Day 3.4

875 22 1
                                    


Gabi na and I was waiting for his replies. Ni-last chat niya ako. Ayoko naman na ako yung unang mag-chachat kasi wala naman akong ginawang mali. Kita ko siya na kanina pa siyang online. Lumabas ako at pumunta sa terrace para magpahangin. Palubog na ang araw at sinasakop na ng dilim ang paligid. Di pa rin nakakauwi sina Mama ngayon. Wala din ang kapatid ko na si Sally, may group project daw at mamaya pa ang uwi. Ganun naman palagi. Di kami pinaghihigpitan kahit umuwi pa kami ng madaling araw. Alam kasi ng mga magulang namin na responsable kami. Bata palang ay tinuruan na kami ng self defense, pero syempre hindi lang naman dahil dun kaya panatag sila, ina-update din kasi namin sila sa mga ganap namin kada minuto na wala kami para kahit papaano at gumagaan ang loob nila and pinagkakatiwalaan nila kami.

Nakaramdam ako ng malamig na simoy ng hangin. Bigla akong napalingon sa likuran ko ng makarinig ako na para bang may bumagsak na gamit. Nakita ko muli ang bintana kung saan ko naaninag ang imahe ng lalaki.Tinatangay ng hangin ang kurtinang puti. Ngunit nang pinagmamasdan ko ito ay may pumukaw ng aking pansin. Tila may nakatayo doon. Ang puting kurtina ay unti unting nababahiran ng dugo. Agad akong kinabahan.

Agad akong nataranta. Di ako mapakali. Sa ilalim ng kurtina ay napansin kong gumagalaw ang paa na punong punog ng dugo. Agad akong napaatras. Sa sobrang takot ko ay nagtatakbo ako palayo sa bahay namin. Nandilim nalang ang paningin ko nang makaramdam ako ng malakas na hampas sa aking ulo. Naaaninag ko ang anino ng lalaki. Lumapit ito sa mukha ko. Tumutulo sa mukha ko ang dugo na nagmumula sa kaniyang ulo. Unti unting pumipikit ang aking mga mata habang iniinda ko ang sakit na nararamdaman ko sa bandang uluhan ko. "Akin ka lang," tinig na aking narinig bago tuluyang nagdilim ang paningin ko.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon