Madilim ang paligid. Tanging liwanag nalang na nakikita ko ay ang bukas na poste sa may kanto ng street na nilalakaran ko. Nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Ang pagdampi ng nagliliparang mga dahon mula sa puno malapit sa daan. Nakaramdam ako ng kaba na hindi ko maipaliwanag kung bakit. Nanlalabo ang mga mata ko ngunit may naaaninag ako imahe ng babae. Nakatalikod siya at nakatayo sa tapat ng poste kung saan nanggagaling ang nagiisang liwanag.Dahan dahan akong lumapit sa kaniya. "Miss?" patanong na tawag ko sa kaniya. Hindi siya lumilingon. Malakas pa rin ang hampas ng ahngin kaya nilipad ang aking buhok. Hinawi ko naman ito at inilagay sa pagitan ng aking tenga. Tinahak ko ang landas kung saan nakatayo ang babae.
Nakakarinig ako ng hikbi. Pakiramdam ko ay galing iyon sa babaeng nakatalikod sa landas ko. Nang makalapit ako ay agad ko siyang hinawakan sa balikat. "Miss, okay ka lang b---" Naputol ang sasabihin ko nang humarap ang babae. Umiiyak siya ng dugo. Napaurong ako.
"Anna, tulungan mo ko. Anna lumayo ka sa kaniya," bigkas ng babae. Lalo akong nakaramdam ng kaba ng bigla siyang sumigaw. "Anna nandyan na siya, lumayo ka sa kaniya!" sigaw niya. Napadako ang tingin ko sa likuran niya. Nakita ko ang lalaking itim na laging sumusunod sa akin. May hawak siyang itak. Napaurong ako lalo.
"Miss, tumakbo na tayo," pagpupumilit ko sa babae. Ngunit napansin kong nakatali pala ang paa sa mula sa poste. Lalo akong nagulat ng biglang tumakbo ang lalaking itim patungo sa direksyon namin. Napatakbo ako dahil sa takot. Ngunit napahinto ako at tumingin sa direksyon ng babae. Nakita kong hinampas ng itak sa leeg ang babae kung kaya't naputol ang ulo nito.
Napasigaw ako sa aking nakita.
Napatayo ako sa hinihigaan ko. Tirik na tirik ang araw na dumadapo sa aking balat. Hinahabol ko ang aking paghinga. Tagaktak ang pawis na tumutulo ulo sa aking ulo. Agad kong tinakpan ng aking mga palad ang aking mukha. Panaginip. Panaginip na naman. Hindi ko na alam bakit ako nananaginip ng ganito. Hidni naman ako nanonood ng mga horror movies. Napasobra siguro ako sa kape.
Tinanggal ko ang aking mga palad at agad na tumayo sa aking higaan. Pumunta ako sa aking kabinet para kumuha ng panyo pamunas ng aking mga pawis. Napatingin ako sa orasan tapat ng pintuan ng aking kwarto. Alas tres palang ng umaga.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...