Day 12.3

611 15 1
                                    


Nagising ako dahil sa pagkalampungan ng mga kaldero sa kusina. Ano bang ingay yan? Kinuha ko ang cellphone kong inilapag ko lang sa may lamesa. Laking gulat ko nang mawala ito. Nasaan ang cellphone ko? Dito ko lang naman yun nilagay at wala nakong paglalagyan pang iba.

Agad akong bumangon at tumungo sa sala. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Tumingin ako sa may orasan at nakita kong magaalas singko na ng hapon. Sinabihan ko si Rica na alas sais siya pumunta para overnight nalang kasi magmomovie marathon lang din naman kami.

Napansin ko na ang dilim sa paligid kahit na hapon palang. Agad akong lumabas ng sala at tumungo sa may asotea. Napabuntong hininga ng napakalalim. Parang ang bilis naman ata lumubog ng araw?

Pinagmasdan ko ang kahel na kulay ng kalangitan. Agad akong namangha sa mga korte ng ulap. Nilalaro ko lang ang mga ulap habang pinagmamasdan ko ito nang mapansin ko ang tila kutsilyong hugis ng ulap. Napalunok ako dahil sa nakita. Napansin ko na unti unting kumukupas ang kulay kahel na kalangitan dahil sa itim na ulap na sumasakop dito. Mukhang uulan.

At tama nga ako. Agad naman bumuhos ang napakalakas na ulan. Umaampiyas at nababasa ako kaya naman agad akong pumasok sa loob ng bahay.

Umuulan. Wala na akong nagawa kundi ang umupo sa sofa, pinakinggan ang nagkikidlatan at nagkukulugang kalangitan. Parang kanina lang ay kulang kahel ang kalangitan, ngayon naman ay binabalot ito ng kadiliman.

Agad na napukaw ang atensyon ko ng mahagip ng mga mata ko ang anino ng isang lalaki. Hindi ko maaninag ang mukha nito bagkos nasa likuran ito ng puting kurtina. Agad naman akong napahawak sa sentido ko at napapikit. Nahihilo na ako.

Muli kong minulat ang aking mga mata. Wala na ang lalaki sq likod ng kurtina. Napahinga ako ng malalim. Namamalikmata lang siguro ako.

Agad na nagulat ako dahil paglingon ko ay nakita ko ang mukha ng lalaki. Sunog ang mukha, duguan at dilat na dilat ang mga matang nakatingin sa akin. Tumutulo ang dugong nagmumula sa mga sugat niya sa mukha.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon