Day 7.4

749 20 31
                                    


Nakaupo ako sa salas habang nanonood ng tv. Nasa harapan ko naman ang pamangkin ni Rica na busy na naglalaro ng kaniyang manika. Bandang alas onse niya dinala ang pamangkin niya kasama ang mga ilang gamit nito. Pinaalalahanan ako an painumin ko daw ng gatas bandang alas dos ng hapon para makatulog ito. Ala una palang naman ng hapon kaya nanonood muna ako habang binabantay ang batang naglalaro.

Nakaramdam ako ng antok kaya napahikab ako. Naipikit ko ng saglit ang aking mga mata. Makalipas ang sampong segundo ay muli kong minulat ang aking mga mata. Agad nanlaki ang mga mata ko ng makita ang imahe ng lalaking itim sa look ng tv. Nakangisi itong habang tagaktak ang patak ng dugo mula sa kaniyang ulo.

Lalapitan ko sana ang bata ng bigla itong lumabas mula sa tv na siyang ikinagulat ko. "Wag! Wag mo siyang lalapitan, wag mo siyang idamay!" sigaw ko. Nangingilid na ang mga luha sa aking mata. Naninigas ang aking katawan at di ako makalapit sa bata.

Unti unting lumapit ang lalaking itim sa bata. Hinaplos nito ang malambot na pisngi ng bata samantalang ang bata naman ay walang kamalay malay sa nangyayari sa paligid niya. Kinuha ng lalaki ang bola maliit mula sa ilalim ng lamesa malapit sa kinatatayuan ng bata.

Ngumisi ito. Sumigaw muli ako na wag niya gagalawin ang bata. Pinaglaruan ng lalaki sa palad niya ang bolang maliit kung kaya't kumapit dito ang dugong tumutulo sa palad niya. Pinabukas niya ang bibig ng bata at pinalunok ang bola.

Muli akong sumigaw. Ngunit nagulat ako dahil walang lumalabas na boses mula sakin. Pinipilit kong sumigaw. Pinipilit kong gumalaw ngunit hindi ko magawa. Nakita ko na unti unting hindi makahinga ang bata dahil sa bola na bumara sa lalamunan nito.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon