I keep on hearing little voices. One is pleading while the other one is crying.
"Tama na po"
"Masakit po"
Blurry images keep on flashing. It was a young boy. Hindi ko alam kung saan basta somewhere na madilim. Where am I? Where are we? Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko pero wala. Lalapit sana ako palapit 'don sa naaaninaw ko na pwesto nang bata pero hindi ako makagalaw. Hindi ako makaalis.
Maliwanag ko nang naaaninaw 'yong bata pero nakatalikod siya sa pwesto ko kaya hindi ko makita ang mukha niya. Inilibot ko ang paningin ko sa lugar. Nasa isang magarang bahay kami, bahay mayaman pero madilim. Walang kahit na anong ilaw ang bukas maliban sa kandilang nagbibigay ng liwanag sa malawak na kabahayan. I saw a young boy almost lying on the floor and a little girl on the corner. Nakasiksik ito sa sulok at nanginginig. Hindi ko alam kung dahil sa takot o dahil sa lamig. The little girl is soaking wet.
Biglang may dumating na lalaki, may hawak itong malaking tubo at mukhang ihahampas niya 'don sa batang lalaki. Pinilit kong gumalaw. Hindi ko alam kung bakit tila ba konektado ang nararamdaman ko sa mga batang ito gayong panaginip lang naman ito. Parang totoo. Kahit ako ay parang nilalamig at natatakot. Maging ako ay may nararamdamang kirot sa dibdib ko. Nang makaalis ako sa pwesto ay nadapa naman ako sa sahig. Una ang mukha, saka ako nagising.
Habol ko ang hininga ko nang magising ako. Napahawak ako sa ilong ko. Bago pa ako magising ay ramdam na ramdam ko ang sakit ng ilong ko dahil sa pagkakadapa. Kahit sa panaginip, ang clumsy ko.
I prayed. Pinagdasal ko na sana ay mabawasan ang mga batang nakakaranas ng karahasan. Kung maaari, sana ay walang batang nakakaranas ng ganoong uri ng karahasan. Masyado pa silang bata, dapat nag-eenjoy sila at naglalaro ng piko o kaya habulan. Walang bata ang deserve makaranas ng ganon.
Kahit panaginip lang 'yon na pakiramdam ko ay totoo, sana ay ayos lang ang dalawang bata na 'yon. Maaaring gawa lamang sila ng imahinasyon ko dala ng sobrang panonood ng drama at movies sa tv.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sobra akong apektado sa panaginip na 'yon. Kaya naman naisipa ko na guluhin si Kuya sa kwarto niya. Tiningnan ko ang orasan, siguradong sa mga oras na 'to, tulog pa yun. Agad akong tumayo at nagpunta sa kwarto niya, napangiti nang mapihit ko ang seradura ng kwarto niya.
Number one house rule: Never lock the door.
Ewan ko ba dito kay Kuya, anong pauso niya at nagpa-rule siya ng ganon, siguro para na-che-check niya ako sa gabi kung tulog na ba ako o ano. Paranoid kasi, e.
Medyo. Medyo nagulat lang naman ako na wala na siya sa kama niya pagpasok ko. Narinig ko ang lagaslas ng tubig mula sa banyo niya. Naliligo siguro.
Nagmamaganda akong naglibot sa kwarto niya. Medyo may himala dahil medyo malinis ang kwarto niya. Walang kalat ng papel sa sahig. Wala ring gabok ang desk. Pati 'yong mini-book shelf niya, maayos. Nang wala ng maikot sa kwarto niya ay saka ako umupo sa kama niya. Sobrang simple ng kwarto ni Barabas, plain white ang pintura ng kwarto niya, walang kahit anong naka-display sa dingding. Walang litrato ng mga online games na characters o hubad na mga babae. Kahit anime na labas na ang cleavage, wala. Malinis ang transparent cabinet, walang kahit anong action figure. Nag-eenjoy pa ba sa buhay niya si Kuya? Itong kwarto niya ay mukhang kwarto ng isang mabuting estudyante na walang ibang ginawa kundi magbasa at mag-aral. Hays.
Nakapangalumbaba ako na naghihintay ng paglabas nya. Tagal naman. Gaano ba kalaki ang hinuhugasan non?
6:50
Antagaaaaaaal. Baka mamaya nag mamariang palad pa yon.
"Shit."
"Hahahahahaha"
Pano ba kasi nagulat ata sya sa existence ko sa kwarto nya kaya napatalon sya ng slight lang naman. Muntik pa sya madulas. Yung mukha nya pa, parang nakakita ng kung anong nakakatakot e.
" Kristina! Ano ba naman? Aatakihin ako sa puso sayo nyan e "
And I am still laughing on my ass out. Nang medyo masakit na ang tiyan ko kakatawa at naisipan ko na baka kailangan ko ng tumigil, tumigil na ako. At ang Barabas, akala mo nasa fashion show, half-naked. Akala mo naman may abs, well meron nga, mga apat. Nagpunta siya sa aparador niya para kumuha ng damit, nakatalikod siya sa akin. He was about to put his shirt when I stopped him. Parang may nakita ata akong hindi ko dapat makita.
"Tonying! Wait!" I moved closer. He stopped and misbelief is drawn in his eyes.
"Bakit?" tanong nya, kunot ang noo. I can't stop but touch his back. Parang nakukuryenteng umilag siya sakin at lumayo.
"Lumabas ka nga Kristina! Ang manyak mo!" bahagya niya pa akong tinulak hanggang makarating kami sa pinto ng kwarto niya.
"Kuya, wait," I almost plead.
"May something sa likod mo," sabi ko sa kanya.
"Baka libag. Liligo ako ulit," sagot niya sakin bago isinara ang pinto niya. Ni-lock niya rin.
"Kuya! No locking of door remember?" sigaw ko sa kanya mula sa labas.
"Kuya," ilang beses kong hinampas ang pinto niya para pagbuksan ako pero no effect. Nanakit lang ang kamay ko kaya tumigil na ako.
"Edi wag!" naiinis na sigaw ko sa kanya. Bahala siya, hindi ako magluluto. Bumaba ako sa sala para manuod, pero pagbukas ko ng tv ang bumungad sakin ay isang couple na nagse-sex. Ililipat ko na sana ang tv ng mag-focus ang camera sa likod 'nong lalaki. He have a scar at tinatanong siya 'nong babae san niya nakuha 'yon. I look closely, parang medyo hawig 'nong nakita ko sa likod ni Kuya.
"Where did you get this, hmm?"
"When I was young, sinaksak ako ng step-father ko ng basag na bote ng alak."
As the camera focused more, kahawig nga 'nong kay Kuya only that mas maliit 'yong scar ni Kuya. Who did that to him? Bigla kong naalala ang panaginip ko. I'm sure napanaginipan ko na rin 'yon before, different scenario pero iisang lang ang nangyayari. Sinasaktan 'yong dalawang bata. Konektado ba 'yon samin? Kami ba ang mga bata na 'yon?
Napatingin ako sa tv nang bigla 'yong namatay tapos biglang nagsalita si Kuya, hindi ko namalayan nakuha niya na pala sa kamay ko ang remote.
"Ano ba yan, Kristina, agang-aga ang libog ng pinapanuod mo! Magluto ka 'don," wala sa sarili akong napapunta ng kusina. Nang makarating ako sa kusina, saka lang ako bumalik sa wisyo.
"Hoy, hindi ko pinapanuod 'yon!"
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...