"Running away won't solve anything."
May pumatak na namang luha mula sa mga mata ko. I missed his voice.
"I know," was all that I can say. It's been what? A week? Since we last talk. I really miss his voice. My Kuya's voice.
Minsan ang hirap gawin ng isang bagay kahit alam natin na 'yon iyong tama. Mahirap. Kasi nasaktan tayo. Nadis-appoint.
"Susunduin na kita jan," tapos binaba niya na ang linya. Makaka-hindi pa ba ako ay naka-baba na ang linya?
Agad na akong nagpaalam sa lahat ng tao sa bahay nina Cathy at sinabi na bumisita lang ako at kailangan ko na rin umuwi. Cathy didn't say anything thou. She just hugged me real tight and gave me an encouraging smile. Tapos sinamahan niya ako sa labas ng gate nila hanggang dumating si Kuya. If I know, sisilay lang talaga 'to sa kapatid ko e!
I am surprised to see Glen inside the car with Kuya. Akala ko after everything that happened, uuwi na siya sa kanila and it actually felt good to see him again, smiling at me as always. Kuya gave me a small smile. Pumasok na ako sa loob ng sasakyan, sa back seat dahil okupado ni Glen ang front seat. Lumabas naman si Kuya at lumapit kay Cathy. I saw them talk a little at hindi rin nakatakas samin nang bahagyang yumuko si Kuya para halikan si Cathy sa pisngi. Spell hokage, T-O-N-Y-I-N-G.
Kumakamot sa batok na pumasok si Kuya sa loob ng sasakyan na agad namang sinalubong ni Glen ng asar.
"Bro, magtago ka na," Glen paused because he's laughing so hard.
"Madaming CCTV pare. Kapag nakita ng Papa niya 'yong pang-hohokage mo, yari ka na patay ka pa!"
Nakitawa ako kay Glen nang samaan siya ni Kuya ng tingin. Pero kahit gaano pa siya kasamang tumingin, hindi masupil ang ngiti niya sa labi. Mukhang may kinikilig.
I checked my phone when it vibrates.
From: Cathy
Lupit magpasalamat ng Kuya mo btch. Tangina sabihin mo isa pa! Hahahahaha
Sent 7:32 amMalaki ang ngiti sa labi ko bago ako sumandal at pumikit. Sana ganito na lang lagi.
********
"Baby girl, gising na!"
Imbes na magmulat ng mata ay itinulak ko palayo ang mga kamay na nasa balikat ko at bahagya akong yinuyug-yog.
"Baby girl."
"Kristina," mukha ni Glen ang sumalubong sakin nang mag-mulat ako ng mata. Umayos ako ng upo at sinilip ang paligid. Nakatigil kami sa isang mini-stop store.
"Haba ng tulog mo, ah."
Glen motioned me to go after him and so I did. Nasa loob na si Kuya at nakita kong namimili siya ng snacks.
"Pumili ka na rin ng sayo," Glen whispered.
"Wala akong dalang pera," I whispered back.
Milyonaryo ang mga Kuya mo ano ka ba! Ako na bahala," pagkasabi niya niyon ay iniwan niya na rin ako at dumampot ng sarili niyang pagkain. Bahagya pa akong natawa ng maalala kong sinabi niya na milyonaryo silang Kuya ko. How come? Ay pambayad nga ng kuryente problemado pa kami. Nagkibit-balikat lang ako dahil wala rin akong choice kung hindi dumampot na rin ng pagkain ko.
Hindi ba magluluto ng dinner si Kuya kaya mag-snack na lang kami?
I'm thinking deeply of what flavor to choose nang
nagulat naman ako ng may biglang lumapit sakin at bumulong.Pati mga pang personal hygiene mo bumili ka na din," boses iyon ni Kuya kaya hindi ko na kina-ilangan pang lumingon para malaman kung sino.
"Why?" mahinang tanong ko sa kanya pero naglakad na rin ako para maghanap ng toothbrush. Iyon lang naman kailangan ko, sumunod naman sakin si Kuya at dumampot na rin ng dalawa pang toothbrush bago ipinatong iyon sa mga pagkain na nasa braso ko.
"We're going on a vacation," he whispered back.
"Akala ko ba running away won't solve anything?" pang-gagaya ko pa sa sinabi niya kanina, pati na rin tono niya ginaya ko. He chuckled bago defensive na humarap sakin. Kunot ang noo.
"We're not running away,okay?" singhal nya sakin saka naglakad papunta sa drinks.
"Eh ano pala?" pangungulit ko sa kanya. Actually gets ko na. We are not running away,okay. Maybe it's his own version of 'walking away' .
"We will just breath," sabi niya lang ng hindi lumilingon sakin. Kumuha naman ako ng madaming chuckie saka sumunod sa kanya na papunta na ng counter.
"Ano bang klase ng hangin ang hinahanap mo?" I joked pero hindi siya sumagot. Itinikom ko na lang ang bibig ko dahil mukhang seryoso na siya.
"We need to breath. From the wind away from home. Medyo matagal na rin mula ng huminga ako ng maayos. Ang tagal ko din 'tong kinimkim, Kristina. Ang tagal ko rin tiniis kasi hindi ko alam kung paano mo tatanggapin lahat tungkol sa pagkatao natin. So I stay silent. As long as okay ka, okay ako. As long as okay ka, okay lahat." Hindi ko nagawang lingunin si Kuya kahit pa ba iyon ang gusto kong gawin. Hindi ko alam kung paano magre-react sa sinabi niya.
Cathy already told me about me being the very reason of every decision he makes at ramdam ko naman 'yon for the past years na halos kami lang dalawa ang magkasama. Kahit minsan, hindi siya nagkulang sakin.
Tahimik lang kami habang ini-scan ng cashier ang mga pinamili namin hanggang sa mai-supot iyon. Three bags lahat, si Kuya ang may dala 'nong dalawa ako naman 'don sa isa. Canned drinks lang naman ang dala ko. Paglabas namin ng mini-store ay agad kong nakita si Glen na nasa may pinto na ng sasakyan.
"Tagal nyo naman, ngalay na ako e," he grunted but with a smile in his face.
May pinindot si Kuya 'don sa remote ng sasakyan para magbukas. As soon as it sounds, pumasok agad si Glen sa front seat. Ako naman sa likod at pinagbuksan ko muna si Kuya ng pinto para 'don niya na lang ilagay sa tabi ko 'yong mga pagkain kesa naman sa compartment pa. As soon as I seat, hindi muna sinarhan ni Kuya ang pinto kaya bahagyang tiningala ko siya para itanong kung ano pa ang kailangan niya. Hindi pa kasi siya umaalis, e.
"We're not running away, okay? Nasasakal na ako e, hihinga lang si Kuya saglit, okay?" pagkausap niya sakin na parang bata. Tears started forming in his eyes but he wiped it agad bago pa man tumulo.
I nod my head like what obedient little girls do and he just smiled at me. Tapos isinara niya na ang pinto sa side ko at pumunta sa driver's seat. And we're off to go!
Para huminga. Para lumayo. Para makalimot. Pansamantala.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...