SILENT SCREAM
By Its_Daphii
---
EPILOGUE
Takot. Yan lang ang tanging nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para sumama sa mga kaibigan ko na bisitahin ang lugar na tinatawag nilang "Haunted Resort". Hindi naman talaga ko mahilig sa mga paranormal activities pero dahil sa kalokohan ng mga tropa ko, eto. Napasubok ako. Bahala na.
Kinuha ko ang flashlight sa bag na dala ko at saka bumaba ng sasakyan. Ang dilim. Sobrang dilim. Ewan ko ba kung bakit kailangang sa madaling araw pa namin gawin 'tong paranormal activity na'to. Mas lalo pa tuloy nakadagdag sa takot ko yung dilim na pumapalibot samin.
Dumiretso kami sa paglalakad at saka inilawan ang lumang gate ng Resort. Puro kalawang na ito pero kitang-kita mo parin na maganda ang pagkakagawa dito noon.
Sabi sa'kin ng kaibigan ko, 5 years ago daw nang may naganap dito na massacre. Marami daw ang binawian ng buhay sa resort na'to. Kung paano? Hindi ko alam.
Dahan-dahan na nilang binuksan ang gate at nagpasukan na kami sa loob. Pagpasok na pagpasok palang, naamoy ko na agad ang masangsang na amoy na hindi ko alam kung saan nanggaling.
"Guys. Bat naman ang baho dito?" Saad ko sa mga kasama ko.
"Huh? Wala naman kaming naaamoy ah?" Sagot sakin ni James. Napakunot naman ako ng noo at saka napatingin sa iba pa naming kasama.
"Wala talaga kayong naaamoy?" Tanong ko sa kanila. Sumagot naman sila ng 'wala' kaya hindi ko maiwasang magtaka. Dumiretso nalang ulit kami sa paglalakad at tsaka nila hinanda ang camera na bitbit nila para ipang-video.
Maya-maya pa ay napansin ko na parang may taong nakatayo sa may bandang pool area. Tinapatan ko ito ng flashlight kaya naman mas lalo kong napansin ang pigura ng isang tao na nakatayo sa gilid ng pool.
Dahan-dahan ko itong nilapitan at nagulantang nalang ako sa nakita ko.
"AAAAAAHHHHHHHHHHHHH!!!!"
END
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"