Day 2.1

1.1K 37 1
                                    


Risk Del Franco
4:10 am

Risk: Anna? What the? Stay away from your room now!

Risk: Lock your room. Baka masamang tao yan

Risk: I also notice that shadow in your room before I leave yesterday. Mag ingat ka.

Nagpop-up ang mga message ni Risk kaya napamulat ako. Nabasa ko ang mga ito at bigla akong nakaramdam ng kaba. Muli kong sinilip ang kurtina na pinagmamasdan ko pa kanina bago ako matulog. Ni-make sure ko na wala talagang tao doon.

Ngunit sa mga oras na ito ay muling kong naaaninag ang anino ng lalaki. Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko malaman. Pamilyar ang hugis ng lalaki na tila nakita ko na ito noon. Nanginginig na nilapitan ko ito at hinawi ang kurtina. Wala. Wala ni isang taong nakatayo doon. Umatras ako ng tatlong hakbang ngunit mas lalo akong nakaramdaman ng kaba. Madilim pa ang paligid dahil madaling araw palang. Lumingon ako sa likuran ko at laking gulat ko ng maaninag ko ang isang lalaki na punong puno ng dugo.

Bigla akong napabangon sa hinihigaan ko. Tirik na tirik ang araw na dumadapo sa aking balat. Panaginip. Panaginip lang pala ang lahat. Tinignan ko ang aking cellphone kung anong oras na at kung nagmessage na ba si Risk. Ngunit wala pa rin akong natatanggap. Bumangon na ako sa aking higaan ng marinig ko ang tinig ni Mama, inuutusan agad ako.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon