Day 34.3

511 3 1
                                    

Rica's POV

Magisa kong tinatahak ngayon ang fourth floor ng building namin to check if may mga naiwan pang mga files. Kailangan na kasing matapos ang gawain namin within this day para bukas ay makakapagpahinga na.

Madilim ang paligid dahil alas dyes na ng gabi. Iilan nalang rin ang ilaw na bukas dahil ako na lamang ang tao dito sa building bukod sa guard na nasa baba. Busy akong dinadampot at tinitignan ang mga folders na nakalagay sa lamesa ng kaofficemate ko.

Pero hindi ko maiwasan makaramdam ng kaba dahil pakiramdam ko ay may tao sa paligid ko. Kaysa sa matakot ay pinagpatuloy ko nalang ang ginagawa ko para makauwi na agad ako ng maayos.

"MAMAMATAY KA!"

Bigla akong nagulat nang may sumigaw sa likuran ko. Paglingon ko ay isang imahe ng taong nakakulay itim. Balot na balot ng dugo ang kayang katawan pati narin ang kaniyang mukha. Ngunit ang tinig na mayroon siya tila familiar.

Sinunggaban niya ako ng sakal dahilan para mahirapan ako huminga. Labis na takot man ang nararamdaman ko pero ngayon alam ko na kung ano ang katotohanan.

It all makes sense.

Mula sa umpisang patayan until now, I know kung sino ang may gawa.

Mula sa boses na lumabas sa kaniya, alam kong siya nga to.

Tama nga ang teyorya ko.

Pilit akong kumakawala sa pagsakal niya pero hindi ko magawa dahil mas malakas siya sakin. Sobrang hirap na kong huminga to the point na hirap na rin ako maglabas ng boses.

Nagtry akong tumawag kay Anna para humingi ng tulong pero hindi siya sumasagot sa tawag ko.

"Alam kong alam mo na ang katotohanan. At hindi ko hahayaan na sisirain mo yun,"

"Pinagkatiwalaan kita." sagot ko

"Pwes mali ka ng pinagkatiwalaan."

"Nababaliw ka na."

"NABABALIW NA TALAGA!"

Tinulak niya ako ng sobrang lakas kaya agad akong nadala. Sobrang nanghihina ko sa ginawa niya. Nasa may bintana na kami ng building, at tulad nga ng sinabi ni Anna mula sa vision niya mahuhulog nga ako dito.

Ngumiti ang nakaitim na imahe sakin hudyat na mamamatay na ko. Ngumisi lamang ako sa kaniya at hinayaan siya sa gianwa niya. Tinulak niya ako mula sa fourth floor ng building na to.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon