SILENT SCREAM
---
Chapter 6
Lloyd's POV
Mag-gagabi na pero hindi parin ako lumalabas dito sa Bus. Nakita ko pa kung paano nya ikadena yung gate at ikulong ang mga kaklase ko sa loob. Akala nya hindi ko sya makikilala ha. Isa sya sa mga malalapit sa akin kaya alam na alam ko ang postura ng likod nya.
May kumaluskos na naman sa labas kaya sumilip ulit ako sa bintana. Nakita ko si Kath na hinang-hinang naglalakad at sugatan.
Tutulungan ko ba sya?
Hindi. Hindi pwede Lloyd. Baka isa sya sa mga kalaban. Tama, tama. Mag-isip kang mabuti, Lloyd. Wag kang tatanga-tanga.
Nakita kong napatingin sa'kin si Kath kaya naman napaupo ako bigla dito sa bus.
Susmaryosep.
Baka nakita nya ko.
Narinig kong kinakalampag nya ang pintuan ng bus kaya lalo akong napasiksik dito sa sulok ng inuupuan ko.
Kinuha ko ang unan na dala-dala ko. Pwede ko ito maging shield sa kalaban kung sakali 'mang saksakin nya ko.
"Lloyd! Papasukin mo ko!" Sigaw nya mula sa labas.
Mukha namang hindi kalaban si Kath pero ayoko namang magpapasok ng duguan dito sa Bus. Mamaya ako pa pagbayarin ng driver pag nakita nyang puro dugo ang mga upuan dito. Hindi naman pwede yun lalo na't 100 lang ang binigay saking budget ni Mommy.
Kath's POV
Mukhang walang balak buksan ni Lloyd itong pintuan ng bus. Argh! Letche. Dumiretso nalang ako sa gate pero nakita kong naka-padlock ito. Tangina. Paano ako makakapasok nito.
Tinignan ko yung naka-paskil na drawing ng buong resort nila Aki. May parking lot na naka-konekta sa loob pero sa likod pa ang daan. Tangina. Maglalakad na naman ako.
Keigh's POV
Tumakbo lang ako ng tumakbo kasama si Cassie at Karylle. Pabalik kami sa building na tinuluyan namin kanina. Nakakainis. Naalala ko na naman yung pugot na ulong bumagsak sa harapan ko.
"Girls! Dito bilis!" Napalingon kami ng may tumawag sa'min. Si Marc kasama si Lance.
Pumasok kami sa isang maliit na cr at nilock ang pinto mula sa loob.
"Anong nangyari? Bakit kayo nagsisi-takbuhan?" Tanong ni Marc.
"May naghagis ng pugot na ulo sa inuupuan namin. Kaya nagsi-takbuhan kami at nagka-hiwa-hiwalay." Ani Cassie.
"Gosh! Ang init naman dito! 'Bat ba dito tayo pumasok!" Reklamo ko.
Biglang bumukas ang shower ng cr at naglabas ito ng tubig ngunit pag-buhos nito ay nalapnos ang mga balat namin kaya hula ko ay hindi ito tubig kundi asido.
"Aaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!" Sigaw ko.
"Lance! Marc! Buksan nyo yung pinto!" Sigaw ni Karylle.
"Hindi ko mabuksan. Nalock tayo dito sa loob. Argh! Tangina." Lance.
"Guys! Walang buksanan yung shower! Tangina yung balat ko!" Umiiyak nako habang nalalapnos pa-unti-unti ang katawan naming lahat.
Prince's POV
Lalaki ako pero hindi ko maiwasan kabahan sa mga nangyayari ngayon. Lalo na't wala na yung mga kaibigan ko.
Flashback
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"