Natatandaan mo pa ba ang araw na yun? Ako tandang-tanda ko pa.
Umuulan.
Nagulat na lang ako na paglabas ko ng classroom umuulan na pala. Mataas naman ang sikat ng araw kanina ah. Sabi rin ni Kuya Kim maganda raw ang panahon ngayon. Alam ko yun kasi laging inaabangan ng lolo ko yung weather forecast lalo na at si Kuya Kim pa ang nagbabalita, ewan ko ba di makakatulog si lolo ng hindi nakikita mukha ni Kuya Kim. At dahil akala ko maganda ang panahon kaya ko sinuot yung bago kong sapatos ngayon. Ano ba yan! Babaho paa ko nyan.
Bubukadin ko na sana yung payong ko ng biglang may humablot nito sa kamay ko. Nang tingnan ko ang salarin walang iba kundi ang hudas kong kuya na tuwang- tuwa pa lalo na at nakita nyang inis na naman ako. Aaargh! At hindi manlang ako sinabay. Talagang itinakbo nya na ang payong ko.
Kainis. Paano ako uuwi nyan?
Hihintayin ko na lang munang tumila alas tres pa lang naman.Yumuko muna ako para silipin yung bago kong sapatos. Aba! Kelangan ingatan bago pa. Sariling pera ko pa naman ang ibinili ko neto baka masira agad.
"Sabay ka na sakin."
Nanlaki naman ang mata ko. Shems ang pogi ng boses. Ang bango bango pa. Hanep naman oh. Nilingon ko naman yung nagsalita na paniguradong pogi rin dahil pogi ang boses at
Puchaaaaaa. Eto yung manyak na laging laman ng principal's office e. Kinabahan naman ako bigla , mamaya kung ano gawin nito sakin e.
"Ah e-eh k-kasi ano--"
"Naman. Wag ka na mautal alam ko namang pogi ako at malaki ang chance na isa ka sa mga babaeng nagkakandarapa sakin pero wag ka na mahiya. Okay lang, ano ka ba?"
"Tangina. Kapal ng mukha mo ah!" at sa inis ko sinapak ko sya sa mukha.
Na hindi ko naman nagawa dahil bukod sa nanginginig ako sa lamig e nanginginig na rin ako sa kaba. Ni hindi na nga ako nakapagsalita.
Shems katapusan na ba ng mundo at kelangan kong ma-stock dito kasama ang manyak na to?. Hindi po ako exaggerated, manyak po talaga to 100% tested.
Dumiretso na ako ng tingin at handa ng tumakbo ng mapatigil ako saglit para i-appreciate ang isang napaka gandang view.
Eto ang pogi walang duda! Papunta sya sa pwesto namin para siguro sumilong muna. At shems saktong sakto sa harap ko nung tumigil sya. Muntik pa syang madulas kaya sobrang lapit nya sakin at ... eto ang mabango walang duda!
Sarap singhutin! Hmmmm. Ni hindi ko namalayang napapikit pala ako sa sobrang bango. Ididilat ko na sana ang mga mata ko para makita ko pa ang pogi nyang mukha kaya lang wala na sya.
Shemay! Tila na pala ang ulan. Anubayan!
Umuwi akong busangot na busangot ang mukha noon. Dahil sa inis ko sa kuya kong napaka walanghiya at dahil na rin doon sa ulan na tumila bigla noong dumating ka. Yun na yun e !
Kainis! May pa-pikit pikit pa kasi akong nalalaman e yun tuloy di ko natitigan ng maayos yung mukha mo nun.
Sayang!
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Jugendliteratur"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...