklase?" Tanong ni Hikari.
Nagdalawang-isip muna ako bago ko sagutin ang tanong nya.
"Imposibleng mabuhay sila kung ganito ang sitwasyon natin." Sagot ko.
Hindi nalang sya nagsalita at nagpatuloy nalang sa paglalakad. Malaki ang tunnel na'to kaya't nakakapag-lakad kami ng maayos.
Maya-maya pa ay may narinig kaming bagay na parang hinahagis. Tumakbo ako sa lugar na pinang-galingan ng tunog na yun at nakita kong may hinagis na katawan mula sa taas papunta dito sa ilalim. Punong-puno ng bangkay at iba't ibang parte ng katawan ng tao ang nandito. Hindi na pala tunnel ang bandang 'to kundi kanal na. Inaya na'ko ni Hikari na maglakad na ulit papunta sa kung saan.
Pero bago kami umalis ay kinuha ko muna ang Cam ko sa bag at pinicturan ang mga bangkay. Pwede maging guide ang mga files na nasa cam ko para malaman ng mga pulis ang nangyari kung sakali 'mang mamatay kaming lahat sa Resort na'to.
Habang patuloy parin sa paglalakad ay may narinig akong mangilang-ngilang boses mula sa malayo. Nag-eecho ito kaya naririnig ko ang pinaguusapan nila.
"Akala ko pa naman makakaalis na tayo sa Resort na'to! Hindi pala! Mukhang napunta pa tayo sa imbakan ng basura!" Narinig ko ang boses ni Pamela kaya nagkatinginan kami ni Hikari at dali-daling tumakbo sa direksyon nila.
"Pam! Andito kami! Sandali!" Sigaw ni Hikari. Ilang flashlight ang tumapat sa diresyon namin at nakita kong kasama pa ni Pam si Cindi at Ar Ar.
"Omg! Marwin! Hikari! Buhay pa kayo!" Nagagalak na saad ni Cindi.
Sobra ang tuwa na naramdaman ko nang makita ko sila. May mga buhay pa sa mga kasama ko.
"Saan kayo dumaan? Bakit ngayon lang namin kayo nakita?" Tanong ko.
"Mahabang usapan! Basta may isang kwarto kaming nakita at may maliit na butas dun na parang maliit na kweba. Ito na yung nilabasan namin. Hindi nyo ba alam kung saan tayo pwedeng lumabas?" Pamela.
"Hindi e. Dere-deretso lang kami sa paglalakad." Sagot ko.
"Hays. Ganun ba. Dumito nalang muna tayo. Mukhang mas safe dito kesa sa taas." Ani Cindi.
"Teka. Ar? Anong nangyari? 'Bat parang hinang-hina ka at puro dugo yang damit mo?" Tanong ni Hikari habang nag-aalalang nakatingin kay Ar Ar.
Nahalata ko ngang hindi masyadong nagsasalita si Ar at mukha syang hinang-hina.
"N--nasaksak ako sa likod." Sagot nya. Tumalikod sya at nakita ko ang sugat mula sa pagkaka-saksak sa kanya.
Habang naglalakad kaming lima ay inalalayan nalang namin si Ar at hindi naming maiwasang mapag-kwentuhan ang mga pangyayari.
"Mukhang hindi lang isa ang pumapatay." Ako.
"Mukha nga. May suspect na ba kayo?" Tanong ni Cindi.
"Wala pa. Mahirap nang magbintang lalo na't malapit tayong lahat sa isa't isa." Sagot ni Hikari.
"Sabagay. Hays." Pamela.
Habang naglalakad kami ay biglang natumba si Ar.
"Ar? Ok ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ko.
Mukhang nauubusan na sya ng dugo dahil hinang-hina na sya. Umupo nalang muna kami sa maliliit na bato at saka nagpahinga.
Lloyd's POV
Madaling araw na at gutom na gutom nako. Ubos na ang fita na pinabaon sa'kin ni Mommy. Hays. Nakakapagtaka lang na hanggang ngayon ay hindi parin bumabalik yung driver nitong bus. Gustong-gusto ko nang umuwi.
Kinuha ko ang phone ko at finlashlightan ang mga upuan nitong bus. Baka may nakaiwan ng bag nila at merong pagkain sa loob.
Wala kong nakitang bag pero may mga ilang balat ng chichirya ang nasa likod ng upuan kaya't kinuha ko ito at saka sinimot ang mga natirang laman mula dito. May mga bote rin nang tubig na naiwan at yung iba ay may laman pa kaya ito nalang din ang ininom ko. Hays. Solved.
Maya-maya pa ay napansin ko ang karatula ng free wifi dito sa loob ng Bus pero mukhang hindi naman 'to bukas. Lumapit ako dito at binuksan ang router.
Dali-dali kong tinype ang password na nakalagay sa karatula.
HF121616
Connecting...
Yesss! Whooo! Naka-connect na'ko! Dali-dali kong binuksan ang fb ko at bumungad sakin ang sandamakmak na messages pero hindi ko nalang 'to pinansin.
Kinuha ko ang balat ng fita na kinain ko kanina at tska nag-selfie. Pinost ko ito sa timeline ko at may caption na "Atm sa loob ng bus with my fita. Selfie muna habang nagpapatayan sila sa loob ng Resort. Hehe. <3"
Tinag ko pa ang ilan kong friends para naman may likers ako kahit papano. Maya-maya ay bumukas ang chat head ko at nakita kong nag-pm ang ex kong si Nene.
Nene Hiroshima: Hi Lloyd.
Nashookt ako ng sobra kaya hindi ako nakapagreply agad
Lloyd Bautista: Hi Nene. Hehe.
Mabilis nya namang sineen ang reply ko.
Nene Hiroshima: Kamusta na kayo dyan?
Lloyd Bautista: Ok naman. Doing good.
Nene Hiroshima: Sure? Nagpost ka kasi na may nagpapatayan dyan sa loob ng Resort?
Lloyd Bautista: Ah wala yun! Hehehe. Ok lang kami lahat dito. Masaya naman. Hehe.
Nene Hiroshima: Buti naman. Sige. Out muna ako ah.
Lloyd Bautista: Sige. Byeee.
Seen 3:30 AM
Whaaaaaa kinikilig talaga ko. Hays. Sana magkabalikan na kami ni Nene at para mangyari yun, kailangan ko munang maka-alis sa Resort na'to.
End of Chapter 13
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"