CHAPTER THREE

428 73 15
                                    

Walis. Walis. Walis.

Alam kong nakapag walis na ako kanina pero dahil nga sobrang pogi ng bisita ni Barabas, nagwalis ako ulit. Habang pasulyap-sulyap sa gwapong Adonis na nakaupo sa sofa namin.

Ang mura-mura ng sofa namin na yon pero nagmukhang mamahalin noong siya na ang nakaupo. Kumikinang ang buong paligid, shems.

Hindi ko alam kung hinuhuli niya lang ba ako o ano, pero sa tuwing sisilip ako sa kanya, nakatingin siya sakin at may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Para bang giliw na giliw siyang pinapanuod ako. Kinikilig tuloy ako

"Nilinis mo pala kwarto ko?," agad na nalihis kay Kuya ang paningin ko at
nakabihis na ang barabas. Sando lang at jogging pants.

"Oo. Dumi e " sagot ko sa kanya habang umuupo sa sofa namin na mukhang mamahalin, salamat sa bisita.

"Sana tinapon mo na rin yung basura sa trash bin," automatic na sumama ang tingin ko sa kanya. May ikakapal pa ba ang mukha ng kapatid kong to?

"Pasensya na po," sagot ko sa kanya at inabot yung magazine na nasa may center table.

 "Ge okay lang," mas pinili ko na lang i-ignore ang kahanginan at kakapalan ng mukha ni Barabas.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na umupo na rin sya katabi ng bisita nya.

"Di ka manlang nagtimpla ng juice para sa bisita," naiinis kong isinara ang hawak kong magazine at nagtungo sa kusina. Hindi na lang ako diniretsa na maghanda ng meryenda para sa kanila.

"Lugaw ko nga pala asan na?" sumunod pa pala siya sakin papunta sa kusina. Wala bang tiwala to? Hindi ko naman lalagyan ng lason ang meryenda nila, gayuma lang, para sa bisita niya hahaha.

"Ubos na"

"Kaya ang laki laki mo na e. Mas malakas ka pa kumain sakin."

At muling nagpanting ang tenga ko. Siguro pulang pula na rin ako sa inis. Hanep ah. If there is something I am very proud of, yon ay mabilis ang metabolism ko, hindi man ako mabilis tumakbo, mabilis naman ang metabolism ko. So anong connect? Ah basta, hindi ako tumataba.

Nang matapos akong lagyan ng palaman ang mga tinapay at nakatimpla ng juice, dinala ko agad ang mga ito sa may sala para ihain na sa bisita. Nakakahiya naman kay Boss, maya't maya na tumawag ng ' Kristina, yung meryenda '. Sinilip ko ang bisita ni Kuya sa gilid ng mata ko, may hawak siyang magazine at mukhang busy sa pagbabasa. Mukha talagang model.

May ipopogi pa ba ang isang to? Yung totoo? Unfair naman para sa iba na may itsura lang, bakit sobrang guwapo ng isang to.

"Oy alam mo ba," akala ko ako ang kinakausap ni Kuya kaya sumagot ako ng "Hindi"

"Hindi ikaw ang kausap ko," naipikit ko na lang ang mga mata ko. Shet Kristina, napahiya ka tuloy.

I heard a light chuckle, for sure hindi si Barabas yon, hindi naman marunong mag chuckle yan e, halakhak ang alam niyan.

"Ang cute nyong dalawa."

At humalakhak nga po ng malakas si Barabas, akala mo naman siya lang mag-isa ang pinuri e

"Pasalamat ka, nadadala ka ng kagwapuhan ko"

Haaays, paano ba lumaking sinungaling tong kapatid ko na to? Hindi manlang ba to nahihiya? Ako ang nahihiya para sa kanya e. Kairita.

Brothers have the ability to annoy you in every little way they know. What an annoying brother I have.

"Kristina, di ka ba nalalagkitan nyan? Ang dumi dumi mo."

Napakunot ang noo ko. ' Ano bang sinasabin nito? " at dali dali akong tumungo para tingnan ang itsura ko.

"Shit." I cursed underneath my breath. Tangina nakakahiyaaaaaaaaaa.

Dali dali akong tumakbo papasok ng kwarto ko para maglinis. Pucha! Sobrang dumi ko, siguro dahil sa gabok ng shelf ni Kuya kanina. Baka kaya sya natigilan nung nakita nya ako sa gate kanina. Ayst naman e! Major major turn off.

Pagkatapos kong maligo, nagbihis ako ng mas maayos. Yung mas maayos kesa sa normal na pambahay ko. Nagpulbo rin ako saka binuksan ko na rin yung bagong bagong liptint na regalo ni mama last year. Saka ako dahan dahan bumaba. Yung babang pang prinsesa, yung malilimutan nilang mukha akong alipin kanina.

Lord, naway wag na ako asarin ni Kuya pagbaba. Namumuro na po talaga ako sa kahihiya . Promise po tatawagin ko na talaga syang Kuya.

At para effective, nag-sign of the cross pa ako.


Napangiti ako ng makitang wala sila sa sala. Naisipan ko naman bisitahin ang garden sa likod-bahay, para na rin pag nakita nila ako maganda ako. Mas maganda ako pag may liwanag ng araw e. Natawa naman ako sa sarili ko, I sounds like my brother na hahaha.

"Haha ganun talaga yun si Kristina, madungis lalo na pag nasa bahay. Di nga naliligo minsan yun e."

Para akong tinamaan ng kidlat na napatigil sa paglalakad. Does he really have to say that? At don pa talaga sa gwapo niyang bisita?

Napapadyak na lamang ako sa inis at pumihit na pabalik sa kuwarto ko.

There's really no way I would call him 'Kuya'. Hmp.

Until the Last PageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon