SILENT SCREAM
----
Andrei's POV
Pagkatapos kong patayin si Regine ay dumiretso ako sa cctv room para makita kung saan nagtatago ang iba naming kasama. Puro bahid na ng dugo ang coat ko pero imbis na mandiri ay lalo pa kong natuwa.
Pagdating ko sa cctv room ay nadatnan ko si EJ na nasa harapan ng monitor.
"O? EJ. Andito ka pala." Saad ko sa kanya.
Humarap sya sakin at seryoso akong pinagmasdan. Nakaramdam ako ng kaba dahil baka mamaya ay may nagawa kong mali at ako naman ang patayin nya.
"Si Kath ba.. ay kakampi o kalaban?" Tanong nya.
Kahit kabado ay binigyan ko sya ng isang nagmamalaking ngiti.
"Kakampi natin yan. Ako na nagsasabi sayo." Sagot ko.
"Paano ka nakaka-sigurado?" Muli nyang tanong.
"Matagal na kaming magkakilala ni Kath. Alam kong hindi yan titiwalag sa usapan." Ako.
Muli syang humarap sa monitor kaya't napatingin rin ako dito. Nakita kong kasama ni Kath sila Rein at Marian at pababa na sana ng elevator nang mapagtanto nilang hindi na'to gumagana. Napatingin si Kath sa cctv at muling kinausap sila Rein. Nakita kong tumakbo sila papalayo at naiwanan naman si Kath sa harap ng elevator.
Shit.
Niloloko lang ba'ko ni Kath? Kakampi ba talaga namin sya o kalaban?
Dali-dali akong tumakbo papunta sa building na kinalalagyan nila at dumiretso sa hagdan para umakyat ngunit nakita kong nakasara ang gate nito kaya wala kong madadaanan para mapuntahan sila. Tangna.
Wala 'bang balak si EJ na buhayin ang system ng Elevator para man lang makaakyat ako? Kabobohan.
Narinig kong may tumakbo sa likod ko kaya dali-dali akong lumingon at nakita ko ang isang babaeng tumakbo papalabas ng building. Hinabol ko sya hanggang sa mapunta kami sa magubat na parte ng Resort. Masyadong madilim dito at buti nalang naririnig ko ang yapak ng sapatos nya kaya nasusundan ko parin sya nang walang kahirap-hirap.
"Aaaaaaahhhhhhhh!!! Bitawan mo ko ano ba!" Narinig kong sumigaw ang babaeng hinahabol ko at nang makalapit ako sa kanya ay nakita kong hawak-hawak na sya ng isa kong kasamahan.
"Hahahaha! Wala ka nang takas ngayon." Saad ko.
"Tangina nyo! Sino ba kayo! Anong kasalanan namin sa inyo?!" Sigaw ni Perlas habang sinasabunutan sya ng kasamahan ko.
"Sa amin wala. Pero sa kanya meron." Sagot ko.
Lumapit ako sa kanya ngunit bago pa man ako makalapit bigla nya nalang sinipa ang ari ko.
"Arrrghhhh!!! Shit!" Sigaw ko. Napatalon-talon ako dahil sa sakit na naramdaman ko.
Tangina kang babae ka! Lalo kitang papahirapan dahil sa ginawa mo!
Nang medyo mawala na ang sakit na naramdaman ko ay inutusan ko ang kasama ko na hawakan sya ng mahigpit dahil masyado syang magalaw. Mahirap na. Baka matamaan na naman ang junjun ko.
Kinuha ko ang kutsilyo sa coat ko at pinagisipan kung paanong torture ang gagawin ko sa kanya. Ayoko syang pag-samantalahan dahil bukod sa hindi naman sya maganda, wala pa syang dibdib.
Sigaw sya ng sigaw at sobra akong naririndi kaya ang ginawa ko ay hinila ko ang dila nya at hiniwa ito ng marahan. Nagsi-talsikan naman ang dugo nya kaya lalo akong natuwa.
Kinuha ko ang blade na ginamit ko kay Regine ay inahit ang kilay nya.
"Ayan! Wala ka nang kilay! Ang cute cute mo. Mukha kang tanga. HAHAHAHAHA!" Saad ko.
Sya nga pala yung kaklase kong mahilig mag-kilay. Sad lang. Wala na syang kilay ngayon. Hahahahaha! Narinig kong tumawa ang kasamahan ko kaya tinitigan ko sya ng masama. Ayokong marinig ang tawa nya. Hindi maganda sa pandinig. Masyadong manly. Tsk.
Tumingin ulit ako kay Perlas at nakita kong mangiyak-ngiyak na sya. Naawa naman ako sa kanya kaya nakaisip ako ng isang magandang idea.
"Hmmm.. kawawa ka naman. Wala ka nang kilay. Alam ko na! Kikilayan nalang kita!" Sigurado akong matutuwa sya pag kinilayan ko sya. Sobrang boyfriend material kaya nitong gagawin ko. Sana naman ma-appreciate nya.
Kinuha ko sa coat ko ang ilang materials ko para sa gagawin kong pag-torture. Boy scout ako 'no. Kaya lagi akong handa.
Hmmm.. sinulid at karayom? Parang ang korni naman. Ah! Alam ko na! Itong karayom nalang. Marami namang karayom dito kaya siguro naman magkakasya 'to.
Isa-isa kong kinuha ang karayom at tinusok sa parteng kilay nya. Sinigurado kong baon ang pagkakatusok ko para hindi ito matanggal. Naka-korte ito na parang kilay talaga. Siguro mga sampung karayom bawat kilay. Hahahahaha! Ang cute cute.
Kinuha ko ang martilyo at pinukpok ng dahan-dahan ang karayom para lalo itong bumaon sa laman nya. Napasigaw naman sya ng ipit dahil sa ginawa ko.
"Shhhhh. Babygirl. Its ok. Wag ka na umiyak. Di na'ko galit. HAHAHAHA!" Saad ko.
Patuloy parin sya sa pag-iyak kaya naman sobra akong nainis at kinuha ang isang karayom at sinulid sa coat ko. Sinimulan kong tahiin ang talukap ng dalawang mata nya nang sa ganun ay hindi na sya umiyak.
Nang matapos ko itong tahiin ay saka ako nagsalita.
"Ayan. Hindi ka na naiyak. Yan lang pala ang soluyon e." Saad ko. Buti nalang tinuruan kami ni Sir. Arven kung paano ang mag-tahi.
Tinitigan ko si Perlas at may isang idea na naman na pumasok sa utak ko.
"Perlas! Laro tayo!" Napatingin sakin ang kasamahan ko na tila nagtataka dahil sa sinabi ko.
"Ano namang laro yan?" Kasamahan ko.
"Tagu-taguan!" Saad ko habang nakangiti.
"E paano makakapaglaro si Perlas e hindi na nga sya makakita?" Tanong ng kasamahan ko.
"Huh? Hindi na sya makakita? Bakit?" Inosente kong tanong.
"Kita mong tinahi mo ang talukap ng mata nya e. Tapos magtataka ka pa." Aniya.
"Ganun ba? Ah! Alam ko na." Saad ko.
Hinawakan ko ang nakatahing mata ni Perlas at dahan-dahan itong hinigit. Sinigurado kong dahan-dahan lang ang paghigit ko sa tahi ng mata nya para hindi sya masaktan.
Nagwala ulit sa Perlas kaya hindi ko maiwasang mainis. Ang kulit kulit naman ng babaeng 'to!
Sa sobrang inis ko ay mabilis kong hinigit ang tahi sa mata nya. Nag-si-talsikan sakin ang dugo sa mata nya pati narin ang maliliit na laman. Nang matapos kong gawin yun ay nakita kong kinakapos sya sa paghinga.
"Hala! Anong nangyayari sayo? Nahihirapan ka 'bang huminga?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot sakin kaya umisip nalang ako ng paraan. Siguro ay nahihirapan syang huminga dahil sa maliit na butas ng bibig nya.
Kinuha ko ang matalas na kutsilyo sa bulsa ko at dahan-dahang tinapyas ang labi nya. Inukit ko pa ang gilid ng bunganga nya nang sa gayon ay makahinga sya nang maayos.
"Siguro naman ngayon makakapag-laro na tayo diba?" Tanong ko.
Hindi sya sumagot kaya muli akong nagsalita.
"So ganito ang laro natin. Ako yung taya at ikaw naman ang hahanapin ko. Wag kang magpapakita sakin kasi ang parusa pag nakita kita ay kamatayan. So ano? Game na ha!" Saad ko. Inutusan ko ang kasamahan ko na umalis muna at pakawalan si Perlas. Ako naman ay lumayo ng kaunti at saka nag-bilang hanggang sampu.
To be continued...
End of Chapter 12
----
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"