CHAPTER SEVENTEEN

187 25 0
                                    

Nagising ako sa pag-iingay ng sarili kong cellphone. Letse, nag-alarm ba ako?Sobrang inaantok man pinilit ko talagang silipin ang cellphone ko. Hindi pala alarm, may tumatawag. At ang bruha kong bestfriend yun kaya hindi ko sinagot. Bumabalik pa lang ako sa pagtulog ko nang muli na naman nag-ingay ang cellphone ko. Akala ko ba naka-vibrate mode 'yon?

Agad akong napaupo habang tinapat ko ang cellphone ko sa tenga at pumikit ulit.

"Oh?" iritadong bungad ko sa kanya sa telepono. Wala ng bati-bati,istorbo sa tulog!

"Good morning!" masiglang bati niya pabalik na nagpakunot ng noo ko. Sinilip ko ang caller id at sigurado akong best friend ko ang kausap ko. Mukhang maganda ang gising ng bruha.

"Ano ba 'yon?"

"Simba tayo." Hindi na ako nagulat kasi Linggo ngayon at siyempre may simba. Saka masipag talaga magsimba 'to kahit hindi halata. Palibhasa maraming kasalanan.

"Family day ang Sunday sa inyo diba?"

"You are part of my family, btch." Mata-touch na sana ako kaya lang, "Antok pa ko e," napapikit ako ng mariin habang hinihintay ang sunod-sunod na mura na manggaling sa kanya pero wala. Pinatay niya ang tawag. Wow. Walang sermon. Walang mura. Wow.

Nakareceive naman ako ng text sa kanya na tiningnan ko agad.

From: Cathy
Minsan lang ako mag aya e
6:05 am

Then another message came.

From: Cathy
Pero okay lang. Enjoy sleeping.
6:05 am

Another wow. Hindi nga nagalit. But again, pinagkibit balikat ko lang yon at tinuloy ang pagtulog ko. Antok pa ko e.

Hindi ko alam kung anong oras ako nagising pero nagdiretso ako pababa saka pikit-matang umupo sa sofa.

Naghihikab ako nang lumabas mula sa kusina si Glen, mukhang nagulat pa. Sus, hindi na siya nasanay sakin.

"Good Morning," bati nya sakin pero nginitian ko lang sya. Inabot ko ang remote ng tv at binuhay ko 'yon saka ako naghanap ng magandang panoorin. Umupo naman si Glen sa tabi ko.

"Bakit nandito ka pa?" kunot noo akong bumaling sa kanya.

"Bakit? Nasan ba ako dapat?" tanong ko sa kanya. May lakad ba ako ngayon? Di ko tanda.

"Hindi ka isinama ni Kuya mo? Akala ko ikaw kasama nya e," nagulat naman ako sa sinabi niya kaya hinanap ng mata ko ang orasan at 7:45 na ng umaga.
 

"Bakit? Asan si kuya?" 

"Sisimba daw. Kinatok niya lang ako sa kwarto tapos sabi nya, "Bro, simba lang kami ha" e antok na antok na ako kaya hindi ko sya pinansin non. Akala ko ikaw ang kasama."

Pinagkibit balikat ko na lang yon. Wala namang masama kung na-tripan nya magsimba. Baka may bago na namang babae 'yon o kaya crush sa choir ng simbahan. 

Bumalik ako sa kwarto pagkatapos namin mag-agahan. Agad kong hinagilap ang cellphone ko. Ewan trip ko mag internet. Tapos biglang may text na nag pop sa screen ko. Inopen ko yun.

From: Albus 💘

Good Morning 

8:09 am

Malaki ang ngiting nagtipa ako ng reply nang may message siya ulit.

From: Albus 💘
Busy ka today?
8:10 am

Agad nanikip ang dibdib ko sa kaba at excitement. Aayain nya ba ako makipag date? Mygaaaad ang bilis naman? Pero gora!

To: Albus 💘
Wala naman bakit?
8:12 am

Limang minuto ang hinintay ko pero walang reply. Ano yun? Mema? Mema-itanong lang?

Napasimangot naman ako. Akala ko naman aasenso na ang buhay pag-ibig ko.


Bakit kasi wala kaming project ngayon e. Wala manlang magawa. Ang boring. Agad akong naghanap ng pangalan sa contacts ko. Mag-aaya ako papunta ng mall, makapanuod na lang ng sine. Una kong nakita ang contacts ni Avril kaya pinindot ko yun at nagtype ng message pero bago pa yun mag-send may dumating na naman na panibagong mensahe.


From: Albus 💘
Gusto mo manuod ng sine?
8:35 am

Nanlaki ang mata ko habang nag-iisip ng ire-reply. Kaya ba gusto ko manood ng sine ngayon kasi mag-aaya siya? Uma-ayon ba ang tadhana? Napaisip ako. Date ba 'yon? Or wala lang?

Tapos bigla siyang tumawag. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano. Di pa ako nagtu-toothbrush. Pero sinagot ko pa rin syempre baka hindi na tumawag ulit, sayang!

"Hello?" ako ang unang nagsalita. Mahina ang boses para kunyare mahinhin hindi kagaya kapag tawag ni Kuya o Cathy ang sasagutin ko na pasigaw dahil baka hindi nila marinig. Bingi, e.

"Good Morning," 'yon ang sagot nya sa hello ko.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos. Wala akong masabi. Tutal sya ang tumawag, siya dapat ang magsalita.

Narinig ko ang pagtikhim niya ng ilang beses. Napangiti ako ng malaki. Kinakabahan ba siya? Sakin? Kasi crush niya din ako?

"Naistorbo ba kita?" mahina niyang tanong. Teka, pahinaan ba kami ng boses dito?

"Hindi naman."

"Wala naman akong ginagawa," dagdag ko pa.

Ano Kristina? Saan na napunta ang lahat ng katalandian mo sa katawan? Ilabas mo, kailangan natin ngayon.

"Gusto ko sana na ayain ka ng personal kaya lang nahihiya ako e.Tara? Free ka ba?"

Date ba 'yon? Kating-kati na ang dila ko na itanong pero baka sabihin naman ang clingy ko.

"Sige," 'yon lang ang isinagot ko.

"Kaya lang baka after pa ng game namin," bakas ang hiya sa boses niya. Nanlaki ang mata ko. May laro sila? Bakit parang 'di ko ata nabalitaan 'yon ? Gusto ko sana itanong kung saan kaya lang nauna na siyang nagsalita ulit.

"Gusto mo manuod?"

"Sige anong oras ba? Saan?"

"Dito sa Valencia's court. Mga 10 pa."

"Sige manunuod ako."

"Gusto mo bang sunduin kita?" alok niya. Umiling ako kahit hindi niya nakikita.

"Huwag na."

"Sige, sa unahan ka umupo ha para makita kita agad."

"Sige galingan mo ah."

Ilang minuto pa ng walang imikan ang naganap na parang walang gustong magbaba kahit wala naman na kaming pinag-uusapan.

Pero lahat talaga ng bagay natatapos. Natapos ang tawag ng eksaktong 12 minutes. Napasimangot ako. Naka-unli lang ata siya. 

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon