Kinaumagahan ng sabado ay agad kong tinapos ang aking mga gawain. Inasikaso ko na din mga gamit ko. May pinart time akong Flower Shop habang naghihintay ako sa resulta ng pinag-applyan ko na kumpanya as a Data Analyst. Mamaya ang start ko sa Flower Shop bilang taga-assist sa mga customer and pag aayos ng mga bouquet.
Pagkatapos ko sa trabaho ay dederetso ako sa lamay ni Ferry kasama si Rica. Gusto ko man lang makadalaw kahit saglit lang kasi di ako makakasama sa libing niya ganun din si Rica. Pagkatapos ko mag asikaso ay inayos ko na ang sarili ko. Unang araw ko ngayon kaya dapat ay presentable akong tignan. Paalis na ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko. Nakita ko na nag message si Risk.
Risk Del Franco
7:45 amRisk: Love, sorry sa mga nasabi ko.
Risk: Nadala lang ako sa selos ko.
Sineen ko lang ang chat niya. Wala ako sa mood para replyan 'to. Umalis na ko ng tuluyan at nagabang ng masasakyan.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...