Day 2.5

992 38 6
                                    

Alas otso na ng gabi nang makauwi ako. Pagod na pagod ako ngayon araw. After mass, sinamahan ko si Rica na mamili ng kanyang mga kailangan sa art project na gagawin niya. Ayoko pa din umuwi ng mga oras na yon. Kahit na nagdasal na ko, kahit na may hawak hawak akong rosaryo, di pa rin mawala sa isipan ko ang lalaking nagpapakita sa akin. Di ko maaninag ang mukha niya pero bakas ang mga dugong tumutulo sa mga sugat nito. Kumikirot din ang maliit na hiwa sa aking kamay na hanggang ngayon ay di pa rin maipaliwanag kung bakit ako nagkaroon non.

Pumasok agad ako sa kwarto ko at nagkandado ng pintuan. Kinakabahan pa rin ako. Natatakot. Wala sa bokabularyo ko ang salita multo. Bata pa lamang ako ay di na ako naniniwala doon. Ngunit nang masaksihan ng dalawa kong mata ang lalaking iyon, kinikilabutan at naninindig pa rin ang mga balahibo ko.

Kumuha agad ako ng health kit para gamutin ang sugat sa braso ko. Napapansin ko kasi na parang lumalaki ang hiwa niya. Kung kanina ay maliit lamang siya, ngayon ay kasing haba na ng hinliliit ko.

Matapos kong gamutin ang mga sugat ko, pinagmasdan ko muna ang paligid. Tahimik. Walang bakas ng lalaking nakatayo sa likod ng puting kurtina. Nang makaramdam ako ng antok ay agad akong humiga. Napipikit na ako nang marinig kong tumunog ang aking cellphone. Ngunit dahil sa antok ay di ko na nagawang mabasa pa ang mensahe na aking natanggap.

Risk Del Franco
8:58 pm

Risk: Kakarating lang namin dito sa Berlin.

Risk: Nagkasugat ako sa braso ko love. Pero wag ka mag alala, malayo sa bituka.

Risk: Rest love. Samahan kita.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon