Minsan sa buhay may mga bagay talaga na akala natin hindi na natin makukuha o mararanasan. Mga bagay na sinukuan na nating pangarapin dahil akala natin hindi naman na mangyayari. Kaya kapag nasa harap na natin, nabla-blangko tayo, hindi alam kung anong gagawin. Hindi na natin naiisip kung anong dapat gawin o kung ano ang pinangarap natin na gawin doon sa moment na 'yon kapag nangyari na. Kaya kapag tapos na hindi natin alam kung anong nangyari o hindi malinaw kung anong pinag-gagawa natin.
Kasi at that certain moment, we just savour it. Dinama lang natin at ang katawan na natin ang gumalaw para satin. Hindi tayo nag-isip. And at that moment, you would be thankful na hindi ka nag-isip. You listen to what your heart wants and disregard the thoughts in your head. Kasi minsan, kapag pinag-isipan natin, hindi natin na-eenjoy, kasi naiisip natin yung mga limits na minsan hindi naman nage-exist, kasi tayo lang ang gumagawa. Nili-limit natin ang sarili natin - kung anong mararamdaman o sasabihin natin kasi takot tayong magkamali.
*********
I stared blankly at my ceiling, remembering everything that happens that night. Everything was so fast, all that I could remember was the feeling of his hug, the dish that we ate and nothing else. I shift my gaze from the ceiling to the door when I heard a soft knock.
"Male-late ka na sa school panget," boses ni Kuya mula sa kabilang pinto. I hissed, katamad pumasok.
I didn't get the chance to eat my breakfast kasi nga male-late na ako.
Akala ko after that meeting with him, marami pang meeting ang kasunod. Marami pang moment. Marami pang bonding. Marami pang dinner. Akala ko after that meeting magkaka-tatay na din ako. May kasama na ring mag-shopping kagaya ni Cathy. May tatay na maghahatid-sundo kagaya ni Avril.
Akala ko lang pala.
"Hey," I instantly look to that person who poked my head. I smiled at him sweetly. Too sweet I wish to kill him with it.
"Hello, best friend. "
Inirapan ko siya at umalis na rin agad. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa at pagtawag sa pangalan ko pero diretso lang akong naglakad.
I'm trying to be cool about it. I will take the blame. In the first place, hindi naman niya sinabi na kami, ako lang ang nag-assume na may something. Ako lang ang nagpadala sa sweet messages at gestures niya na baka friendly approach lang naman sa kanya. Na baka ganoon naman siya talaga sa mga best friend niya. Letse siya.
*****
Mula sa kawalan, nalipat ang tingin ko sa taong umupo sa katabi ko na upuan. All smiles ang bruha. I really felt relieve na okay na kami ulit.
"Ano na naman nangyari sa inyo ni Kuya at wala ka na namang mata kung makangiti jan?" mataray na bati ko sa kanya.
Something good must have really happened, hindi mapigtas ang ngiti sa mukha ng bruha.
Bumuka ang bibig niya kaya naghintay ako kung anong sasabihin niya pero isinara niya rin yon at saka umirap sakin bago padabog na umalis.
"Parang tanga."
Padabog siyang umupo sa upuan niya at nilingon ako para irapan lang ulit. Inirapan ko rin sya pabalik.
Dahil nasa kaliwa ko ang part ng upuan ni Cathy lumingon ako pakanan at screen ng cellphone ang sumalubong sakin, muntik pang tumama sa mukha ko. Sinamaan ko naman ng tingin si Avril pero inilapit niya lang ulit sa mukha ko ang screen ng cellphone nya.
"Tingnan mo."
Tiningnan ko naman yon at isang...
I love you.
lang naman ang nakalagay mula sa isang unregistered number.
"Itanong mo kung para san ang Iloveyou na yan. Baka friendly approach lang," mataray na advise ko sa kanya na ikinatawa niya ng malakas. Akala niya ba nagbibiro ako? Advice 'yon from experience.
"Ang bitter mo 'te ha," natatawa pa ring sabi niya sakin bago bumaling sa cellphone niya at nagtype ng reply.
"Wrong send daw," baling niya sakin at inilagay niya na ang cellphone sa bag.
"Asado ka naman agad."
"Duh. Ikaw lang naman ang siopao dito."
"Sino ba ang ine-expect mo na magtetext sayo ng ganyan ay wala ka namang boyfriend," pambabasag ko sa kanya pero sinagot niya lang ako ng isang,
"Hindi ka sure."
Inirapan ko lang siya ulit. Kainis.
*****
"Uwi ka na agad?" tanong ni Avril nang nakita niya na nagsasakbit na ako ng bag.
"Hapon na, labasan na siyempre uuwi na ako. Ikaw ba hindi?" Umiling naman siya.
"May invite si Diane, hindi ka punta?" biglang sulpot ni Cathy.
"Meron ba?"
"Invited lahat."
"Bakit walang invitation?"
"Hindi na raw naipamigay 'yong prints kaya thru social media na lang siya nag-invite."
"Bakit hindi naipamigay?"
"Bakit andami mong tanong?"
"Hindi ako nakapagpaalam e," saka ako alanganin na ngumiti sa kanila. Kambal na hampas sa braso ang natanggap ko.
"Masakit yun ah!" reklamo ko sa kanila pero tinawanan lang nila ako. Mga bruha.
"Tara na," yaya ni Cathy
"Hindi nga ako alam sa bahay," ulit ko pa. Patay ako kay Kuya.
"Ako na ang bahala," saka siya kumindat sakin.
Okay, siya daw bahala e, si Kuya ang kawawa.
******
Malaki ang bahay nina Diane, papasa ng mansiyon sa laki at sa lawak ng harapan. Pagdating namin 'don, halos lahat ay nakapagpalit na ng damit. Kami na lang tatlo ang naka-uniform pa. Dumiretso kami sa isang kuwarto at doon nagpalit.
Wala ang mga magulang ni Diane ngayon. Kami lang mga schoolmates saka dalawang katulong na siyang maghahanda ng mga pagkain. Kinakabahan pa ako noong una kasi wala dito si Kuya at saka si Glen.
To: KaTonying
Kuya, andito ako kina Diane. Bukas pa ata ang uwi namin.
6:35 pmNaka-receive naman agad ako ng reply mula sa kanya.
From: KaTonying
Naipaalam ka na sakin ng bestfriend mo. Huwag kang magpapakalasing, patay ka sakin kapag buntis ka na umuwi.
6:37 pmI rolled my eyes. Heto na naman po tayo sa buntis-buntis na 'yan. Nag-type ako ng sagot.
To: KaToying
Bakit wala kayo dito?
6:40 pmFrom: KaTonying
May date si Glen. May defense ako bukas sa thesis ko saka interview sa university pagkatapos. Can't get drunk, tonight.
6:42 pmNapatango naman ako sa reply ni Kuya. Wow, edi siya na ang puno ang schedule. Siya na ang busy, sige siya na.
Sinilid ko na ang phone ko sa bulsa ng suot kong pantalon na pagmamay-ari ni Diane. Cathy ask Diane to lend me her some of her branded clothes at pumayag naman si Diane.
Bumaba na kaming tatlo papunta sa living room ng bahay dahil doon daw magaganap ang party. Napalunok ako nang makita ang hilera ng iba't ibang alak na nakalagay sa isang mesa.
"Birthday party 'to diba? Bakit mukhang bridal shower," bulong ni Avril saka tumawa.
"Kinapos ng pondo sa pagkain sa alak napunta," bulong ko naman pabalik.
"Ano bang ineexpect niyong handa? Spaghetti at pansit? Ano 'to? Children's party?" pambabara samin ni Cathy saka umupo sa upuan na malapit. Akala mo naman, mag-iinom talaga e, hindi naman tumitikim ng alak.
Napahagikhik na lang kami ni Avril habang bumababa.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...