Nagising ako at pinagmasdan ang paligid. Puti. Yan lamang ang kulay na nagbubuhay sa kwartong kinahihigaan ko. Agad akong tumingin sa kaliwa ko, nakaupo roon sina Rica at Mama. Natutulog sa may upuan. Nasa hospital ako. Hay, talagang dinala pa ako dito kahit na alam naman nila na konting galos lang yung saksak. Hindi naman baon, basta hindi malala yung sugat.Bigla naman nagising si Mama. Napresensiyahan ata na gising na ako.
"Anak, ano bang nangyayari sayo? Bakit kailangan mong saksakin yang sarili mo? Alam mo ba kung gaano mo kami pinagalala? Ayokong mawalan ng anak, hindi ko kakayanin" naiiyak na sabi ni Mama.
"Sorry Ma, pero hindi ako ang may gawa nito." paliwanag ko.
"Anong hindi ikaw? may masamang loob ba ang pumasok sa bahay natin? Hindi naman nawala mga gamit natin?"
"Ma, hindi tao ang may gawa nito sakin. Lalaking itim na bigla nalang naglalaho. Lagi siya nagpaparamdam sakin. Tinatakot niya ako,"
"Ano bang sinasabi mo anak? Sabi ni Rica wala naman daw tao nung mga araw na natagpuan ka niya. Yung kutsilyo, malapit sa kamay mo."
"Pero Ma, hindi ibig sabihin non ako na ang may gawa non. Nasa tamang katinuan pa ko, hindi ko kaya gawin sa sarili ko yun,"
"Magpagaling ka na muna diyan."
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...