Scream 21

1.1K 82 23
                                    

SILENT SCREAM

---

Mark's POV

Nakatulog nako't lahat lahat sa sasakyan pero wala parin sila Lee. Mag-didilim na kaya naman napagdesisyunan kong sundan na sila sa loob ng Resort.

Lumabas ako ng kotse at saka dumiretso ng lobby. Pagtapak ko palang dito ay napansin ko na ang malagkit na bagay na dumikit sa sapatos ko. Walang ilaw na nakabukas dito sa lobby kaya hindi ko masyadong makita ang dinadaanan ko. Lubos 'mang nagtataka ay dumiretso parin ako sa front desk, nagbabakasaling may madatnan akong tao para mapagtanungan sa mga nag-check in kaninang umaga.

Pag-punta ko roon ay wala kong nadatnang nag-aassist kaya pumihit nako patalikod nang may marinig akong kaluskos mula sa front desk.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sakin pero pinuntahan ko ito dahil dun nanggaling ang narinig kong tunog.

Sobra akong nagtaka nang makita ang isang lalaking nakasiksik sa sulok ng front desk. Naka-takip ang kamay nya sa mukha nya at nanginginig pa ang buo nyang katawan.

"Uhm. Ok ka lang?" Natigil ang panginginig nya at saka ako pinagmasdan. Napahawak sya sa puso nya at saka nagsalita.

"Susmaryosep. Akala ko killer." Aniya.

"Killer? Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Hindi mo ba alam? Dayo ka lang ba dito?" Muli nyang tanong sa'kin.

"Hindi e.. uhm. Hinahanap ko yung mga kaibigan ko." Sagot ko.

"Hala! Baka patay na sila!" Nag-hhysterical nyang saad.

"Ano 'bang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.

"Posible yun! Lalo na't pagala-gala lang ang killer sa loob ng Resort na'to." Sagot nya. Napailing nalang ako dahil sa mga pinagsasabi nya.

"Alam mo, may sira ka na sa utak. Sige. Alis nako." Tumayo ako at saka tinalikuran sya ngunit bigla nya kong dinambahan sa likod at tinakpan ang bibig ko. Pareho kaming natumba sa sahig habang ako naman ay nagpupumiglas.

"Shhhh.. wag kang maingay. Naririnig ko ang yapak nila." Sobrang higpit ng pagkaka-takip nya sa bibig ko kaya hindi ako makapag-salita.

Nakarinig nga ako ng mga yapak ng tao kaya't hindi nalang din ako nagpumiglas at nakinig na lamang sa usapan nila.

"Nacheck mo na ba ang itaas?"

"Nacheck ko na. Pero wala kong nakitang tao." 

"Dito sa lobby? Wala 'bang nagtatago?"

"Wala rin. Pati basement chineck ko na. May kotse akong nakita at sa tingin ko sasakyan yun ng mga dayo. Binutas ko na yung gulong kung sakali mang subukan nilang tumakas dito."

"Mabuti."

Maya-maya ay naglakad na sila palayo at napatingin nalang ako sa kasama ko ngayon sa front desk.

"Ano? Hindi ka parin naniniwala na may mga pumapatay sa loob ng Resort na'to?" Tanong nya.

"Naniniwala. Konti." Sagot ko.

"Shoot! Buti naman pre. Hehe." Aniya.

Hindi nalang ako nagsalita at pumikit nalang. Narinig ko ang ulan sa labas kaya wala rin akong choice kundi dumito muna.

"Lloyd nga pala. Model ako ng fita sa totoo lang. Marami ang nakuha sakin bilang model nila pero fita ang pinili ko kasi favorite ko 'to. Marami akong pera pero nasa bahay, natutulog. Gusto kong makaalis sa Resort na'to para makasama ko na si Nene. Mahal na mahal ko kasi yun kahit di nya ko mahal. Sad diba? Pero ayos lang. Tska kailangan kong ipaglaban ang buhay ko. Ano? Siyam na buwan akong pinagbuntis ng nanay ko tapos papatayin lang ako ng isang walanghiyang killer? Di pwede yun, bro. Kaya dapat laban lang! Go lloyd! Go lloyd! Go sexy monggoloyd! Hehehehe. Ikaw? Anong pangalan mo?" Aniya.

"Mark." Sagot ko sa kanya.

"Uhm? Mark lang talaga? Hindi mo na ipapakilala sarili mo? As in yun na yun? Yun na talaga?" Sunod sunod nyang tanong.

"Oo." Sagot ko.

Sumiksik nalang ulit sya sa sulok ng frontdesk atsaka pinikit ang mga mata nya.

"Gisingin mo ko pag may naramdaman kang papunta dito sa kinalalagyan natin. May tinidor dyan sa gilid kaya meron tayong weapon. Goodnight." Aniya at natulog na. Pinikit ko nalang din ang mata ko.

Sana hindi totoo ang sinasabi nyang mamamatay tao.

Rein's POV

Sobrang lakas ng ulan sa labas at sobra naring nagwawala na ang anaconda sa loob ng tummy ko. Like? Hello, baby. Please calm down. Walang pagkain si Mommy ngayon. Huhuhuhu.

Tulog na tulog sa tabi ko ang chakang si Marian at mukhang kalmadong kalmado pa sa mga happenings.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at saka lumabas ng building. Siguro naman walang chakang killer na pagala-gala ngayon kasi naulan? Ayaw naman siguro naman nilang magkasakit diba?

Dumiretso ako sa building na pinakainan naming magkakaklase kahapon at hinanap ang area ng kitchen.

Mygash! Sobrang dilim ditey! Para talaga kong nasa horror movie tapos nakulog pa. Huhuhu.

Dere-deretso lang ako at dinedma nalang ang nakakatakot na ambiance. Kumuha ako ng maraming pagkain sa kusina at kinain ito with feelings sa isang lamesa. Syempre 'no! Dapat sa lamesa parin kakain! Kaming mga dyosa kahit overloadness na sa kaba, meron parin kaming tinatawag na "manners". Nakakahiya naman diba kung kakain ako sa sahig dahil lang natatakot ako. Ekis bes! Kadugyutan yun! 

Pagtapos kong kumain ay lumabas nako ng building. Mygosh! Lalong lumakas ang ulan. Galit na galit ang langit, bes.

Habang naglalakad ay bigla nalang ako nakaramdam ng pagtusok ng isang bagay sa likod ko. Hinawakan ko ito at napagtanto kong isa itong kutsilyo.

"Whaaaaaa mader!!!" Sigaw ko. Lumingon ako sa likuran ko at nakita ko ang isang killer na hawak-hawak ang sandamakmak na kutsilyo.

Tumakbo nako palayo ngunit sa pagtakbo ko ay parami ng parami ang kutsilyo na tumatama sa likod ko. May dugo nang lumabas sa bibig ko at naliligo na rin ako sa sarili kong dugo.

Dumiretso parin ako sa pagtakbo. Nagbabakasakali na mailigtas ko pa ang sarili ko ngunit bigla nalang akong napaluhod nang may tumamang kutsilyo sa binti ko.

Sinubukan kong gumapang kahit hinang-hina nako. Maya-maya pa ay nasa harapan ko na ang killer kaya't alam ko na wala nakong pag-asa pang mabuhay.

Binuhat nya ang katawan ko atsaka ako inihulog pahiga sa lupa kaya't lalong bumaon ang mga kutsilyo sa katawan ko.

Goodbye.. Fafa Aki.

At tuluyan nang nagdilim ang lahat.

End of Chapter 21

---

A/N

Dont forget to vote guys! Enjoy!


Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon