CHAPTER TWO

546 79 22
                                    

'Anak, uminom ka ng gamot ha. May sinat ka kagabi. Mama.'

Ipinatong ko na lang sa lamesa ang note ni mama sa ref. Buti na lang sabado, tinatamad akong pumasok.

Habang hawak ang baso na may laman ng tubig, nagpunta naman ako sa sala para manuod ng tv.

Tahimik ng bahay ah. Nasan kaya ang barabas kong kuya?

*doorbell*

" Tao po! "

" Sandali lang ho "

Sino naman kaya yun? Aga aga pa e. Tiningnan ko ang oras. Alas syete pa lang. Pumunta na ako sa labas ng gate para tingnan kung sino ang nambulabog sakin ng ganito kaaga.

" Te, lugaw. Pina-deliver ng kuya mo. "

Wow. Ano kayang sumapi don at pinadalhan ako ng lugaw. Kinuha ko naman sa bata yung supot.

" Te, di pa yan bayad "

Lechugas.

" Magkano ba? "

" 60 pesos po yung lugaw plus 20 pesos para sa shipping fee. 80 lahat te. Wala akong pansukli kaya barya lang po. Umaga naman "

Shipping fee? San pa ba to galing? Metro Manila pa? Dinaig pa Shopee ah.

" Saglit, kukuha lang ako ng pambayad"

" Sige, pakibilis naman ho. Madami pa kaming order "

Wag mong patulan yan. Bata lang yan. At dahil hiyang-hiya naman ako kulang na lang e tumakbo ako papasok ng bahay para kumuha ng pera.

" Tagal mo naman te "

Tinalikudan ko na sya. Bwisit! Napaka reklamador. Patay sakin yang si kuya pag-uwi.

Tumunog ang phone ko kaya tiningnan ko kung sino nagtext

From: KaTonying

Isa lang ang sayo jan. Akin yung dalawa

7:25 am

Kapal. Ako nagbayad tapos isa lang sakin?

To: KaTonying

Bahala ka. Uubusin ko to.

7:27 am

Kahit kailan. Bwisit.

Padabog akong umupo para kainin yung binili kong lugaw. Bahala talaga sya, uubusin ko to.

Pagkatapos kong kumain, take note naubos ko talaga yung tatlong lugaw. Parang sinisipag ata ako na maglinis ng bahay kaya naghanap ako ng panlinis. Inuna ko ang kwarto ng barabas kong kuya dahil confident ako na sobrang linis naman ng kwarto ko.

Pagbukas ko ng pinto *ten tenen ten ten ten ten *

Natakot naman daw akong pumasok sa loob baka mamaya may sawa na pala dito. I'm not being exaggerated pero sobrang kalat talaga. Nagkalat ang mga damit. Basura ng mga tsitsirya. Mga gasumot na papel. Ang alikabok na rin ng bookshelf nya. The moment I roam my eyes around the room, parang tinamad na ata ako.

"Haaays. Mukhang mahaba-habang araw to bes. "

Inuna kong pulutin ng mga nagkalat bago ako nagwalis. Basta! Kung paano ang alam kong paglilinis yun ang ginawa ko, kainaman.

Lumabas lang ako ng kwarto nung nakaramdam na ako uli ng gutom. Feeling ko rin ang lagkit lagkit ko na.

* doorbell *

Tamad na tamad akong lumakad papunta ng gate. Feeling ko inaantok na ako.

" Anong kailangan? " tanong ko sa nasa gate. Inaantok na talaga ako. Pumipikit na rin ang mata ko. After a moment of standing there, tiningnan ko na rin ang nasa gate. Letseng to ayaw magsalita.

" Sabi ko anong kailangan mo! Bingi ka b-- "

Anghel.

" Ahm, nakakaabala ba ako? Naglilinis ka ata " sabay ngiti nya .

Nemen. Beket kelengen pe ngemete?

" Ahm hende ne * coughs* Hindi naman. Okay lang. Anong kailangan nila? "

Gusto ko ng sabunutan ang sarili ko. Tangina, I sound like those desperate girls. Nu bayaaan Kristina, umayos ka para kang tanga. Nagkita ka lang ng gwapo, bumubuhol na yang dila mo.

" Dito ba bahay ni James Villazarde? "

Ah! Si Barabas.

" Oo. Bakit? "

" Nanjan ba sya? " nakangiti nyang tanong. Kuya, no need to smile. Iisipin ko nyan nilalandi mo ko.

" Wala e " I trying my very very best to keep myself. Shet, mga pre feeling ko mamimilipit na ako sa kilig. Ang pogi talaga mga pre.

" Oh pre! "

Nanjan na ang barabas.

" Anjan na pala e " bulong na lang yun. Di nya na narinig. Busy sila e. Nag aapiran, you know those handshakes every guy do. Parang greeting nila. Basta yun na yun.

And as I was looking at them, I notice something.

Pogi nga pala ng kuya ko 'no? 

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon