Habang nasa daan, tanong naman ng tanong ng kung ano ano si Glen tungkol samin ni Kuya saka sa childhood namin. Sa katunayan, makwento akong tao especially kung pag uusapan yung tungkol samin ni Kuya. Kahit katabi lang kita sa jeep o nakasabay lang kita sa pila, when I have time lagi kong kinukwento kami ni Kuya kahit pa hindi kita kilala. Kung gaano kami kadikit ni Kuya, kung gaano ako alagaan 'non kahit may halong pang aasar at pambwibwisit. Kung gaano ako bine-baby non. Kung paanong di mapakali yun pag wala ako sa paningin nya.
Kasi kahit bwisit at barabas yun si Kuya, I feel so blessed na sya ang Kuya ko. Hindi man sya aware pero proud na proud ako sa kanya. But at this moment, wala ako sa mood na ikwento sa lalaking to kung gaano ako kasaya kahit mas madalas na kami lang dalawa ang magkasama. Wala sa sariling nilingon ko si Glen na siyang nagmamaneho ng kotse ni Kuya.
Hindi ko alam, poging pogi pa rin naman sya ngayon pero 'di ko sya trip kausapin. Alam kong mali manisi o mambintang pero feeling ko, isa sya sa dahilan bakit ganun ang attitude ni Kuya lately e.
I mentally slapped myself. Haaays Kristina, bad ka. Pati yung taong walang kamalay malay sinisisi mo. Malay mo naman, sumisingkad lang ang pagka-barabas ng Kuya mo.
"So ano favorite color mo?" pagbasag niya sa katahimikan saka sya sumulyap ng konti sakin at binalik na rin ang tingin sa kalsada.
"Green," tipid na sagot ko sa kanya.
Tipid talaga ako sumagot kasi wala nga ako sa mood magkwento so kung ano itanong nya sinasagot ko lang.
"Si Kuya mo?"
"Blue."
"Ah, ako gray e. Favorite food mo?"
"Lahat"
"Si Kuya mo?"
"Lahat din," ewan ko ba, dala siguro ng kahirapan kaya hindi kami pihikan ni Kuya sa pagkain o sadyang matakaw lang kaming dalawa.
"Ahhh. So ano na lang ayaw mo sa food?"
"Mahalang." Hindi ko napigilan ang paghikab. Sumilip ako sa bintana at napasimangot nang makitang malayo pa kami. Bakit ba kasi sa mall pa, may dirty market naman masmalapit pa.
"Si kuya mo?"
"Mapakla saka mahalang din." Gusto ko siya tanungin kung kanino ba talaga siya interesado para naman hindi siya nahihirapan na tanungin ako ng sakin o tanungin ako ng tungkol kay Kuya pero naisip ko, baka rude ang maging dating sa kanya when he was just trying to talk to me kaya I decided to just shut up and answer his questions.
He laughed a little. Iyong mayuming tawa bago nagsalita. "Awww mahilig pa naman ako sa mahalang. Hmmm ano pa ba? So sino bestfriend mo?"
"Cathy."
"Si Kuya mo?"
"Si Peter."
"Ah. Wala akong bestfriend e. Si Kuya mo pa lang. Sana."
"Pwede naman na dalawa kayong best friend ni Kuya," pagpapagaan ko ng loob niya though I don't know if it's a big deal kasi lalaki siya. Iba ang term ng friendship sa kanila kumpara sa aming mga babae.
"Well, I don't know if your brother wants me to be his friend." Napalingon ako sa kanya. Malungko siyang nakangiti. Seriously? Anong meron sa kanila ng Kuya ko? Does that mean that my guess was right? Na kaya nagkakaganun si Kuya ay dahil niya?
"I thought you two were friends," naguguluhang sabi ko sa kanya. Lumingon siya sakin at ngumiti ng maliit bago nagkibit-balikat.
"Come on, you two were friends, sa bahay ka nga niya pinatira e, diba?"
"There's another reason why he's letting me to live in your house, Kristina."
Walang salitang lumabas mula sa bibig ko. What he just said felt so sad. Even his voice sounds so sad.
"So hindi kayo friends ng Kuya ko?"
"Ewan ko sa kanya," nakangiting sagot niya sakin,
"I never had friends anyways."
Napaka lungkot nya naman kung ganun. One of the things that I learned about life in my 18 years of existence ay mahirap na wala kang mapagsabihan ng nararamdaman mo. Lalo na kung madami ka ngang kaibigan pero wala ka namang maituring na totoo. So better settle for one, yung one na nanjan for richer and for poorer, in sickness and in health, till death do us part. Ganun!
Lumingon akong muli sa bintana pero malayo pa talaga kami and the silence is suffocating.
"Si Kuya malalaman mo na frustrated sya sa dami ng ice cream na mauubos nya. Sa record, hanggang 4 pint pa lang ng ice cream ang kaya nyang ubusin. 'Yon ay 'nong nabasted sya for the first time." Napalingon sya sakin at parang nagtataka. Nginitian ko lang sya at pinagtuunan ko na ng pansin yung detail ng keychain sa wallet ko.
"Si Kuya, magaling sa arts yun, painting man o drawing." May pagmamalaki sa boses ko. "Tamad nga lang sa kusina kasi wala masyadong talent sa pagluluto," bahagya akong napangiwi nang maalala ko 'yong mga panahon na naga-attempt siyang magluto.
"Mahilig rin sya sa buy 1 take 1 kasi naniniwala siyang mas makakamura kami 'don. Hindi sya mahilig sa online games kasi aksaya lang raw sa load at oras. May pagka-kuripot kasi," mahina akong napatawa bago magpatuloy.
"Mas trip nya magbasa ng libro kesa magbasa ng kung ano ano sa internet. Hindi naman talaga sa ayaw nya sa mahalang, allergic lang talaga sya sa sili. Paborito 'non ang instant noodles pag umuulan tapos kesa matulog magbabasa sya ng magbabasam, feeling genius e. Hindi rin umiinom ng kape yun, either gatas o chocolate drinks lang. Tapos alam mo ba? hindi yun matutulog sa gabi hangga't gising pa ako. Pagpatak ng alas singko tapos wala pa ako sa bahay, hindi na mapakali yun maliban na lang kung si Cathy ang kasama ko, marupok 'yon e. Sa gamit o sa pagkain naman, okay lang na wala sya basta ako meron. Sobrang bine-baby ako 'non. Yun nga lang kapag usapang pang-kalikasan talo ako, mas mahal nya yung mga halaman nya sa garden kesa saken e," pagak akong napatawa. Lumalabas tulo pagiging selosa ko.
Napataas naman sa kanya ang tingin ko ng abutan nya ako ng panyo. Di ko namalayan, umiiyak na pala ako. At nasa parking na kami ng mall.
This is the first time na naiyak ako habang nagkwekwento ng paborito kong istorya - istorya namin ni Kuya. Most of the time, proud ako e kasi sure ako no one else can do what Kuya has done for me. Walang ibang kayang gumawa 'non para sakin.
He did things more than what is asked of him. Hindi man ako aware sa lahat ng isinakripisyo niya para sa aming dalawa but I know, I wouldn't be who I am today if it wasn't because of him. The best among my friends and my most reliable companion in my journey in life - my Kuya.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...