Day 3.3

891 27 0
                                    


Alyssa Fuentes
12:58 pm

Aly: Couz, pinapapunta ka ni Mommy! Arat na at mag shot char

Anna: Bakit? Anong meron? Di pa ko nakakaligo, tas masama pa loob ko ngayon

Aly: Birthday ni Cal.

Aly: Tsaka teh di pa naman now. Wag kang atat alam ko namang miss mo ko.

Aly: Alam mo naman yon, every birthday ay gusto laging may handa. Gastos e, char

Anna: Hahaha, kapal mo talaga. Okay couz, I'll try na pumunta, pakisabi nalang kay Tita.

Aly: Bakit pala masama loob mo? Ano na namang drama yan teh?

Anna: Di talaga kami minsan magkaintindihan ni Risk. Like may mga bagay na di ko naman sinasabi pero iba yung pinaparating niya pag nagsasalita ako.

Anna: Parang mali palagi.

Aly: Naku, mga lalaki talaga, hayaan mo nalang muna siya baka stress lang din.

Anna: Nakakainis kasi.

Aly: Ay true yan pero intindihin mo nalang muna. Tapos pag usapan niyo nalang mamaya.

Aly: By the way, sama mo si Ferry bukas ha T_T

Aly: Miss ko na kabardagulan yon.

Anna: Sabihan ko siya, busy ata siya sa new gf niya e. Hahaha

Aly: True kinakabog niyo ko. Yung kakambal kong si Avy, ay naunahan pa ko :) Teh ako unang inilabas e tas ako nangungulelat

Aly: It's a sign talaga na matandang dalaga ang direksyon ko

Anna: Magfirst move ka na kasi kay Tero.

Aly: Ay naku, mag kamatayan na basta di ako mag first move. Dignidad over pag ibig talaga

Aly: Oh siya, asahan ko kayo bukas ha. At si Sally pala hinahanap ni Cal, baka daw si Maria Clara na yan hahaha.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon