Taki's POV
"Stupido!" sabi ni Anna. Nasa labas kami ngayon ng kotse habang nakatutok sakin ang itak na hawak niya. Sa sobrang gulat ko kanina ay nabitawan ko ang hawak kong cellphone.
"Anna, bitawan mo yan. Makipagusap ka sakin ng maayos,"
"Maayos? Matapos niyo kong paglaruan?"
"Hindi ka namin pinaglalaruan Anna. Bitawan mo yan. Maawa ka," pagmamakaawa ko.
"Maawa? Naawa ba kayo sakin noong mga panahon na namatayan ako? Hindi diba?"
"Bakit mo ba ito ginagawa Anna?"
"Dahil sa inyo! Kayo ang may kagagawan nito sakin. Simula ng umalis si Risk, pinaramdam niyo sakin na magisa ako. Lalo na noong panahon na nalaman kong patay na siya. Kaya ito, maghello ka naman kay Risk,"
Agad siyang nagtungo sa likuran ng kotse habang ako ay sinundan lamang siya ng tingin. Nakita ko na may nilagay siyang bagay kanina doon bago kami umalis. At ngayon ay malalaman ko na kung ano yun. Pag angat pa lamang niya ng likuran ng kotse ay umalingasaw na ang masangsang na amoy.
Isang sako. Sako na may mabahong amoy.
"Ang bango," wika niya. Hinila niya ang sako at dinala sa harapan ko. Unti unti niyang tinanggal ang tali mula sa sako at tumambad sakin ang walang kabuhay buhay na katawan ni Risk.
"Paanong?"
"Ninakaw ko?" ngumisi siya sakin sabay inilapit niya sa pisngi ko ang itak na hawak niya.
"Kaya pala nawawala ang bangkay ni Risk. Kinuha mo. Napakasama mo,"
"Masama bang gustuhin ko na makasama siya ng walang hanggan?"
"Nababaliw ka na!" sigaw ko. Bigla namang nagliwanag ang cellphone ko na nalaglag kanina. Nilapitan niyan yun at niyapakan. Tumingin siya ng masama sakin at hinawakan ang pisngi ko na may bahid ng dugo. Kinuha niyo yun at tinikman.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...