CHAPTER ELEVEN

227 38 0
                                    

"According to Mr. Howard Gardner, learners have multiple intelligences. Can someone tell me something about those intelligences?" tanong ni Ms. Vida sa klase namin. Nang magsimula ng maglibot ang mata niya ay agad akong yumuko na kunyari ay may nililimot sa sahig.

"Mr. Vasco?" tawag niya kay Ivan, isang kaklase namin. Confident itong tumayo at sumagot kay Ms. Vida.

"Pengeng sagot," mahinang bulong ko kay Cathy na katabi ko lang. Narinig ko ang pagtaltak niya bago inabot sakin ang notebook niya kung saan nakalista ang mga intelligences na sinasabi ni Miss.

"Musical, Miss. They are more sensitive to tone, beat, tempo, melody and everything else that can connect to music. In other words, sila 'yong mga taong kayang mag-compose ng kanta o 'di kaya ay 'yong mga taong magaling sa larangan ng musika." Napatango-tango naman si Miss bago ngumiti at muling naglibot ng tingin sa buong klase.

"Ms. Alvarez? Another intelligence?" Halos pumalakpak ako nang kagaya ni Ivan ay confident rin na tumayo ang best friend ko. Ha! Akala niya ha.

"Go, best friend!" malakas na bulong ko sa kanya. Tinapik niya naman ako.

"Existential." Tumango si Ms. Vida signalling Cathy to go on. "They are the individuals who loves to tackle about the questions such as why we live and why we die. They always look at the "big picture" of existence." Pumalakpak ang klase pagkatapos niyang sumagot, syempre dahil sa pangunguna ko. Mga letseng 'to, walang initiative.

"Dahil mukhang proud na proud ka, Ms. Villazarde, please tell us another one," agad na nawala ang ngiti ko at nakangiwi akong napatayo. Panira naman si Miss, e. Napaangat sa taas ang tingin ko habang pilit inaalala ang nakasulat sa notebook ni Cathy. Shet.

"Intrapersonal," narinig kong bulong ni Cathy. Nakatingin siya kay Miss.

"Intrapersonal po."

"Okay, go on."

"They are the individuals who clearly knows their own strength, weakness, goals and desires," napakunot ang noo ko sa bulong ni Cathy. Hindi ko narinig masyado ang bilis.

"They know their strength and desires po, Ms." Malaki ang ngiti ko pagkatapos ko magsalita.

Okay na 'yon, Miss. Huwag ka na magtanong, please.

Natatawang umiling sakin si Miss Vida bago ipinaliwanag ng mas malinaw ang sinabi ko. Tama naman ako ah, kulang lang.

Natigil sa pagsasalita si Miss Vida nang pumasok si Sir Jerome habang may isang lalaking nakasunod sa likod niya. Siya rin iyong poging lalaking nakabangga ni Cathy kanina. Destiny na ba ito?

"Pogi nya 'no?" hindi ko mapigilang itanong kay Cathy habang nasa lalaking iyon pa rin ang paningin ko. Narinig ko ang buntong-hinga ni Cathy pero hindi ko siya nilingon.

"Ang pogi kaya."

"And here I thought that you would shut up just in this class."

"What do you mean?" mahinang tanong ko sa kanya habang sa una pa rin nakatingin. Nakita kong inilibot ng lalaki ang tingin niya sa buong klase. Is he looking for me? Na-love-at-first-sight ba sya sakin?

"Word of the day mo na ata ang salitang pogi. Kanina ka pa, naririndi na ako."

Napahaba naman ang nguso ko sa sinabi nya. I can't help it. Ngumiti pa sya sa harap ko. Ang hirap maka move-on sa nangyari. Kasalanan ko ba na ang pogi nya? Kasalanan ko bang ang ganda ng mga mata niya? Hindi! Hindi ko kasalanan, kasalanan niya. Sobrang pogi niya at hindi makatarungan 'yon. Kawawa naman 'yong mga pangit, unfair sa kanila.

"Pero pogi sya diba?" malaki ang ngiting tanong ko sa kanya. Napatikom naman ako ng labi ko nang tingnan nya ako ng masama.

"Recess pa yan nangyari. Alas tres na pero 'yan pa rin ang bukambibig mo. Naiirita na ako sayo talaga. Tumabi ka pa sakin para lang itanong kung pogi 'yon. Ano ba? Wala na akong naintindihan sa klase kasi umirit ka na ng umirit, kumurot ka na ng kumurot, panay ang tanong mo ng pogi. Para kang first time nakakita ng lalaki. Isa pa! Isa pa talaga. Sasabunutan kita tingnan mo!" Napanguso akong muli. Palibhasa, walang ibang pogi sa paningin niya kundi ang Kuya ko, e.

"Fyi," panimula ko, tumingin naman sya sakin, "kanina pa ako tumigil sa pagkurot at paghampas sayo 'no kasi ang lakas mong bumawi."

"Atsaka hindi ka naman kasi talaga nakikinig. Idadahilan mo pa ako," nang aasar na dagdag ko pa. Inirapan nya lang naman ako.

Ako naman ang napairap nang makita kong nagbabasa na naman sya. Freak! There was one time na tinanong ko sya bakit ang hilig nya magbasa aside sa hobby nya yon. And she said:

"Books before boys kasi sabi ni Mama."

Wag kayo magpaloko, saksakan ng pagkapasaway yan.

---

Uwian na at tinext ko si Kuya na hindi ako makakasabay pauwi kasi pupunta muna ako kina Cath. Pumayag naman sya. Syempre.

Hindi kagaya namin ni Kuya, higit na mas malayo ang bahay nina Cathy. Nasa private subdivision pa nakatira 'tong mga 'to e, to the point na hindi na maiisipan ng tao na puntahan kasi sobrang layo na, puro puno pa.

"Nasa bahay ba sina tita?" tanong ko sa kanya habang nag aayos ng seatbelt, siya naman e ini-start na yung kotse. Dahil dakilang spoiled, may sariling kotse ang bruha.

"Nasa Europe sila ng Tatay," sagot nya habang sumisilip sa side mirror. Hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na tumitig sa kanya at ngumiti kasi ang cute niya talaga kapag nagdra-drive.

"Mga kapatid mo?"

"Na kina Grandma"

Habang nasa daan ay binuksan ko ang stereo nya for some music. Masyadong mahaba ang byahe para maging tahimik.

"So ikaw lang mag isa sa inyo ngayon?"

"Uh-huh."

"I'm still alive but I'm barely breathing

Prayed to a God that I don't believe in

Cause I got time while she got freedom" pagsabay niya sa kanta ng stereo. Hindi nawala sa kanya ang paningin ko.

I always wonder what happened between her and Kuya. The love in their eyes never fades kaya bakit sila naghiwalay? Actually, nagulat na lang rin talaga ako one time, I always knew that Kuya has his special someone. Alam kong may nagugustuhan siyang babae dahil na rin iba ang awra niya at madalas siyang may katawagan at ka-text hanggang madaling araw tapos nagulat na lang ako paglipat ko dito, Avril, our classmate reveals that Cathy and Kuya had something in the past. Well, never sinabi sakin ni Kuya ang pangalan ng naging kalandian niya at hindi rin naman alam ni Cathy na kapatid ako ni Kuya kaya she never bothers. Si Avril lang talaga ang nagsabi sakin. Kung hindi dahil kay Avril, siguro hanggang ngayon clueless pa rin ako kung sino ang sisisihin ko kapag nagka-diabetes si Kuya, ilang pint ba naman ng ice cream ang kinakain niya. Hay nako.

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa kanila dahil napa-lalim ang pag-iisip ko sa hiwaga ng pag-iibigan nila ni Kuya. Hindi ko naman siya matanong dahil baka biglang lumayo sakin at ma-awkward-an. Hindi ko rin naman matanong si Kuya dahil ... ewan ko, hindi ko lang talaga matanong si Kuya. Well, it was their mess naman kasi and I am not in my proper place to butt in. Tanging sila lang ang makakaayos sa problema nilang dalawa. Ako'y isa lamang taga-subaybay sa mala-soap opera nilang pag-ibig. Isang masugid na manonood ... at taga-asar.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon