Scream 23

1.1K 81 15
                                    

SILENT SCREAM
By Its_Daphii

Silent Scream Trailer Video at the Multimedia box.

Made by: Marian Joy Erfe (BlaxkPearlYuri)

---

Nicole's POV

Nagising ako nang pumasok sa pinto si Mj at basang-basa gawa ng ulan.

"Saan ka galing?" Tanong ko.

"Iccheck ko sana yung sasakyan kaso ang dilim na kaya ayun. Bukas nalang." Sagot nya.

"Tapos nagpa-ulan ka?" Saad ko.

"No choice e. Hahaha." Aniya habang nakangiti pa.

Lumapit ako sa kanya at saka sya binatukan.

"Pag ikaw nag-ka-sakit wag kang dadaing sakin ah!" Bulyaw ko.

"Sorry na, Miss. Hahaha!" Saad nya habang patawa-tawa pa. Aish. Lalo tuloy akong nainis.

Di ko na sya kinibo at umupo nalang ulit sa kama.

"Tara. Ligo tayo sa ulan. Hahaha!" Aniya. Napatingin ako sa kanya na may halong pagtataka.

"Gusto mo pa'ko idamay dyan sa katarantaduhan mo?" Saad ko.

"Dali na. Hahaha. Please?" Aniya habang nag-papaawa pa. Wala nakong nagawa kaya lumabas na kami ng kwarto at dumiretso sa labas ng building.

Naliligo lang kami sa ulan nang maya-maya ay may nakita kaming naka-costume na papalapit sa'min.

"Grabe ha. Mag aalas-dyis na ng gabi naka-costume parin sya. Hahahaha." Ani Mj.

Nakipagtawanan nalang ako sa kanya hanggang sa makalapit na sa'min ang taong naka-costume. Naka-suot sya ng outfit na katulad nang sa amin kanina at may dala-dala pa syang palakol.

"Nice, bro. Ang ganda ng costume mo. Hahaha." Mj.

"Wala ka po 'bang balak magpalit ng suot mo? Hahaha." Saad ko naman.

Hindi nya kami sinagot at tinaas nalang ang palakol nya at tinapat ito sa ulo ni Mj.

"Uh? Masyado mo atang sineseryoso yung eve--" Hindi na natuloy ni Mj ang sasabihin nya nang bigla nalang syang tagain sa ulo ng taong naka-costume. Nawakwak ang ulo nya at nagsitalsikan sakin ang sumisirit nyang dugo.

"Aaaaaaaahhhhhh!!!" Napatili ako at dali-daling tumakbo palayo.

Shit.

Dumiretso ako sa isang building at pumasok doon.

"Tulong!! Tulungan nyo ko!" Sigaw ko.

Lloyd's POV

Napa-balikwas ako nang may marinig akong sigaw sa di kalayuan. Nakita kong nagising din si Mark at dali-daling tumayo at sinundan ang narinig nyang sigaw.

"Oy Mark! San ka pupunta?! Delikado!" Sigaw ko. Kakahabol ko kay Mark pati tuloy ako nakalabas narin sa tinataguan namin.

Nadatnan namin ang isang babaeng puro bahid ng dugo ang katawan habang palinga-linga at humihingi ng tulong.

"Nicole? Anong nangyari sayo?" Ani Mark.

"S-Si M-Mj.. patay na." Aniya habang humagulgol pa.

"Paano?" Tanong ni Mark.

"Mamaya ko na ipapaliwanag! Sinusundan ako nung pumapatay! Kailangan nating magtago!" Aniya.

Nakita naming nasa pintuan na ang killer at patakbo na sana kami nang biglang sumakit ang ulo ko at tuluyan nang nagdilim ang lahat.

---

Nagising ako nang may marinig akong sigaw na para 'bang pinapahirapan. Nakita ko sa tabi ko si Mark na nakahiga sa krus at pinapako ng killer ang dalawang palad nya.

Pinansin ko ang hinihigaan ko at nakita kong nakahiga rin ako sa krus. Whaaaaa!

"Aaaaarrghhh! Tama na!" Sigaw ni Mark.

Nang matapos ang pagpako sa kanya ay saka tinayo ng dalawa pang killer ang krus na pinaglalagyan nya at kitang-kita ko ang nakasabit nyang katawan.

Pagtapos nun ay lumapit sakin ang isang killer at sinentro ang kamay ko sa kahoy.

"Hoy! Ano binabalak mong gawin ha?! Ipapako mo rin ako?!" Bulyaw ko ngunit di nya ko pinansin at pinorma nalang ang pako sa gitna ng palad ko.

Kinuha nya ang martilyo nya at saka sinimulang pukpukin ang pako kaya naman bumaon ito sa palad ko.

"Aaaaaaaarrghhh! Palit kaya tayo ng posisyon para alam mo nararamdaman ko! Hayop ka!" Gigil na gigil kong sigaw habang pinapako nya ko.

Nang matapos nyang pakuin ang isa kong kamay ay sinunod nya naman ang isa.

Sigaw ako nang sigaw ngunit parang hindi nila naririnig ang daing ko. Pagtapos nila sa palad ko ay saka nila pinako ang paa ko sa krus.

Shit!

Halos di nako makahinga kakasigaw. Pagtapos nila ipako ang paa ko ay saka nila tinayo ang krus kaya lalo kong naramdaman ang hapdi sa katawan ko.

"Hoy! Ibaba nyo kami dito! Kapal ng mukha nyong ipako kami! Ginawa nyo pa kaming Diyos!" Sigaw ko sa mga demonyong killer na nagpako samin.

Hindi parin tumitigil sa pag-buhos ang ulan. Tangina. Pag kami tinamaan ng kidlat, sisisihin ko talaga ang mga killer na'to.

Lee's POV

Sumilip ako sa bintana ng kwartong tinutuluyan namin at nakita ko si Mark at Nicole na nakapako sa krus. Meron pa silang isang kasama ngunit hindi ko ito kilala.

"Kate? Lalabas na muna ako. Dito ka lang." Saad ko.

Tumingin sya sakin na tila nagtataka kung bakit ako lalabas ng kwarto.

"Anong gagawin mo sa labas? Delikado na, Lee." Aniya.

"Basta Kate dumito ka lang. Kahit anong mangyari wag kang lalabas. Nagkakaintindihan ba tayo?" Saad ko.

Tumango nalang sya kaya naman lumabas nako ng building at pinuntahan ang kinalalagyan ng mga kaibigan ko.

Paglapit ko sa kanila ay saka ako nagsalita sa harap ng mga killer.

"Ganyan na ba kayo kaduwag? Bakit hindi kayo lumaban ng patas? Mga punyeta kayo." Gigil na gigil kong saad sa kanila.

Pumalakpak ang isang killer at nagtawanan naman silang tatlo. Lalo akong nainis sa pinakita nila kaya lalong kumulo ang dugo ko.

"Ano?! Magtatawanan nalang ba kayo?!" Bulyaw ko.

"Alam mo.. kung sino ka naman. Matapang ka na sana. Kaso hindi mo alam kung sinong kinakalaban mo." Ani isang killer at bigla nalang nila ko sinunggaban at tinali sa isang upuan. Nilagyan nila ng busal ang bibig ko kaya't hindi nako makapagsalita. Nakaharap lang ako sa tatlong krus na nakatayo sa harapan ko ngayon.

Bumulong ang isang killer sa kapwa nya mamamatay tao at saka umalis. Tumawa ulit ang isang killer at saka nagsalita.

"Gusto mong ipagtanggol itong mga kaibigan mo diba? Ngayon? Asan na ang tapang mo?" Aniya.

Pilit kong inaalis ang lubid na nakatali sa kamay ko ngunit sobrang higpit nang pagkakatali nito.

Lee.. kumalma ka.

Dahan-dahan kong pinag-aralan ang pagkaka-buhol sa kamay ko at saka ako nakaisip ng paraan para tanggalin ito.

Ngayon, magkakamatayan na tayo.

End of Chapter 23

---

A/N

Whaaaa malapit nang matapos ang Silent Scream. Konting push nalang. Hahahaha. Spread plorwax!














Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon