Day 52.9

794 4 1
                                    

Anna's POV

Alas nuwebe na ng gabi at kasalukuyan kami nastranded dito. Nakatali si Taki sa loob ng kotse habang ako ay inaasikaso ang dala dala kong gasolina.

Lumapit ako sa kaniya at agad na binuhos yun sa buong katawan niya pati na rin sa paligid ng sasakyan.

"Anna, maawa ka. Itigil mo na to. Wag mo tong gawin," aniya pero tinawanan ko lamang siya.

"Kung hindi ka kasi nangialam hindi sana 'to mangyayari."

"Anna, maawa ka—" napatigil siya sa pagsasalita dahil naglabas na ko ng lighter muna sa bulsa ko. Pinaglaruan ko pa iyon sa mga palad ko habang siya ay takot na takot.

"Wag mong ituloy ang binabalak mo. Anna, hindi pwedeng magsama kayo ni Risk. Dahil patay na siya!"

"Walang makakapigil sakin. KAPAG SINABI KONG MASASAMA KAMI, MAGSASAMA KAMI!" sigaw ko sa kaniya. Sinindihan ko na ang lighter na hawak ko at agad na inihagis yun sa kaniya.

Tumawa ako ng malakas habang pinapanood siyang nasusunod sa loob ng sarili niyang kotse. Nakikita ko siyang nagmamakaawa habang nasusunog ang balat niya. Ilang segundo lamang ay sumabog na ang kotseng sinasakyan niya.

Bumalik ako sa pwesto kung saan ko inilagay ang katawan ni Risk. Kahit na patay na siya ay hindi pa rin nawawala ang kagwapuhan niya. Tinanggal ko ang dugong tumutulo sa ilong niya at iyon ay aking tinikman.

"Makakapagsama na tayo habangbuhay, Risk!"

"Ate Anna, itigil mo na 'to"

Nagulat ako nagsalita. Agad akong napabalikwas ng tingin at nakita ko si Aly at Avy pati na rin ang mga kasama niyang pulis.

"Ate anong ginawa mo kay Risk, maawa ka. Hindi mo siya pwedeng tangayin ng basta basta!" sigaw ni Aly.

"Anong ginawa mo kay Taki?" tanong naman ni Avy.

Bumuntong hininga ako at ngumisi sa kanila. "Ginawa ko lang to para makapagsama kami. Lagi niyo nalang akong pinapakialaman."

"Naririnig mo ba yang sarili mo? Anna, patay na yan." ani Aly

"Obssess ka na," ani Avy

Napansin ko na pinapaligiran na ko ng mga pulis. Hindi maaari ito. Hindi nila pwedeng masira ang mga plinano ko.

Agad na isinangga ko ang itak na hawak ko. "Subukan niyo lumapit," pagbabanta ko.

Hinila ko ang katawan ni Risk hanggang sa makarating kami sa dulo ng bangin. Nakapaligid pa rin sakin ang mga pulis habang nakatutok sakin ang hawak nilang baril.

"Anna, itigil mo na to!" ani Aly

"Kung hindi niyo kami mapipigilan ni Risk na magsama. Pasensya na, mahal ko lang siya." Ngumisi at agad na tumalon mula sa bangin.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon