SILENT SCREAM
A/N: Guys, please don't forget to vote every chapter. Malaking tulong na. So ayun. Enjoy reading!
----
Andrei's POV
"Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Masarap maglaro sa dilim-diliman.." bumilang ako hanggang sampu at nang pagkatapos kong magbilang ay dali-dali kong hinanap si Perlas. Luminga-linga pa'ko sa paligid dahil baka nasa isang puno lang sya at nagtatago.
"Perlasssss!!! Yuhooooo!!! Nasan ka na? Hahahahaha!" Sigaw ko. May naririnig akong mahihinang yapak mula sa malayo kaya't sinundan ko ito.
"Perlas ang sabi ko tagu-taguan! Hindi habol-habulan!" Bulyaw ko. Nagpatuloy parin ako sa pag hahanap sa kanya. Masyadong madilim kaya hindi ko sya masyadong maaninag. Maya-maya pa ay narinig kong parang may sumigaw at alam kong hindi ako nagkakamali. Sigaw ni Perlas yun! Medyo malabo lang ang pagkakasigaw nya pero alam kong sya yun. Ganun ang narinig ko sa kanya kanina habang kinikiliyan ko sya. Mabilis kong sinundan ang sigaw nya at nakita kong nakakapit sya sa lupa at malapit nang mahulog sa bangin.
Nang mapagtanto nyang nakalapit nako ay bigla na lang syang bumitaw at saka nagpahulog ngunit bago nya pa magawa yun ay nahawakan ko na ang kamay nya at desididong tulungan sya para maka-akyat.
"Wag kang mag-alala, Perlas. Nandito na'ko. Tutulungan kita." Saad ko.
Tinulungan ko sya paakyat ngunit winawaksi nya ang kamay ko. Buti nalang mas malakas ako sa kanya kaya tuluyan ko syang napaakyat sa lupa.
"Muntik mo nang ikamatay yun Perlas. Pasalamat ka tinulungan kita." Saad ko sa kanya.
Nakaramdam ako ng awa nang makita kong punong-puno ang katawan nya ng dugo. Puro sugat din ang mga talukap ng mata nya at tapyas din ang kapiraso ng labi nya. Torture. Pero kahit ganun ay humihinga parin sya at buhay na buhay.
Nakita kong may luha na pumatak sa mga mata nya. Sobrang nanlambot ang puso ko dahil sa nakikita ko ngayon.
"Perlas? Sinong may gawa nyan sayo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Wala syang binigay na sign kung sino ang gumawa nun sa kanya at iling lang ang sinagot nya sa tanong ko.
Biglang pumasok sa isip ko si Kath at Maki.
Anong nangyayare?
Pinagmasdan ko ang buong paligid at tila naguluhan kung anong ginagawa ko dito. Ang huli kong naalala ay nasa kotse kami nila Kath at may isang taong bigla nalang humarang sa dinadaanan namin.
Anong ginagawa ko sa lugar na'to?
Sobra akong naguguluhan. Nagpa-linga-linga ako at pinagsasabunot pa ang buhok ko at nag-babaka-sakaling may maalala ako sa mga pangyayari. Tangina!
"Perlas? Anong nangyayare?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi sya sumasagot.
Pinagmasdan ko ang suot ko at nakita kong nakasuot ako ng coat na itim. Hindi ito ang suot ko nang nasa kotse pa kami nila Kath. Hinubad ko rin ang maskara ko at nakita kong maskara ito ng demonyo. Puro bahid ng dugo ang mga kamay ko pati na rin ang damit ko.
Pinagmasdan ko ang nakakaawang lagay ni Perlas. Sinubukan ko syang hawakan ngunit pilit nyang nilalayo ang sarili nya sakin.
Ako ba ang may kasalanan kung bakit ka nag-ka-ganyan?
Gulong-gulo ang isip ko. Tumayo ako at saka nag-paalam kay Perlas.
"Babalikan kita Perlas. Sa ngayon, aalamin ko muna ang mga pangyayari." Saad ko.
Tinalikuran ko sya saka naglakad papalayo. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyari. Kailangan kong malaman kung ano na naman ang nagawa ko.
Dinielle's POV
Kanina pa'ko palakad-lakad sa loob ng Resort. Ang magandang resort na tinuluyan namin ay ibang-iba na ngayon. Hinihintay ko na may makasalubong akong killer ngunit wala. Mukhang hindi umaayon sakin ang tadhana.
Hawak-hawak ang maliit na kutsilyong dala ko, nilaslas ko ang pulso ko at saka pinatulo ang dugo ko sa sahig. Sigurado akong pag nakita ng killer ang patak ng dugo ko ay gagawin nya itong trace para masundan ako.
"Dinielle?" Narinig kong may nagsalita sa likuran ko at paglingon ko ay nakita ko si Phara na nakatayo ilang agwat sa'kin at seryoso akong pinagmamasdan.
Napangisi ako at saka sya nilapitan.
"Anong ginagawa mo sa sarili mo?" Tanong nya.
"Wag mo na'ko intindihin. Magtago ka nalang. Baka makita ka pa ng killer." Sagot ko.
"May balak ka 'bang magpakamatay ha?!" Bulyaw nya.
"Wala kong balak, Phara. Mamamatay tayong lahat dito pero wala kong balak sumakabilang buhay nang wala man lang ginagawa." Ako.
"So ano nga?! Anong gusto mong gawin?! Kalabanin yung killer?! Makipagpatayan sa kanya?!" Sunod sunod nyang tanong.
"Anong gusto mo, Phara?! Mamatay nalang nang hindi man lang lumalaban?! Ako kasi hindi! Lalaban ako! Ipaglalaban ko ang buhay ko!" Sagot ko.
"Dinielle hindi yan solusyon! Magtatago tayo! Hindi tayo magpapakita sa kanya! Alam nating dalawa na hindi natin kayang labanan ang kung sino mang pumapatay." Phara.
Tinalikuran ko sya at nagsimulang maglakad. Nakapag-desisyon nako. Kahit anong salita nya ay hindi na magbabago ang isip ko.
"Hindi ako aalis sa mundong 'to nang hindi man lang nasusugatan ang gustong pumatay sa'ting lahat." Saad ko at saka tuluyang naglakad palayo.
Habang binabaybay ko ang Resort ay nakita ko ang iilang bahid ng dugo sa sahig. Isang building na tinupok ng apoy at ang ilang lamang loob na nakakalat sa daan.
Wala kong makitang kasamahan namin na buhay. Unti-unti nang sumisikat ang liwanag at unti-unti narin akong nawawalan ng pag-asa na buhay pa ang iba kong kaklase.
"*huk* Red horsh eksha shtrong! The number one beer ito ang tama!" Narinig kong may nag-eecho na salita mula sa building na nadaanan ko kaya mabilis akong pumasok dito at nadatnan ko si Jennie na lasing na lasing.
"Jennie?! Bakit lasing na lasing ka?!" Nag-aalala kong tanong.
"D-dinielle? Hahahaha! Ikaw pala yan! Kamushta ka? Meron akong naka-date kagabi! Ang gwafo nya! Hahahaha!" Sagot nya habang natawa pa.
Inaya ko sya na tumayo na at ihahatid ko sya sa isang kwarto na pwede nyang pag-pa-hingahan. Akay-akay ko sya paakyat ng building nang maya-maya ay may nagsalita mula sa likuran namin.
"Ibigay mo sya sakin at hahayaan kitang makatakbo palabas ng building na'to." Saad nito.
Lumingon ako at nakita ko ang taong naka-maskarang pang-demonyo.
Ngumisi ako. Ito na ang pagkakataon ko.
"Bakit ko naman sya ibibigay sayo?" Inosente kong tanong.
"Simple lang. Dahil mahal mo pa ang buhay mo." Aniya.
"Hmmm. Totoo namang mahal ko ang buhay ko. Pero pasensya na ha. Madamot kasi ako." Saad ko.
Nakita kong nilabas nya ang kutsilyo nya kaya naman kinuha ko rin ang maliit na kutsilyo ko at saka tinapat ito sa leeg ni Jennie.
"Mukhang mahalaga si Jennie sayo ah? Hahahaha. Sige lumapit ka. Sisirit ang dugo ni Jennie sa loob ng building na'to." Pananakot ko. Wala naman talaga kong balak gilitan ng leeg si Jennie. Gusto ko lang makita ang gagawin nya.
Narinig kong napamura sya at saka kami tinalukaran.
"Pag nalaman ko lang na may ginawa ka kay Jennie. Tatapusin ko na agad ang buhay mo." Aniya saka naglakad na palabas ng building.
May kahinaan rin pala ang mga killer.
End of Chapter 14
BINABASA MO ANG
Silent Scream
HorrorHighest Ranking #13 (Horror) -- "Andyan na sya! Papatayin nya tayong lahat! Umalis na tayo dito! Magtago ka na! Shhh.. wag kang maingay. Nakatingin sya sa'tin! Papatayin nya tayo! Hahahahahaha!"