Kakapasok ko lang sa kotse ni Taki. Wag ko na daw kasi siya tawaging Boss. Masyado daw formal e nasa labas naman daw kami ng workplace. Kakatapos lang namin manood ng sine at kumain sa fastfood chain. Ikinabit ko na agad sa aking dibdib ang seatbelt. Inistart naman na ni Taki ang kotse at pinaandar na.
"Kamusta ka?" nakatalikod ako ng upo nang biglang niyang tanong ako. Nacurious naman ako sa tanong niya.Ilang beses na niyang tinanong sa akin yan. "Ahmm katulad ng sagot ko kanina, at kanina, at kanina, okay na okay ako. Bakit ba tanong ka ng tanong?"
"Naranasan ko na rin kasi yan. Yung maiwan ng mahal sa buhay," bigla akong napatigil. Gusto ko sana pakinggan yung kwento niya pero hindi naman mali pagkakarinig ko na pinaparating niya na iniwan ako ng mahal ko sa buhay?
"Sorry, pero walang umiiwan sakin,"
"Deny all you want. Pero sobrang tagal ko din nagheal nung time na yun. Sobrang hirap mamatayan ng mahal---" pinatigil ko siya.
"Taki, ano bang sinasabi mo diyan, tumingin ka nalang sa daan. Nagdadrive ka oh," saad ko at muling tumalikod sa kaniya.
Madilim na rin ang paligid. Inabot na kami ng dilim sa sobrang tagal ng pagpila namin para sa ticket tapos after namin manood ay kumain pa kami. Pero okay na rin to kahit papaano nakakapaglibang ako. Na-drain battery ako kaya di na ko nakapagpaalam kay Risk. Mas maganda na di nalang din niya malaman kasi baka kung ano nalang sabihin niya.
Akmang bubuksan ko ang radyo para naman di boring ang atmosphere, wala kasing nagsasalita e. Ngunit naaninag ng aking mata ang lalaking nakaupo sa likod ng inuupuan namin. Nakangisi ito sabay inilabas ang matalim na kutsilyo. Bigla akong nasigaw sa gulat na naging dahilan kung bakit nagulat din si Taki. Nawala siya sa focus sa pagdadrive kaya di niya nacontrol ng ayos ang pagmamaneho niya.
Nagulat nalang kami ng maramdaman namin may nabangga kami. Agad akong nataranta. "Nakita mo ba yun?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot. Muli akong tumingin sa likuran ng inuupuan namin pero wala na ang imahe ng lalaki.
Lumabas agad si Taki sa kotse niya. Sumunod naman agad ako kasi ayoko mapagisa sa loob ng kotse. Nakita namin na may nabangga kaming pusang itim.
BINABASA MO ANG
Who is Risk? (2018)
HorrorDeath cannot separate us apart. Come here at my grave, my love. Simula nang umalis si Risk patungong Germany, tanging komunikasyon na lamang nila ni Anna ay through text messages. Araw araw ay naguusap ang dalawa kahit hindi nagkikita. Simula din iy...