Gia Quintos
11:23 pmGia: SANA MASAYA KA NA WALA NA KO MATAPOS MONG MALAMAN ANG TOTOO.
Nang mabasa ko ang mensahe niya ay bigla kong naitapon ang cellphone ko. Bigla akong kinilabutan. Paanong nakapagreply ang isang patay na? Biglang tumindig ang mga balahibo ko ng may biglang dumampi ang malakas na hangin sa aking braso.
Dahan dahan kong nilingon kung sino ang nasa likuran ko. Ramdam ko na mayroong tao na nakaabang sa likuran ko.
Paglingon ko ay agad akong nagulat nang makita ko ang mukha ni Gia na punong puno ng dugo. Nakahawak siya sa kaniyang tiyan. Tila may hinuhugot na bagay. Kutsilyo. Ang kutsilyong ginamit sa kaniya nung pinatay siya.
Agad akong kinabahan lalo na at nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin sakin.
"Maguilty ka sana sa mga ginawa mo!"
Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin parang saksakin ako. Kung ano ang ginawa sa kaniya ng lalaki ay ganun din ang ginawa niya sakin. Unti unting nagbabago ang anyo niya. Hindi na siya si Gia kundi siya ang lalaking itim na lagi kong nakikita.
"Malunod ka sa sarili mong dugo, Anna."
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...