Hmmm what shoul I cook? Pancakes?
Chineck ko naman yung cabinet kung meron ng ingredients para makagawa ng pancakes pero wala e. Hotcakes na lang siguro.
Kumuha ako ng saktong amount ng harina, same amount ng asukal, konting evap na gatas tapos dalawang itlog na puti tapos minix ko na saka prinito. Unexpectedly, super dami ng nagawa ko.
Maubos kaya namin to ni Kuya?
May nag-doorbell pero hindi ko naman pinansin, nasa sala si Kuya e, edi siya ang magbukas. Tumunog ulit ang doorbell. Hindi ko ulit pinansin. Tumunog ulit. Ulit. Ulit. Ulit. Kingina, ako na ang lumabas para magbukas. Nasaan naman kaya si Barabas?
7:20 am ang oras nang mahagip ng tingin ko ang orasan.
Ang aga ah. Baka mamaya nagpadeliver na naman ng lugaw 'tong si Kuya 'don sa batang daig pa ang shoppee sa shipping fee. Makukutusan ko silang dalawa.
.Isa-suggest ko talaga kay Kuya yung sa Korean Dramas, yung may camera sa may gate para di hassle pagbubukas. Tutal, tamad din naman siyang lumabas para magbukas ng gate. Pwede rin naman nga kasing wala na lang gate.
"Goodmorning!"
Automatoc ang naging sagot at ngiti ko pagkabukas ko ng gate.
"Goodmorning rin, pogi," natapik ko naman ang sarili ko sa sagot ko. Kelangan ko na ng check up, nawawala na lang ako sa sarili pag nagkikita ako ng pogi.
Binuksan ko naman ng napakaluwag ang gate at pumasok na sya sa loob. Bisita ni Kuya siguro. O baka naman binibisita ako?
"San ko pwede ilagay to?" sabay turo nya don sa bag na dala nya.
Pwede sa kwarto ko. Buti na lang napigilan ko ang sarili ko na sumagot ng hindi nag-iisip. Sakit ng pagka-kire ata ang sakit ko.
"Tanong mo na lang kay Kuya. Akyat ka sa hagdan, unang pinto ang kwarto nya." sagot ko sa kanya. All smile syempre. Naglakad naman ako para bumalik sa kusina. Ng biglang magsink-in sakin kung bakit siya may dalang bag? Hindi 'yon normal na bag na pamasok o pang-porma. Traveling bag 'yon e.
Bakit may dala na bag yun? Ang aga nya naman lumipat e di pa kami kasal. Napatampal na naman ako sa sarili ko.
Ano ba Kristina? Sumosobra na yang pagkaharot mo ah. Stop na, stop.
Pero teka? Ang dalas naman ata dumalaw non? Parang 'nong nakaraan lang nandito rin sa bahay 'yon ah? Tapos nandon lang sila sa kwarto ni Kuya? Hindi kaya? Hindi kaya? Napatakip naman ako ng aking bibig sa naisip.
Hindi kaya boyfriend ni Kuya yon? Ibig sabihin? Bakla si Barabas? Baka kaya di nagdadala ng babae dito yun? Isang mas malakas na tapik ang binigay ko sa sarili ko. No. Hindi pwede. Hindi kaya, kaya sila nagbreak ni Cathy ay dahil nga pareho sila ng type? Ohmyghad!
Nang mahimasmasan ay huminga ako ng malalim.
The hell are you thinking Kristina? Masasapak ka ng kuya mo sa naiisip mo e! Saka ano ka ba? Sayang naman ang abs at lahi ng kuya mo. There's no way na bakla siya. Right!
"Kristina" halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Kuya.
" Kuya " agad naman syang napalingon sakin. Nagkakalikot sya sa lababo e. Teka? Kailan pa siya nandito?
"Napano ka?" kunot-noong tanong nya sakin
"Ha?"
"Dito muna si Glen pansamantala," straight na sabi nya sakin.
Teka? Sino daw? Bakit ba kasi hindi siya lumilingon sakin? Mas interesante pa 'yong lababo?
"Sinong Glen?"
"Tanga, edi 'yong pinagbuksan mo ng gate. Nagbubukas ka ng gate 'di mo naman pala kilala." Ayon, natanga pa tuloy ako.
Pogi, e.
Atleast ngayon, alam ko na ang pangalan. Glen. Nice name. Bagay sa kanya. Bagay rin sa Kristina. Yieee. Bagay kami, char.
Pero teka?
"Bakit dito titira?"
"Basta."
"Bakit nga?"
"Family problem. Itanong natin sa kanya?" sarcastic na sagot niya sakin. Bakit ba parang mainit ang ulo nito?
"E bakit tayo makikialam? Family ba natin siya? Kasal na ba kayo?"
"Ah!" isang kaltok ang nakuha ko mula kay Kuya. Napatakip ako ng bibig, did I say that out loud? Shet.
"Nasisiraan ka na ba?" umiling naman ako. Huhuhu, nakakatakot si Kuya 'pag seryoso,parang Barabas talaga.
Bakit ba kasi parang sobrang lutang ko ata this days? Natatanga na nga ako, nakakaltukan pa.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...