Nagulat ako dahil pagkatapos kong mabasa ang message sakin ni Rica ay agad itong nagtype ng sarili niya. Naibato ko pa to sa sahig ngunit hindi ito nabasag. Naggiglitch yung phone ko pero patuloy pa rin ito sa pagtatype. Mamamatay ka. Ayan ang mensahe na paulit ulit na nagsesend.Nangtumigil sa pagtatype ay nadead battery ito. Chinarge ko saglit ang phone ko at agad na humingi ng patawad kay Rica sa mga nangyari. Sino ang nagtatype sa cellphone ko? Nilingon ko ang kaliwa't kanan ko pero wala naman akong nakikita eh. Isa pa pakiramdam ko, sobrang lamig ng paligid kahit na pinatay ko na yung aircon kanina.
Napabuntong hininga ako ng tanggapin ni Rica ang patawad ko. Medyo nagalit siya sa tinext ko. Lalo na dahil kinalimutan ko na naman inumin ang gamot na binigay niya. Pero hindi ko naman kasi talaga sinasadya eh. May kung sino ang nagtype nalang basta ng mga salitang iyon. Hindi ako yun.
Napabalikwas ako ng tingin. Tila namalikmata ng masilayan ang anino ng lalaki mula sa di kalayuan. Duguan. May hawak na kutsilyo. Yan ang description ko sa kaniya.
Pinikit pikit ko pa ang mga mata ko. Sa ikatlong pagpikit ay nagmulat ako pero labis na gulat ang naramdaman ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Halos ilang pulgada na lamang ang layo sa akin ng lalaki. Creepy. Halos kumawala na sa dibdib ko ang puso ko. Binabalot ako ng takot at panganib. Umikot din ang paningin ko sa hilo dahil nakakaamoy ako ng patay na tao.
Si Risk. Hawig na hawig niya ang mahal kong namayapa na. Nagdodoble na siya sa paningin ko.
"Akin ka lang. Papatayin ko ang magtangkang mangagaw ng mahal ko," aniya.
Pagkasabi niya niyon ay agad akong nagulat dahil sa pagpikit ko ay nakakita ako ng babaeng tinutulak ng isang lalaki. Sinasakal ang babae sa leeg hanggang sa hindi na ito makahinga. Pagkatapos ay mabilis na tinulak ng lalaki ang babae mula sa bintana ng fourth floor ng isang building.
Ang building na yun ay familiar. Ang lugar kung saan nagtatrabaho si Rica.
Si Rica ang babae.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...