CHAPTER FOUR

377 72 1
                                    

"Late na ata tayo, ang bagal mo kasing kumilos e" paninisi sakin ni Kuya habang pinapatay ang makina ng sasakyan niya. Aba, sorry na. Pumalya yung alarm ko e, hindi effective mang-gising.

Agad na kaming lumabas ng sasakyan niya at tumakbo papunta sa direksiyon ng building A kung nasaan ang rooms para sa mga Senior High School. Hinihingal naman akong tumigil sa tapat ng pinto ng classroom ko at huminga muna ng malalim bago malawak ang ngiting pumasok. Confident akong hindi ako late kasi nakita ko pa sa faculty room yung teacher namin para sa first period nang dumaan ako doon.

"Hello, late ka!" ang agad na bungad sakin ni Avril. Sinagot ko naman siya ng "Alam ko," at tumawa. Pumunta na ako sa upuan ko at nagbukas ng cellhphone ko. Tinext ko agad si kuya.

To:KaTonying
Di ako late, blehhh
7:02 am

Nakareceive naman ako agad ng reply mula sa kanya.

From: KaTonying
Late ako bwiset ka.

Natawa naman ako sa reply niya at agad nagtipa ng mensahe ng may lumitaw na bagong message,sa kanya ulit galing.

From:KaTonying
Iiwan na talaga kita bukas kapag ang bagal mo pa rin kumilos!

At mas lalo lang akong natawa sa reply niya. Akala mo naman kaya niya akong tiisin e. Hahahahahaha. Nagtipa ako ng bagong mensahe na siguradong papawi ng galit niya.

To: KaTonying
Ganda ni Cathy ngayon, kunot na naman ang noo.

For sure, nakangiti na naman agad 'to. Adik 'to sa bestfriend ko e.

From: KaTonying
Send photo :)

"Haha sabi na e!" malaki ang ngiting binuksan ko ang camera ng cellphone ko at tinawagan si Cathy.

"CATHERINE!" agad naman siyang lumingon sa direksiyon ko at dire-diretso lang ang click ko sa camera habang tumatawa. Kunot-noo pa rin siyang nakatingin sakin na para bang nagtatanong kung anong kagaguhan ang ginagawa ko.

"BREAKFAST NI KUYAAA!" sigaw ko sa kanya. Medyo malayo kasi ang upuan niya sa upuan ko, bingi pa naman 'to minsan. Napansin ko naman ang pagkawala ng kunot ng noo niya saka ako inirapan. Sus! Kung alam ko lang, hindi na naman makahinga ng maayos yan. Hindi makahinga sa kilig. Pakipot pa kasi e!

Agad ko namang sinend kay Kuya yong mga picture ni Cathy thru messenger at pabiro kong nilagyan ng caption na "Presyong kapatid, 100 na lang lahat yan,"  nilagyan ko pa ng puso-puso yung caption ko. Tutal naman baka puso-puso na rin ang mata 'non ngayon.

Nakareceive naman agad ako ng reply mula sa kanya,

From: KaTonying
Kuhanin mo pag nagkita tayo sa recess.

Agad kong naitaas ang kamao kong kasalukuyang nakakuyom dahil sa sobrang saya. Si Catherine talaga ang himala sa kuripot kong Kuya.

Kaya naman hindi pa man nagsisimula ang first period excited na ako mag-recess. Pero recess na, dumaan na rin ang lunch hanggang sa mag-uwian na, walang Barabas na sumulpot. Pinag-commute pa ako pauwi, letse! Kaya busangot na busangot ang mukha kong pumasok ng bahay. Umakyat ako sa kuwarto ko para magbihis, pagkatapos sinilip ko si Kuya sa kuwarto niya pero wala siya. Bumalik ako ulit sa kuwarto ko para kuhanin ang cellphone ko. Iti-text ko sana si Kuya kung nasan siya pero bigla kong naalala si Mama kaya siya ang tinext ko.

To: Mama <3
Hello po, Ma. Kamusta ka na po?

Naghintay ako ng ilang minuto pero hindi pa rin siya nagrereply. Ipinagkibit-balikat ko na lang 'yon, baka busy. Nag-type ako ng panibagong mensahe.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon