Day 4.2

846 25 0
                                    

Kasama ko ngayon si Ferry. Nagkakamustahan lang kami sa mga ganap namin sa buhay. Tumigil na pala siya sa pag aaral at malapit nang bumuo ng pamilya. After 2 years na di namin pagpapansinan, he found his home. Ang babaeng papakasalan at makakasama niya habang buhay. Masaya ako dahil sa nalaman ko. Kaya hindi ko alam bakit ganon kagalit si Risk sa kaniya. Dati palang kasi nagkakainitan na sila. May gusto kasi sakin si Ferry noon, at nalaman yon ni Risk. Kaya dumating sa punto na kailangan masira ang pagkakaibigan namin ni Ferry. Childhood friend ko siya, namin nina Aly. Kaya nga gustong gusto makita nina Aly, Avy at Cal siya eh.

Nang makarating kami ay nagsimula na ang maliit na pagsasalo. Tuwang tuwa si Calvin nang makita niya kami. Little reunion na rin kasi ito. Minsan na lang din talaga kami nagkikita. Palaging through chats na lang pag nagkakamustahan.

Si Sally naman ay humabol nalang. Nang makarating siya ay kinukutya siya ni Calvin kasi manang na manang daw ang datingan niya. Pero sa totoo lang, mas mahinhin pa sa snail yang kapatid ko na yan.

Habang kumakain kami, masaya kami nagkukwentuhan. Mga ganap lang naman sa buhay. Tuwang tuwa ang mga pinsan ko na malamang ikakasal na si Ferry. Si Calvin naman ay tinutukso ako na dapat si Ferry nalang daw pinili ko. Sabi ko naman ay mayroon na kong Risk bakit pa ako maghahanap ng iba. Sinangayunan naman ni Ferry ang sinabi ko at ginatungan na may asawa na daw si Ferry kahit di pa sila humaharap sa altar.

Naglabas naman si Avy, kakambal ni Aly ng alak. Inihanda na din nila ang videoke na talaga inarkila pa nila para masigla ang birthday celebration ni Cal. Si Tita naman ay abala sa pageentertain ng iba pang bisita ni Cal.

Enjoy na enjoy ang bawat isa. Ngunit sa isang iglap ay nataranta ang lahat nang magsuka si Ferry. Akala namin ay normal na pagsusuka lamang iyon. Ngunit habang tumatagal ay nagsusuka na siya ng dugo. Lahat ay nataranta. Si Aly ay nagtawag ng ambulansya habang inaasikaso namin si Ferry.

Hinihila ni Aly ang aking damit na tila may tinuturo siya malapit sa tabi ni Ferry. Wala akong naaaninag kaya pinasawalang bahala ko nalang. Ngunit sa kasamang nang makarating kami sa hospital, dead on arrival na siya. Wala na si Ferry.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon