Day 2.3

1K 39 3
                                    


Naglalakad ako ngayon patungong simbahan. Alas tres ng hapon magsisimula ang misa. Saktong sakto na malapit lang kami sa simbahan, di ko na kailangan pa mamasahe. Habang naglalakad ay nababalisa pa rin ako. Hindi ko makalimutan ang imahe ng lalaking nakita ko sa likod ng kurtina. Alam kong panaginip lamang iyon ngunit di ko siya maalis sa isipan ko. Tila pamilyar talaga ang lalaking yon.

Nabaling ang tingin ko sa bintana ng isang bahay. Mula doon ay naaninag ko ang isang anino ng lalaki na may hawak na kutsilyo. Hawak hawak ko ang rosaryo na bigay sakin ni Risk habang ang mga kamay ko ay nanginginig sa takot. Muli kong pinagmasdan ang bintana at di ako nagkakamali sa nakita ko.

Bigla namang umihip ng napakalakas na hangin, kung kaya't nawala ang tingin ko sa bintana. Nabitawan ko din ang rosaryo na hawak ko. Nang akmang pupulutin ko iyon ay bigla akong nakaramdam na parang may humiwa sa kamay ko. Mabilis kong dinampot ang rosaryo at tinignan ang aking kamay. May tumutulo na dugo mula sa maliit na sugat. Muli kong binaling ang tingin ko sa bintana. Wala. Wala na ang anino na aking pinagmamasdan kanina. Tanging hinahangin na kurtina na puti na lamang ang aking natatanaw.

Binilisan ko na lamang ang lakad ko at kailangan na kailangan ko talaga ng dasal ngayon.

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon