Last Day

1.2K 16 7
                                    


Alyssa's POV

Isang taon na din ang lumipas simula nang mangyari yun. Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sakin ang mga pangyayari. Nandito ako ngayon sa harap ng puntod ng mga pinatay ni Anna.

Isang taon na din ang lumipas pero hanggang ngayon ay hindi pa rin natatagpuan ang bangkay ni Anna. Alam namin na patay na siya dahil sa lalim ng pinagbagsakan niya. Ang nawawalang bangkay ni Risk ay napabalik mula sa Nanay niya at inilibing rin dito kung saan inilibing ang mga pinatay niya.

Matagal na palang may depression na nararamdaman si Anna. Nalaman ko lang ito noong naglinis ako ng bahay nila. Mga risetang gamot na hindi niya binibili at ang mga medical documents niya.

Mas lalong natrigger ang depression niya simula noong nalaman niya na namatay ang boyfriend niya dahil sa pagbagsak ng eroplanong sinasakyan nito. Doon na unti unting pumasok sa isipan niya ang mga nakakatakot na imahe ng isang lalaki na gawa gawa lamang ng isipan niya.

Alam niya na hallucinations lang niya ang lahat. Ngunit ayaw niyang malaman ng lahat na unti unti na siyang nababaliw kaya ginawa niya ang mga bagay na hindi naman dapat. Pinalabas niya na si Risk ang pumapatay. Minanipula niya lahat ng sitwasyon lalo na sa mga taong pinatay niya.

Siya lang din ang kumakausap sa sarili niya gamit ang account ng boyfriend niya.

Napahirap nga talaga para sa kaniya na mawalan ng boyfriend lalong lalo na ang masasandalan kaya nagawa niya ang mga ito. Pero hindi ko inasahan na aabot sa ganito. Na halos patayin na niya lahat ng mahal niya sa buhay.

Totoo ang kwento tungkol kay Paula. Alam yun ng mga magulang ni Risk. At alam rin yun ni Anna. Kaya laking tulong ng impormasyon na yun para mapagpatuloy niya ang mga plano niya.

Naaawa lang ako sa mga taong nadamay sa mga plano niya na inosente. Kailangan ba talagang umabot sa ganito?

Nagbitaw ako ng malalim na buntong hininga at naglapag ng bulaklak sa puntod ni Sally.

You may all rest in peace.

::The End::

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon