Pagkamulat ng mga mata ko ay bumungad agad ang kapatid ko na may hawak na towel na basa. Akmang pupunasan ako ngunit napatigil siya nang mapansin niya na nakatitig ako sa kaniya."Nahimatay ka, buti nalang at nakita kita. Buti na nga lang talaga at di ka bumagsak sa may batuhan. Baka putok yang uluhan mo. May malaki ka nga lang bukol," paliwanag niya. Ini-angat ko ang ulo ko pero napainda nalang ako sa sakit na nararamdaman ko. Sinapo ko ang ulo ko, kinapa ang bukol na tinutukoy ni Sally.
"Buti na lang din ako nakauwi agad ako ng maaga. Pero ayun nga nagpahinga din ako agad. Nagkamalay ka kagabi tas may binabanggit kang lalaki. Pero mga ilang minuto din ay nakatulog ka ulit kaya ayun, kinaumagahan ka na nagising,"
"Nakita mo yung lalaki?" tanong ko. Kita ko sa mga mata niya na nagtataka siya. "Anong lalaki Ate? Wala naman akong nakita nung natagpuan kitang walang malay. Magisa ka lang. Wala din akong napansin na tao sa paligid ng bakuran natin,"
Napabuntong hininga nalang ako. Pinagpatuloy ni Sally ang pagpunas sa akin. Sumakit din ang likuran ko dahil sa pagkakabagsak ko kahapon. Pinakuha ko kay Sally ang cellphone ko at tinignan kung may mga mensahe akong natanggap. Nakita ko ang maraming missed call ni Risk, ang reply sa akin Ferry na makakasama siya mamaya sa birthday ni Cal, at ang mensahe sa akin ni Rica na nag aalala dahil nabalitaan daw niya ang nangyari sakin.
Risk Del Franco
7:15 amRisk: Love, sorry sa mga sinabi ko. Na-stress lang talaga ako.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...