LAST CHAPTER

274 22 10
                                    

"Albus."

"Albus."

"Albus."

Mas sumiksik pa ako sa gilid ng halaman para hindi ako makita ni Yaya. Pipilitin na naman niya ako maligo saka matulog. I wanna play more.

"Wow," nakuha ng isang batang babae ang atensyon ko. Manghang-mangha siya 'don sa bahay na nasa harapan niya.

Psh. Mas malaki ang bahay namin 'don. I look at her and she looks ... poor. But cute. Agad siyang hinawakan noong batang lalaki sa kamay saka sila pumasok.

Baka sila yong anak raw ni Mr. Villazarde, narinig ko lang sa tsismisan nina Yaya. Lumabas na rin ako sa pinagtataguan ko, hindi na rin naman ako hinahanap ni Yaya. Kainis talaga yon, walang tiyaga!

***********

"Oo nga Mam, himala nga po siya pa ang nagprisinta na liligo daw po siya."

Napairap naman ako. Wala ba akong karapatan maligo? Hinila ko ang laylayan ng damit ni Yaya

"Hindi ka pa ba tapos magreport sa Mommy ko?" parang nahiya naman siya at ibinaba na ang telepono. Hmp sipsip.

"Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit maganda ang bihis ko?" nakataas ang maliliit na kilay na tanong ko sa kanya. But as I expected, she's dumb.

"Hindi po,Señorito," napahawak na lang ako sa noo ko sa inis. Si Yaya talaga, minsan saksakan ng tanga. Tinalikuran ko na siya at tinungo ang pinto

"Teka Señorito," habol niya sakin nang palabas na ako ng bahay.

"Oh?" nilingon ko siya

"Saan po kayo pupunta?"

"Sa tapat bahay."

"Bakit po?" parang bata pa siyang nagtanong. Wala ba siyang balak umupo para tumapat sakin? Nakakahiya naman, silaw na silaw na ako sa araw pagtingala sa kanya. Hirap niyang kausap.

"Hihiramin ko yung katulong nila. Wala ka kasing kwenta."

"Sir naman," ang panget niya nang ipadyak niya ang mga paa niya at ibusangot ang mukha niya. Akala niya ba maganda? Well, akala niya lang 'yon.

"Makikipaglaro."

"Nako Ser, patay tayo sa Mommy mo. Huwag ka na po lumabas."

Pero hindi ko siya pinakinggan. Dire-diretso akong lumabas ng bahay at tinakbo ang distansya papunta sa kabilang bahay. Nag-doorbell at inihanda ko na ang isang pambatang pekeng ngiti. I don't play with poor people but I have no choice I'm bored.

*****

James was fun to play with and Kristina was pretty to look at. I like how dresses fits her, hindi kagaya noong una ko siyang makita. Maliit, madumi at mukhang mabaho.

It was tolerable to play with them kasi hindi na sila madumi at hindi na rin mukhang mabaho. But their games is so pang mahirap but it's quite enjoyable.

"Sige na itry mo na," pilit sakin ng batang babae na 'to. I learn that she's two years younger than me. I hate how clumsy and crybaby she is. Nasaan ba kasi si James? Mas maayos pa kausap at kalaro 'yon. At hindi siya iyakin.

"No." Pero pinipilit niya pa rin ako.

"I said no!" sa sobrang inis ko ay tinabig ko ang kamay niya kaya nalaglag ang mga pagkain sa baba. Kanina niya pa ako pinipilit na kumain ng nakakamay, that's just so dirty! Napaka pang-mahirap!

She cried and cries even more. Nagulat ako sa mabilis na pintig ng puso ko. Aatakihin ba ako sa puso? Dala siguro ng takot na baka mahuli kami ng Yaya niya at sabihin na inaaway ko siya.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon