Malaki ang ngising sinalubong ko ng yakap ang best friend kong sobrang pula ng mukha pero nakasimangot.
"Akala mo naman napaka-macho niya," mahinang bulong pa nito na ikinatawa ko lalo.
Saktong papasok kasi siya ng bahay namin ay palabas sina Kuya. Ewan ko ba kung saan napunta ang damit ng kapatid ko at bakit noong lumabas ito ay naka-hubad-baro. Tumatawa si Glen na nagpaalam sakin, tumatawa rin akong kumaway pabalik.
Mas lalo akong natawa nang higitin ni Cathy ang buhok ko.
"Tuwang-tuwa ka, letse ka."
Inaya ko siya papunta sa kusina para sabayan niya akong mag-almusal.
"Kamusta? Akala ko ba busy ka?" tanong ko sa kanya habang kumukuha ng plato na gagamitin naming dalawa.
"Naayos na 'yong problema sa publishing house," maikling sagot nito. Nagkibit-balikat lang ako bago tumuloy sa pagkain. Hindi na rin naman siya nagsalita pa.
"So anong gagawin natin?" tanong niya habang lumalabas kami ng kusina.
"Ewan ko sayo, ikaw ang nagpunta dito e."
"So uuwi na ako?" pabalang na sagot niya. Natawa ako bago sumagot.
"So dumayo ka lang ng kain dito?"
"Gusto mo ba magbayad ako?" Nakapa-mewang na tanong niya sakin.
Ginaya ko siya bago sumagot. "Bakit karinderya ba kami?"
Natatawa niya akong tinuro mula ulo hanggang paa. "Well, mukha kang waitress."
"Kasi maganda ako?" Nilagay ko pa ang mga palad ko sa dalawa kong pisngi saka nag-beautiful eyes sa harap niya. Natatawa siyang umiling.
"Hindi. Mukha ka lang talagang waitress." Pabiro ko siyang inirapan.
"Manood na lang tayo ng movie."
"May movie ka?" tanong niya. Umiling ako saka naglakad papunta sa may hagdan. Sumunod naman siya sakin.
"Si Kuya madami."
"Porn ba yan?" Natawa ako sa sagot niya bago umiling.
"Hindi 'no, ikaw lang naman ang mahilig manood sa porn."
"Syempre para expert na, 'di na mangangapa ang kuya mo," she joked. Hinampas ko naman siya sa braso niya bago ko binuksan ang kwarto ni Kuya. Buti na lang malinis.
Agad akong dumiretso sa drawer niya kung saan nakalagay ang mga cd at usb niya, kinuha ko na rin ang laptop niya. Handa na akong bumalik sa baba nang makita kong nakatingin si Cathy sa isang sketch ni Kuya. Lumapit ako sa kanya at nakita siyang bahagyang nakangiti.
"Inlove ka na naman sa Kuya ko," pang-aasar ko sa kanya.
"You know before, I always wanted to be drawn by someone else. Kasi nasa isip ko, ang sarap siguro na ikaw ang inspirasyon ng isang art. Yung tipong yung art na 'yon ay ginawa talaga para sayo. Para ma-appreciate mo o para isigaw sa bung mundo o sa kung sino man na makakakita ng art na iyon na mahalaga ka sa artist. Sa sobrang desperada ko nga, nagbabayad na ako ng artist para lang i-drawing ako e pero kahit gaano sila kagaling, never akong naging kontento sa outcome. Yung dino-drawing naman nila mukha ko pa rin pero parang hindi ako. Parang kulang palagi. Until that day."
"What day?" instead of answering me she just smile at me and took a picture of Kuya's drawing. It was her, in her laptop. Sobrang simple ng drawing pati ng combination ng kulay na ginamit pero malakas ang dating.
I actually get what she was trying to say. Iba ang drawing ng mga artist na 'yon because they draw her based from a picture. Some draw for the sake of money. Some draw to draw. Unlike Kuya's. In that simple drawing, you will felt the love. Every detail about her was drawn. Walang binago, siya na siya. The Catherine Alvarez everyone knows. The her that he loves very much.
"So ano? Manonood pa ba tayo o tititig ka lang jan sa drawing na yan hanggang mamaya?"
"Not a bad idea, really." Mahina kong hinila ang dulo ng buhok niya saka siya inaya pababa para manood na kami ng movie.
"Anong gusto mong movie?" tanong ko sa kanya habang pareho kaming nakatingin sa screen ng laptop ni Kuya kung saan naka-display ang iba't ibang movies.
"Sin Island."
"Gago," sabay kaming natawa. At the end, napili namin na iyong movie na lang na horror. The Haunted Forest. Binukad namin ang lahat ng kurtina at sinara namin ang pinto para madilim ang sala.
Nagluto kami ng fries bago mag-start ang movie. At mukhang bad idea na nanood kami ng horror. Hindi naman kasi kami parehong matatakutin kaya halos wala manlang kaming reaksyon habang nanonood. Wala pa ata sa kalahati ang pelikula nang ilipat niya iyon.
Last Night ni Toni Gonzaga at Piolo Pascual. Natapos naman namin ang movie kahit kinu-kwento niya 'yong ibang parts. Dahil mukhang pareho kaming wala sa mood manood ng movie kaya umalis na din siya para umuwi. Letseng bruha.
Tanghali na at hindi pa rin umuuwi sina Kuya kaya pagkatapos kong kumain ay umakyat ako sa kwarto para matulog. Alas-tres na ng hapon ng magising ako ulit. Nasa may pinto pa lang ako pero naririnig ko ang boses ni Kuya na parang may kaaway.
Lumabas ako ng kuwarto ko at sumilip sa kuwarto niya. Nakita ko siyang nakaharap sa bintana habang nakatapat sa tenga ang cellphone niya. Sino bang kaaway niya?
"Well I'm not very sorry to tell you na hindi ka namin kailangan." Malamig na sabi niya sa kausap niya sa telepono. Mabilis niyang pinindot ang end button. Ilang saglit pa siyang tumitig sa screen ng cellphone niya bago pagalit iyong itinapon sa kama niya. Mabilis kong isinara ang pinto ng kuwarto niya na puno ng pagtataka.
Sinong kausap ni Kuya? Si Mama?
"Kristina," agad akong napalingon kay Kuya nang marinig ko ang boses niya sa likod ko. Peke akong nag-inat na parang kagigising ko lang. Nilampasan niya naman ako ng tingin at dumiretso na sa pagbaba sa hagdan. Sumalubong samin ang pawis na pawis na si Glen.
"Brown-out."
Nilampasan siya ni Kuya atsaka tri-ny pindutin ang switch ng ilaw pero hindi 'yon nabuhay.
"Oo nga," maikling sabi niya. Sinimangutan siya ni Glen.
"Tara sa mall," nakangiting aya ko sa kanila.
"Magpapalamig," dagdag ko pa. Agad namang tumango sakin si Glen atsaka bumaling kay Kuya.
"Kayo na lang." Bumagsak ang mga balikat ko.
"Sa Ice-cream parlor na lang tayo," aya ni Glen atsaka ako hinila paalis ng bahay. Hinila ko ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya nang nasa may kalsada na kami.
"Si Kuya pa. Paborito niya rin ang ice cream," mahina ang boses na sabi ko sa kanya.
"Kristina," mahina ring tawag niya sa pangalan ko.
"Huwag na lang muna natin guluhin ang Kuya mo. He needs time for his self."
"May problema ba si Kuya?" Ngumiti si Glen bago umiling. Muli niya akong hinawakan sa pulsuhan ko para hilahin papunta sa ice-cream parlor pero muli kong hinila pabalik ang mga kamay ko.
"Hindi ganyan si Kuya, Glen. Hindi siya ganyan bago ka dumating." Nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin. Matagal kaming natahimik pareho bago siya humarap sakin at nagpilit ng ngiti.
"Bumalik ka na sa loob ako na lang ang bibili."
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...