Day 12.4

632 12 0
                                    

Gulat na gulat akong napaurong. Bumilis ang tibok ng puso ko. Tumindig din ang mga balahibo ko sa buong katawan. Napapikit ako dahil ayokong makita muli ang mukha ng lalaki. Nakakatakot siya. Simula nang magparamdam siya, ngayon ko lang nakita anv mukha niya. Nakaramdam ako ng matulis na bagay mula sa likuran ko. Agad akong napalupagi sa sahig ng makita ang pulang likido mula sa likuran ko. Agad akong nakaramdam ng kirot kasabay non ang naramdaman kong paglupagi ng lalaki sa likuran ko.

Minulat ko ang aking mga mata, kinakapa ang matulis na bagay sa aking likuran. Lumingon ako sa likuran ko. Hindi na ako nagulat ng makita ko ang lalaki, nasa likuran ko na siya hawak hawak ang kutsilyo na nakatusok sa likuran ko. Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa leeg ko. Ininda ko na lamang ang sakit dahil inuunti unti niya binabaon ang kutsilyo.

"Diba sabi ko sayo akin ka lang." nanggagalaiting sigaw ng lalaki. Nanghihina na ako at hindi ko na maigalaw pa ang katawan ko. Kahit mga daliri ko ay nawalan ng buhay.

Pinagmasdan ko ang mukha ng lalaki. Tila pamilyar ang mukha niya ngunit hindi ko matukoy kung sino ang kahawig nito. Naramdaman ko na lamang na may tumulong luha mula sa mga mata ko.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon