Day 3.0

953 32 2
                                    

Risk Del Franco
5:32 am

Anna: Love, nakatulog ako. Btw, mag woworkout ako now. Pampalipas oras lang.

Anna: Kung maaari lang talaga na makatabi kita :<

Anna: Craving

Anna: Nagkasugat din ako and both sa kamay.

Nagtataka na bumangon agad ako sa kinahihigaan ko para mag stretching. Yung mga sugat, coincidence lang naman siguro yon no? I really miss him already. From that time na nalaman ko na nakarating na siya sa Germany, naging kalmado ako. Atleast, alam ko na ligtas siya.

Nakita ko ang kapatid ko na si Sally, busy na nakikinig ng balita sa radyo habang nagmamap ng sahig. Bata pa lamang ay maalam na siya sa gawaing bahay. Sa totoo lang, sa aming magkakapatid, ako lang tong tamad. Pero kahit papaano ay isa naman ako sa nakakatulong kina Mama dahil sa pagpapart time job ko habang nasa college ako. Sembreak namin ngayon kaya wala kami masyadong ginagawa. I'm taking Psychology, di ko rin alam ba't ito yung tinake ko, but I see myself na magiging successful ako sa program na 'to. Consistent Dean's Lister naman ako, and kahit na hati ang oras ko ay namamanage ko naman 'to.

Narinig ko mula sa radyo ang balita na may sumirok daw na eroplano. Pero di ko masyado naintindihan ng ayos kung saan patungo ang eroplano at ano ang dahilan ng pagsirok. Nagmamadali na din ako, magjojogging kasi ako hangga't di pa tirik ang araw.

Nakita ko naman si Mama na nagluluto ng agahan. Sinabihan niya ako na umuwi agad ako para makapag umagahan. Tumango lamang ako bilang sagot. Inihanda ko agad ang tubig ko plus yung airpods ko para sa music at sinimulan na ang pagtakbo.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon