Scream 3

2.2K 146 8
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

A/N: Salamat sa mga sumupport sa umpisa palang nung story! *umiyak* sobrang appreciated po!

Book cover made by Marian Joy Erfe. <3

Enjoy!

---

Chapter 3

Marian's POV

Dumiretso lang ako sa building namin para hanapin si Aki. Marami parin ang nag-sisi-babaan dala ang maleta nila.

"Phara! Nakita mo ba si Aki?" Tanong ko sa president namin.

"Hindi ko pa sya napapansin e. Hindi pa ata nababa. Tignan mo sa kwarto nila." Sya.

"Sige. Salamat!" Ako.

Umakyat ako sa 2nd floor at hinanap ang tinutuluyang kwarto nila Aki. Nang marating ko na ang pinto ng kwarto nila, kinatok ko ito. Napansin ko na hindi naman ito naka-lock.

"Aki? Aki nandyan ka pa ba?" Tanong ko habang dahan-dahang pumapasok sa loob ng kwarto.

Pagpasok ko, maleta nalang ni Aki ang nadatnan ko sa loob.

Nasaan na si Aki?

Hikari's POV

Sumunod ako kay Marian sa building na tinuluyan namin para tulungan syang hanapin si Aki. Ang bilis lang tumakbo nung babaeng yun. Hindi ko tuloy sya naabutan.

Pagpasok ko palang ng lobby napansin ko na agad ang pagmamadali ng mga kaklase ko bumaba para makapunta sa labas. Pero teka.. may natatanaw pakong tao na nakaupo sa pinagkaininan namin kanina. Dumiretso ako dun at natagpuan ko si Jennie na nakain parin hanggang ngayon.

"Jennie?! 'Bat nandito ka parin?!" Bulyaw ko sa kanya.

"Ano ba! Asdfghjkl nakain pako asdfghjkl.." Sabi nya habang punong puno ang bibig nya ng pagkain.

"Tumayo ka na nga dyan! Kailangan na nating umalis dito! Kunin mo na yung mga gamit mo sa taas!" Ako.

Uminom muna sya ng tubig tska nagsalita.

"Oo na, oo na. Gutom na gutom lang. Hehehe. Sige. Ciao!" Ngumiti sya sakin at saka tumakbo pataas ng hagdan. Napailing nalang ako at bumalik sa lobby. Andun narin pala sila Marian at kausap si Phara.

"Hindi ko naabutan si Aki sa kwarto nila. Pero nandun parin yung maleta nya." Marian.

"Huh? E saan naman magpupunta si Aki? Kasabay naman syang umakyat nila Rein tska hindi ko pa sya nakikitang bumababa." Phara.

"Ewan ko. Pero baka hindi mo lang napansin. Si Rein ba bumaba na?" Marian.

"Yep! Hinihingal pa nga ang bakla. Halatang kabado. Hahaha." Natatawang sagot ni Phara.

"Uhm guys. I think kailangan na nating pumunta sa gate? Tayo nalang natitira dito e. Hehehe." Sabat ko sa pagitan ng usapan nila.

Kami nalang tatlo ang natitira dito sa lobby. Tumango naman si Phara at naglakad na palabas. Nagka-tinginan kami ni Marian at sumunod narin sa kanya palabas nitong building. Bigla akong nakaramdam ng kaba. Parang hindi maganda ang mangyayari ngayong araw na'to.

Dinielle's POV

Alas tres na ng hapon. Nakaupo lang kaming lahat sa harapan ng gate nang dumating sila Marian.

"Guys. Wala si Aki sa kwarto nila. Hindi nyo ba sya napansin?" Tanong ni Marian.

"Uhm. Sabi samin ni Fafa Aki kanina mauna na daw kami dito. Susunod nalang sya. Baka naman nag-cr lang." Sagot ni Rein.

Tumango nalang si Marian at naupo na rin.

"E yung guard? Hindi nyo ba nakita?" Tanong ni Regine.

"Hindi e. Wala kaming napansin na Guard o kahit sinong tao na nagttrabaho sa resort na'to." Sagot ni Hikari.

"Hays. Pano na yan." Ani Rose Ann.

Sandali kaming natahimik nang magsalita si Phara.

"Guys. Head count tayo. I'll start at one.." Phara.

Nag-head count kami at yung bilang namin kanina na 27 ay naging 24 nalang. May tatlong nawawala.

"Sino-sino yung mga nawawala?" Tanong ko.

"Si Aki, Jennie, at Lexie." Sagot sakin ni CK.

"Ano? E pinasunod ko na dito si Jennie ah? Bakit wala parin?" Sabat ni Hikari.

"Napansin ko nga na paakyat sya kanina ng hagdan. Puro amol pa yung bibig." Ar Ar.

"Nakita nyo ba syang bumaba?" Tanong ni Cassie

"Parang hindi." Seryosong sagot ni Phara.

Sandali kaming natahimik lahat. Pare-parehong kinakabahan. Hindi na rin maganda ang kutob ko.

"E si Lexie? Nasaan?" Tanong ni Karylle.

"E diba ikaw ang kasama nun kanina? Bakit kami yung tinatanong mo?" Keigh.

"Huh? Hindi ko sya kasama. Pinauna nya rin ako pumunta dito kasi sabi nya may gagawin lang daw sya. Kaya iniwan ko na sya dun." sagot ni Karylle.

"Hikari? Diba galing kayo sa building na tinuluyan natin? Hindi nyo ba sya napansin?" Tanong ni Prince

"Hindi e. Pasensya na." Sagot ni Hikari.

Nagkatinginan kami ni Phara. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nya. Tatlo na ang nawawala samin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko kapag may nadagdag pa sa mga nawawala.

Rein's POV

Jusko Dai! I can't breathe! I can't breathe! Naloloka ako sa mga happenings! Nawawala pa si Fafa Aki! Okay lang na mamatay ako now basta kasama ko si Fafa Aki sa kabaong! Charot.

Napatingin ako sa kanilang lahat. Jusko. Parang pinagsuklaban ng langit at lupa ang mga peslak nila. Buti pa'ko stay fresh lang. Kahit kinakabahan na ang golden heart ko dapat maganda parin. Ayokong magpaka-stress dahil lang sa mga happenings 'no. Baka makulot pa ang precious bangs ko. Ay! Ekis!

"U-Uhm guys.. may ipapakita ako sa inyo." Sabi ni Fafa Marwin habang hawak-hawak ang camera eklavu nya.

"Hay nako Fafa Marwin! Baka mamaya video mo na naman yan habang shineshare ang life mo sa peoples ha! Hindi kami interested! Wag ngayern!" Dyosang ako.

"H-hindi. Kailangan nyong makita 'to." Sya.

Ako na ang naunang lumapit kay Fafa Marwin dahil meron tayong kasabihan na Ladies first kaya ito. Bilang babaeng Pilipina ako na ang mag-aadjust. Hinablot ko ang Cam nya at pinanood ang video na gusto nyang ipakita sa'min.

"Pansinin mo yung building kapag nandun ka na sa part na yun." Fafa Marwin.

Dire-diretso lang sa pag-play ang video. Jusko. Daming hanash ni Fafa Marwin ah. Parang tanga lang. Charot. I love Fafa Marwin kaya! Pero mas love ko si Fafa Aki!

"Hmmm. Wala nang something keme sa video na'to Fafa Marwin. Pero may napansin akong pipol na pumasok sa building. Hehe." Saad ko.

"Exactly! Kamukhang-kamukha nya yung dinescribe ni Andrei sa kwento nya na pumatay kila Kath! Naka-coat na black, naka-mask na pang-demonyo, at may dalang palakol.." sya.

"E ano naman Fafa Marwin kung nasa loob na nitong resort yung pumatay kila Kath? Edi exciting! Makilala na natin kung sino sya!" Ako.

Nagsigawan na sila na parang scared na scared. E? Ang weird nila ha.

Napailing nalang si Fafa Marwin at tumingin sa mga kasama namin.

"This is unbelievable. Kasama na natin sya ngayon dito at iisa-isahin nya na tayo." Saad ni Fafa Marwin.

Ano daw? Di ko gets.

End of Chapter 3

---

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon