Scream 18

1.2K 96 20
                                    

SILENT SCREAM

---

Andrei's POV

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Paikot-ikot lang ako sa mga building dito. Sobra akong nandidiri sa mga bahid ng dugo na nakadikit sa katawan ko. Hindi ko alam kung ano na naman 'bang ginawa nya. Pero nakakasiguro akong hindi na naman 'to maganda.

"Takbo! Bilis!" May narinig akong sigaw sa hindi kalayuan kaya lumingon ako dito at nakita kong may dalawang babaeng tumatakbo at sa likod naman nila ay isang taong naka-coat at maskara na para 'bang gusto silang patayin.

Mabilis akong pumunta sa direksyon nila at dali-daling hinarang ang taong naka-coat na katulad ng sa akin.

"Tumabi ka, Andrei." Utos nya.

Hindi ko sya makilala dahil sa maskara nya at ang boses nya.. hindi pamilyar sa pandinig ko. Kahit hindi ko alam kung ano 'bang pakay nya at hinahabol nya ang mga taong yun ay sinubukan ko syang pigilan mula sa gusto nyang gawin.

"M-Mukhang hindi naman sila kasama sa dapat n-nating patayin. Wag mo na silang pag-aksayahan ng panahon." Saad ko. Nawala nang tuluyan ang kaba ko nang pumihit sya patalikod at saka nagsimulang maglakad palayo.

Sumunod ako sa kanya dahil alam kong sa kanya ko lang makukuha ang sagot sa mga nangyayari ngayon.

Dumiretso kami sa isang cctv room at nakita ko ang lugar kung saan nagtatago ang iba naming kasamahan.

"Sa gubat. Halika na." Saad ng taong naka-maskara at lumabas na ulit ng kwarto dala ang palakol nya. Sumunod ako sa kanya at isa lang ang gusto kong gawin. Ang mailigtas ang mga kasamahan ko. Bahala na. Hindi ko man alam ang mga nangyayari, pero alam kong nasa panganib na ang buhay nila Marwin.

Marwin's POV

Naghahanap kami ng pwede naming mataguan dito sa gubat. Hindi naman kami pwedeng dumiretso sa loob ng Resort dahil mas delikado dun.

Maya-maya pa ay biglang natumba si Cindi sa sahig at nakita kong dumudugo ang ulo nya. Lumingon ako sa kung sino mang gumawa nun at nakita ko ang killer habang hawak-hawak ang martilyo na ginamit nyang pang-pukpok sa ulo ni Cindi.

Kumaripas ako ng takbo gayundin ang iba kong kasamahan at nakita kong hinahabol nya na kami. Narinig kong sumigaw si Pamela mula sa likod ko at nakita kong bumagsak na rin sya sa sahig matapos syang pukpukin sa ulo ng killer. Takbo lang kami ng takbo ni Hikari nang bigla nalang magdilim ang lahat.

---

Napadaing ako nang idilat ko ang mga mata ko at nakita kong nasa harapan kami ng isang building sa hindi kalayuan. Kung hindi ako nagkakamali nasa gilid kami ngayon ng swimming pool at konting galaw lang namin ay pwede kaming malaglag dito at malunod. Tinignan ko ang mga kasamahan ko at nakita kong pare-parehong nakatali ang mga kamay at paa namin sa upuan. Hindi rin kami makasigaw dahil nakabusal ang aming bibig.

Sinubukan kong tanggalin ang tali sa kamay ko ngunit masyadong mahigpit ang pagkakatali nito. Nakaramdam ako ng kaba nang maglakad papalapit sa kinaroroonan namin ang killer. Hindi lang isa, kundi dalawa sila. Pareho silang naka-maskara at may dala-dalang palakol.

Shit.

Nang tuluyan nang makalapit sa harapan namin ang isang killer ay kinuha nya sa bulsa nya ang mikropono at saka nagsalita.

"Magandang araw sa inyo! Ngayon maglalaro tayo ng isang napakagandang laro na sa tingin ko ay magugustuhan nyo." Aniya. Nakakatakot ang boses nya. Sobrang lalim nito at sa tingin ko ay may ginagamit syang device para mabago ang tunay nyang boses at hindi namin sya makilala.

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon