Day 27.2

547 6 0
                                    


Nakatitig ako ngayon sa harap ng salamin. After kong kumain at uminom ng gamot ay agad akong nakaramdam ng antok. Sa sobrang pagod ay di ko na rin nagawang makapunta pa sa kwarto. Wala pa si Mama. Paniguradong may binibili yun sa palengke kahit ganitong gabi na. Wala rin ang kapatid ko dahil may sleep over siya kasama ang mga kaibigan niya.

Kaya ito, naisipan ko dito nalang matulog sa may sofa hanggang sa dumating si Mama. Madilim ang paligid dahil di na ko nagbukas pa ng ilaw lalo na sa kusina. Aksaya kasi masyado eh magisa lang naman ako ngayon dito.

Humikab ako senyales na inaantok na talaga. Humiga ako sa sofa habang nakatutok sakin ang patay na TV.

Limang minuto pa lamang akong nakapikit pero nakarinig na agad ako ng kalabog mula sa kusina. Noong una ay hinayaan ko lang. Iniisip ko na pusa lamang yun. Pero hindi na tumigil ang pagkalabog.

Sa sobrang ingay ay nawala ang antok ko. Nagunat ako ng katawan ko pero laking gulat ko ng biglang yumanig ang sofa na hinihagaan ko. Balot na balot ng dilim ang paligid habang ang pintig ng puso ay sobrang bilis.

Nagulat ako ng biglang nagbukas ang TV na nasa harapan ko. Labis na kaba ang naramdaman ko ng makita ko ang imahe ng lalaking itim na nasa loob ng TV.

"AKIN KA LANG, ANNA."

Who is Risk? (2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon