Scream 17

1.2K 104 23
                                    

SILENT SCREAM

Dedicated to Blaxkpearlyuri

---

Lee's POV

"Mj. San ba talaga tayo pupunta? Kanina pa tayo paikot-ikot o. Gutom na gutom nako." Saad ko. Paano ba naman. Napagtripan naming mag-babarkada mag-roadtrip kaninang madaling araw pero hanggang ngayon hindi parin kami nakakauwi. Parang tanga naman kasi 'tong si Mj. Kung saan-saan nagddrive kaya ito. Naligaw pa kami.

"E sorry na, Lee. Di ko naman sinasadya." Aniya.

"Tanga ka? Mag-ddrive ka hindi mo alam yung daan? Aish." Bulyaw ko sa kanya.

"Tama na yan, Lee. Mabuti pa maghanap nalang tayo ng maliit na restaurant. Dun nalang tayo kumain." Saad ni Nicole. Ang jowa ng tangang si Mj.

"Fine. Sige. Maghanap kayo ng makakainan dito. Kita nyo naman. Puro puno. Ni wala nga kong makitang building na nakatayo e. Nyeta." Naiinis na talaga ko kaya kung ano-ano ang lumalabas sa bibig ko.

"Ayun o. Diba building yun?" Ani Kate. Tumingin naman ako sa tinuro nya at nakita ko ang pangalan na nakaukit sa building.

Miya Resort

Kahit papano ay kumalma ang puso ko. Siguro naman ay may restaurant sa loob ng resort na yan. Mukhang luma na yung building pero mukhang bukas pa naman.

Nang dumiretso kami dito ay nadatnan na agad namin ang parking lot kaya pinarada na muna ni Mj ang kotse nya dun at saka kami nag-si-babaan.

"Sigurado ba kayo dito? Parang walang tao e." Ani Kate.

"Aarte ka pa? Kung gusto mong mamatay sa gutom, maiwan ka sa loob ng kotse." Sagot ko. Hindi naman na sya umimik pagtapos kong magsalita. Napansin kong hindi bumaba si Mark ng kotse kaya kinalampag ko ang pinto nito. Napansin nya naman ako agad at binuksan nya ang bintana ng sasakyan.

"Wala ka 'bang balak bumaba dyan? Gusto mong mamatay sa gutom?" Tanong ko.

"Hindi naman ako gutom." Walang ekspresyon nyang sagot. Gosh! Kakastress.

"Ok, fine. Mag-isa ka dyan sa sasakyan. Kainan mo nalang yang cellphone mo pag nagutom ka." Dumiretso nako sa elevator at nakita ko namang nagsi-sunudan na sila sakin.

Pinindot namin ang button papuntang lobby at nang makaakyat na kami ay nakaamoy agad ako ng hindi kaaya-ayang amoy. Yuck. Ang baho.

Pagtapak namin ng sahig ay may mga bahid ng dugo kaming nakita.

"Wtf is this? 'Bat puro bahid ng dugo?" Nagtatakang tanong ni Mj.

"Baka naman regla lang na tumulo. Hahahaha!" Biglang biro ni Nicole sa tanong ni Mj. Tinignan ko naman sya ng masama at saka nagsalita.

"Nakakatawa yon ha? Nakakatawa yon?" Sarcastic kong tanong sa kanya.

Umakto naman sya agad na parang zinipper ang bibig at hindi na nagsalita pa.

"Lee, I think kailangan na nating umalis dito." Saad ni Kate.

Nakakadiri sa Resort na'to. Parang may nangyayaring.. ewan. Nvrmnd. Dumiretso kami sa harap ng elevator ngunit nagtaka kami ng hindi ito gumana na parang namatay ang system nito. The fudge?

"Anong nangyayari?" Tanong ni Nicole.

"Ayaw gumana ng elevator. Parang sinadya itong patayin para hindi tayo makaalis dito." Sagot ko.

"Whut?! The hell! Paano na yan?" Kinakabahang tanong ni Nicole.

"G-guys. May parang uhm tao sa likod?" Napalingon kaming lahat nang magsalita si Kate. May taong naka-itim na coat mula sa malayo at naka-maskarang pang-demonyo. May dala rin itong palakol. Nakatitig ito sa'min at saka dahan-dahang naglakad papalapit.

Shit.

Ano 'to? Para kaming nasa horror movie.

"Guys. Takbo." Utos ko.

"Ha? Saan naman tayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Mj.

Napansin ko naman ang entrance door na malapit sa'min kaya sa tingin ko ay may tatakbuhan kami.

"Sa gilid nyo, may pinto palabas nitong building. Ngayon, takbo na!" Sigaw ko at nagsitakbuhan na kami palabas ng pinto.

"Dito tayo, Nicole!" Sigaw ni Mj habang hawak ang kamay ni Nicole.

"No! Dito tayo sa kaliwa!" Saad ko naman.

Lumingon ako sa likuran namin para icheck kung nakasunod na samin yung taong naka-maskara at nakita kong naglalakad parin sya patungo sa direksyon namin habang ang palakol naman nya ay kinakaladkad nya sa sahig.

Tangina. Ang creepy.

Nag-si-takbuhan na kami at nagkahiwa-hiwalay kami ng direksyon. Magkasama kami ni Kate at magkasama naman si Mj at Nicole.

"A-Ano yun, Lee?" Tanong ni Kate sa pagitan ng pagtakbo namin.

"Hindi ko rin alam! Ewan!" Sagot ko. The fudge. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Biglang nawala yung gutom ko dahil sa kaba. Tangina.

May nakita akong isa pang building kaya inaya ko si Kate na dumiretso dun. Umakyat kami sa second floor at saka nagtago sa isa sa mga kwarto dito.

Grabe yung tibok ng puso ko nang tuluyan kaming makaakyat sa kwarto.

Pinagmasdan ko ang loob ng kwarto at wala ni isang gamit na nandito. Tinitigan ko si Kate at napansin kong hindi sya makahinga nang maayos.

"Shit, Kate! Inaatake ka na naman ba ng asthma mo?!" Nag-aalala kong tanong. Tumango-tango sya sakin kaya naman kinuha ko ang maliit na bag na nakasakbit sa katawan nya at dali-daling hinanap ang inhaler nya. Nang makita ko ito ay mabilis ko 'tong inabot sa kanya.

Nakahinga ako ng maluwag nang maging maayos na ang lagay nya. Kinuha ko ang cellphone sa bulsa ko at napagtanto kong wala palang signal dito. Shit naman.

Nicole's POV

Takbo lang kami ng takbo ni Mj. Puro bahid ng dugo sa dinadaanan namin kaya hindi ko maiwasang matakot. Pumasok kami sa isang maliit na kwartong nadaanan namin at dali-dali itong nilock. Pinagmasdan ko ang kwarto at puro damit lang ang nandito.

"Babe. Diba ito yung suot kanina nung taong naka-maskara?" Tanong sakin ni Mj.

Lumapit ako sa kinatatayuan nya at nakita ko nga ang kaparehong coat na suot ng taong humahabol samin kanina. Nakita ko rin ang ilang maskarang katulad nung sa kanya.

Napatingin ako kay Mj nang isuot nya ang coat pati ang maskara.

"Anong binabalak mo ha?" Tanong ko.

"Trip ko lang. Hahahaha. Mukhang tinatakot lang tayo nung taong yun. Tska kita mo, 'pang horror 'tong pinasukan nating resort. Baka naman may event ngayon dito kaya ganun. Pfft." Saad nya at saka binigay sakin ang isa pang coat at maskara.

"Ayan, suot mo. Makiki-celebrate tayo sa kanila. Hahaha." Saad nya.

Sinuot ko nalang ang binigay nya at nagpicturan pa kami sa loob ng kwarto at saka lumabas.

Mukha ngang may event dito sa loob ng resort na ang theme ay horror. Mabuti 'pang mag-enjoy nalang kami! Uwu!

End of Chapter 17

---

A/N

I-welcome nyo na ang mga bago nating characters. Hahaha. Omg.

So ayun. Dont forget to vote, guys. Spread lurvvv.

Silent ScreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon