Nagtatago ako sa sulok ng counter. Takot na takot ako. Kanina pa tumutulo ang luha ko habang kinakapa ko ang kumikirot sa bandang hita ko. Iniangat ko ang kamay ko at nakita ang bahid g dugo.
Saktong pagpasok naman ni Rica sa shop. Buti nalang at wala masyadong customer ngayong araw. Dali dali siyang nag tatakbo sa akin. Nanginginig ako sa takot. Hinawakan niya agad ang mukha ko, pinipilit na pakalmahin.
"Bes, anong nangyari sayo? Bat ka nagtatago dito sa sulok?" nagaalala na tanong niya. Pinagmasdan ko siya at di ko na napigilan na maiyak lalo. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Bes, natatakot ako. May lalaki. Inatake niya ako. Punong puno siya ng dugo. May dala dala siyang kutsilyo. Di ko makita ang mukha niya," naiiyak na saad ko. Pinakita ko naman sa kaniya ang hiwa sa aking hita.
"Bes, sigurado ka ba? Hindi ba gawa gawa mo lang yan?" tinuro niya ang cutter na nakalapag sa sahig na may bahid ng dugo. "Hindi ako ang may gawa nito," umiiyak pa rin ako.
Lumipas ang mga oras, pinakalma niya ako. Sinamahan niya ako hanggang sa matapos ang work shift ko. Agad din kaming nagtungo sa simbahan bago kami dumaretso sa lamay ni Ferry.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...