Late night talks. Morning messages. Sweet gestures.
That's all that I've been receiving for the last three weeks. Yes, three weeks has already passed.
Alby and I? Well, we're no longer friends but not yet lovers.
Yes, we are already exchanging our I love you's pero hindi pa kami. Well, hindi ko pa siya sinasagot and he's still not asking. Pero uso naman ngayon ang walang label. Siguro nakikiuso i. At hindi pa rin kami legal sa friends ko at kahit kina Kuya.
Cathy and Alby was close kaya madalas namin siyang kasabay kumain o minsan sumasabay na din siya pag uwi.
And when no one is around, he would start making me fall in love with him, over and over again. Yes, I am already in love with him.
Everything was like a swift of the air. Fast. Quick. Rapid.
At one moment, I would just find myself smiling alone.
"Kristina."
"Kristina."
Napaangat naman ako ng tingin sa kaharap ko sa mesa ng makarinig ako ng paghampas sa lamesa.
And there I found my brother's super annoyed face. I bit my lower lip and silently put my phone on my lap.
"You are so damn busy with your phone these days Kristina."
Uh-oh. My brother is so irritated. I just bow myself kasi hindi ko siya kayang tingnan sa mata nya. I'm a little bit guilty.
"I wonder why. Pero 'pag itetext kita hindi ka nagrereply. Kapag tatawagan kita, your line is busy. Pero sa tuwing makikita nama kita, you are always on your phone so bakit hindi mo ko mareplyan manlang?"
Wala akong nagawa kundi kagatin ng mas may diin ang labi ko. I am so damn guilty. Masyado akong busy kay Alby na ni-reply hindi ko na maibigay kay Kuya.
"Bro, enough. Let's just eat."
But instead of eating, tumayo na si Kuya at umalis sa harap ng lamesa. Naramdaman ko naman ang bahagyang pagpat ni Glen sa likod ko.
"Tampo lang yun si Kuya mo," and then he smiled at me smoothly and gestured me to focus myself on eating. And so I forced myself to eat. Forced. Ang hirap lumunok ng pagkain. Ang hirap huminga. Ang hirap magpigil ng iyak.
I am at fault, I know. But these past few days, I just found myself back to Alby. Kahit gaano ko pigilan ang sarili ko dahil masyadong mabilis lahat. Kahit ang dami kong doubts. Kahit ang daming what if's. Kahit alam kong bawal. Ginagawa ko pa din.
Ang hirap pigilan kahit alam kong madami akong pwedeng masaktan. Ang hirap pigilan kahit alam kong isa si Kuya sa mga pinaka-maaapektuhan.
Because of this love, I am becoming a selfish person.
From: Alby 💕
I love you.
6:58 amJust one of this from him and again I'm captivated. Just one message from him bigla na lang naglalaho lahat ng doubts, lahat ng what if's, lahat ng nasa paligid ko bigla na lang nabubura. Lahat ng thoughts bigla na lang nawawala. Pati logic ko bigla na lang naglalaho.
Pagdating kay Alby nakakalimutan ko lahat. Lahat ng pwedeng mangyari, lahat ng pwedeng masaktan. Pagdating sa kanya, wala na akong pakialam pa sa iba.
Pati yung takot na baka masyado na akong dumedepende sa kanya, hindi ko na mahagilap marinig ko lang ang pangalan nya.
Sa kabila ng nangyari sa hapag kainan kaninang umaga, nagawa ko pa ring pumasok ng nakangiti. Sinundo ako ni Alby mula sa kabilang kanto. Bad mood na kasi si Kuya at hindi na ata papasok kasi nagkulong na siya sa kwarto niya. Ewan ko naman kung saan na nagpunta si Glen kaya kay Alby na rin ako sumabay.
Gusto kong kaltukan ang sarili ko, heto ako ngayon masayang masaya habang kasama siya na parang walang kahit anong nangyari kanina. Na parang walang tampo sa akin ang kapatid ko. Heto ako, kumpletong kumpleto habang kasama ang lalaking dahilan kung bakit ako unti-unting nagbabago. Ang lalaking dahilan ng bawat kabog ng dibdib ko. Ang lalaking nagdudulot ng kaba, kilig at saya sa buo kong pagkatao.
Albus James Wu, ang lalaking dahilan kung bakit hindi ko na kilala ang sarili ko.
I smiled back at him when he smiled at me.
"Eyes on the road, Mr. Wu," natatawang saway ko sa kanya but instead of listenig and focusing his eyes on the road, sa akin siya tumingin. Hinampas ko siya sa balikat but he just winked at me. Nang hahampasin ko siya ulit ay hinuli niya ang kamay ko at hinalikan iyon.
"Your Kuya called me last night." Hindi ako lumingon kay Cathy. Naramdaman kong tumigil siya sa paglalakad kaya pansamantala kong inalis ang tingin ko sa cellphone ko at sumilip sa kanya. She looks so serious. Bad mood na naman ata ang best friend ko.
"Nakikinig ka ba?" tumango ako sa kanya. Kaya ba siya nagagalit kasi akala niya hindi ako nakikinig?
"Sige nga, anong sinabi ko?"
"Sabi mo, tinawagan ka ni Kuya kagabi." Her face remains stoic. Ngumiti ako sa kanya ng nang-aasar.
"Kayo na ba ulit?"
"May problema ang Kuya mo, alam mo ba 'yon?" I nod my head before shrugging my shoulder.
"Hindi niya naman sabihin sakin, e." nagsimula na akong maglakad ulit at tumingin sa cellphone ko dahil magka-text kami ni Alby. He was asking me random things.
"Nagtanong ka ba?" umiling ako bilang sagot. Napakunot ang noo ko ng hablutin ni Cathy ang cellphone ko mula sa mga kamay ko.
"Catherine, may ka-text ako." Winagayway niya ang cellphone ko.
"This. Si Alby ba 'to? Wala kang pakialam sa Kuya mo kasi may Alby ka na. Ganoon ba, Kristina?"
Hindi ko ugali ang magalit ng basta-basta lalo na sa mga taong malapit sa akin kaya hindi ko alam kung saan nanggagaling ang galit na nararamdaman ko ngayon para kay Cathy. Was it because she's messing with my phone? Hindi ko alam.
"Wala kang alam, okay." Nagtitimpi kong sabi sa kanya. Ayaw kong makapagsalita ng hindi maganda sa kanya. Ayaw kong mag-away kami but she's pushing me to.
"Talaga? Hindi kaya ikaw ang walang alam sa problema ng Kuya mo, Kristina?" she mocked.
"Ikaw lang naman ang problema ni Kuya e. Kung paano mo siya iniwan dahil sa mga selfish reasons mo. Sino ka ba para makialam? Ex ka lang naman niya. Best friend lang naman kita. Gawin mo kung ano ang dapat lang na papel mo sa buhay namin. Hindi 'yong nakikialam ka." I saw how hurt passed from her eyes. Huli na nang ma-realize ko kung anong sinabi ko. I wanna say sorry pero walang emosyon na siyang nakatingin sakin na parang isa akong walang kwentang bagay na nasa harapan niya.
May lakas na itinulak niya ang cellphone ko pabalik sakin saka tumalikod. Mabilis kong pinahid ang takas na luha na pumatak mula sa kanang mata ko.
"Hey, you okay? Nag-away ba kayo ni Cathy?" I looked up at his worried face before hugging him. Yumakap rin siya pabalik. Mas mahigpit. Mula sa isang luha hanggang sa hindi ko na mabilang.
What have I done?
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Novela Juvenil"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...