Gia Quintos
10:38 amGia: Kwento sakin ng dati niyang yaya.
Gia: Kakalabas palang daw sa sinapupunan ng nanay niya si Risk, nagulat daw ang mga magulang nito dahil bigla nalang daw itong tumatawa.
Gia: Hindi normal yun para sa mga sanggol na kakalabas lang.
Anna: Tama ka. Bakit ano daw rason.
Gia: Sabi ng mga doctor wala naman daw sakit ang bata, pero yung yaya ni Risk, ang sabi nakita daw niya na may kalaro yung sanggol na demonyo.
Anna: Wtf?
Gia: Hanggang sa lumaki si Risk.
Gia: Kokonti lang daw ang nakikipagkaibigan sa kaniya kasi daw weirdo daw.
Gia: Bigla nalang daw nagsasalita kahit wala namang kausap.
Anna: Bakit hindi ko to nalaman noon. Ang buong akala ko sikat siya dahil madami siyang naging kaibigan nung college kami.
Gia: Exactly, simula ng tumuntong si Risk ng highschool, nagbago ang lahat sa kaniya. Naging sikat siya, naging friendly.
Gia: Doon din nagsimula ang inggit ng demonyo. Pagseselos niya sa mga kaibigan ni Risk. Isa isa ding namatay mga kaibigan ni Risk. Lahat ng taong lumalapit sa kaniya, namamatay. Kaya lagi siya nasususpende kasi akala ng mga guro si Risk ang may kasalanan. Pero napatunayan na hindi.Gia: Ang sabi pa ng Yaya niya, yung demonyo lang daw ang pwedeng kaibigan ni Risk. Kaso nagaway daw sila simula ng tumuntong ng college si Risk.
Anna: Bakit?
Gia: Dahil sa babae...
Gia: Parehas nagustuhan ni Risk at ng demonyo ang babae ito. Si Paula ang pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...