Day 12.5

613 15 0
                                    

Tinanggal ng lalaki ang kutsilyo mula sa likuran ko. Napasandal ako sa dingding habang siya ay naglakad sa harapan ko. Nakapikit ako pero ramdam ko kung anong ginagawa niya. Hinawakan niya ang chin ko Minulat ko ang mga mata ko at nakitang nakangisi siya. Ang kamay niya, ounong puno ng dugo. May ginuhit siya sa pisngi ko. Hidni ko alam kung ano yun.

"Hindi ka makuha sa isang salita." bigkas niya. Tumawa siya ng napakalakas. Pinikit ko muli ang mga mata ko kasi akmang sasaksakin niya ulit ako.

Tahimik ang paligid. Wala akong maramdam na kutsilyo sa aking tiyan. Minulat ko ang mga mata kong may tumutulo paring luha. Nakita ko nalang ang kutsilyo sa lapag, punong puno ng dugo. Nawala ang lalaki sa harapan ko.

Nakita kong dumating si Rica. Nakahinga ako ng maluwag. Napalunok ako ng napakalalim. Hindi ko pa tin maigalaw ang katawan ko. Nanghihina na tinignan ko si Rica at umiyak. Umiyak kahit na wala ng boses ang lumalabas sa labi ko.

"Bes, anong ginawa mo?" tanong niya. Natataranta na kinuha niya ang cellphone niya mula sa bag na dala niya. Nagdial siya at may tinawagan.

"Bes, saglit lang, malapit na dumating ang ambulansya. Anong ginawa mo sa sarili mo, kung may problema ka sbaihin mo sakin," naiiyak na sabi ni Rica. Nakatitig lang ako sa kaniya. Ramdam ko parin ang dugo an dumadaloy mula sa likuran ko. Napipikir na rin ako.

" Bes, laban lang please!" aniya.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon