Sabado.
Hindi ko ugaling gumising ng umaga o maghilamos pagkagising kahit ang magsuklay lalo na kung walang bisita pero ginawa ko ngayong araw. Ginawa ko ng paulit-ulit na para bang dito nakasalalay ang kinabukasan ko.
Letse kasi si Cathy, sinabi na malapit lang daw ang bahay ng man-in-the-rain-ko sa bahay namin e. Baka mamaya mapadaan siya dito tapos mukha akong bruha. Major turn off! Kaya halos mapudopod ang sabon namin sa paghihilamos ko kanina.
At ang madaldal na si Avril i-chinika sakin kahapon na mahilig nga daw mag bike si Albus sa buong village namin from 5-7 am tapos minsan nag-babasketball siya sa court pagkatapos.
At dahil 'don nag alarm ako ng 5 am pero eto nagising ako ay 5:45 na. Medyo madilim pa pero hinanap ko ang walis tingting at nagwalis sa harap ng bahay kahit ang totoo e may mga street cleaner ang village na 'to.
Ganun talaga kunyare masipag!
Kaya lang malapit ng maupod ang semento sa tapat ng bahay namin sa kakawalis ko, walang Albus na dumaan. Walang kahit sinong naka-bike ang dumaan.
Fake news ata si Avril ah!
Medyo nauuhaw na rin ako kaya pumasok muna ako sa loob. Napadaan naman ako sa orasan at 6:42 na ng umaga. Bagsak ang balikat na dumiretso ako ng kusina. Daig ko pa ang nag exercise sa sakit ng braso at palad ko. Pawisan na pawisan rin ako. Eto ang napapala 'pag nagkakaroon ng lalaki e. charrrr!
Sa sobrang uhaw ko ninamnam ko ang napaka lamig na tubig nang makita kong umiilaw yung phone ko. May tumatawag pero hindi ko nasagot, sakto namang may pumasok na message.
From: Cathy
Punta ako sa inyo?
6:45 amI hassily type a reply.
To: Cathy
Wala dito si Kuya mamaya.
Sent!From: Cathy
Gago wag na nga!
6:46 amNatawa naman ako sa reply nya.
Naagaw ng pababang si Glen ang atensyon ko. Hays ano bang gagawin ko sa lalaking to? Napaka-gwapo! Ubod ng gwapo!
"Basketball," maikling sabi nya. Akala niya siguro ay nagtataka ako kung bakit siya nakasando at nakasapatos. Syempre common sense na lang 'yun sa part ko diba? Sosyal niya nga e, si Kuya kapag nagba-basketball minsan hindi na nagsasapatos e pero pansin ko kay Glen, it is a must.
Tinanguan ko lang siya.
"Si Kuya?" naisipan kong itanong sa kanya pagkalampas niya sa pwesto ko. For sure, maglalaro din 'yon. Every morning 'yon kada walang pasok.
"Susunod na siguro," sagot nya habang naglalagay ng tinapay sa toaster. Napabuntong-hinga naman ako. Mula ng tumira dito si Glen, dumoble ang bill namin sa kuryente. Nag-aambag kaya siya? But on the second thought, sa sobrang taas ng pride ni Kuya kahit mag-alok si Glen ng pera hindi niya tatanggapin.
"Ah nga pala!" paalis na sana ako nang sinabi niya 'yon kaya lumingon pa ako sa kanya na kagat-kagat yung tinapay.
"Totoo ba?" he ask me innocently. Napakunot ang noo ko sa pagtataka. Anong ibig niyang sabihin?
"Alin?" sagot ko sa kanya. Ano ba tinatanong nito?
"Crush mo yung taga Cebu?"
Ramdam ko ang mabilis na pagkalat ng init sa magkabilang pisngi ko. Nakarating na agad sa kanila 'yon? Baka... baka alam na din nya? Wait! Alam na rin kaya ni Kuya? Shit. Kakalbuhin ako 'non.
Agad nanlaki ang mata ko at namalayan ko na lang nasa labas na ako ng bahay.
"Sumbong kita sa Kuya mo," narinig kong pang-aasar niya mula sa loob na sinundan ng super gwapo niyang tawa.
Pansamantalang naagaw ng vibrate ng cellphone na hawak ko ang atensyon ko. I calmed myself first before looking at my phone.
From: 09773456990
Good Morning beautiful with a red face 😍
Sent 7:00 amInilibot ko ang paningin ko sa paligid at handa ng magmura sa kung sino mang nantri-trip sakin pero napatigil ako at nagulat sa kung sino ang nakita kong nakatayo sa may tapat ng bahay namin sa ilalim ng mainit na araw. Takte.
Alam kong gwapo siya sa ilalim ng ulan pero hindi ako na-inform na mas gwapo pala siya sa initan. Naramdaman ko na naman ang pag-init ng magkabila kong pisngi. Takte. Bakit kasi siya nakangiti? Bakit kasi ang pogi?
Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba, kilig o sa gulat napatakbo na lang ako ulit ng mabilis sa loob ng bahay. Muntik pa akong mapatakbo ulit ng nakakunot na noo ni Kuya ang sumalubong sakin pagpasok.
Mukhang tikbalang hanep
Nanatiling nakakunot ang noo ni Kuya sa harapan ko.
"Ano?" nakakunot-noong tanong ko rin sa kanya pero hindi nawawala ang kabog ng dibdib ko. Nakita ba ni Kuya kung sino ang nasa labas? Baka isipin niya nanliligaw na agad dahil nasa tapat ng bahay namin. Shit. Wish ko lang totoo.
"May nilalandi ka daw na taga Cebu?" kung hindi lang si Kuya ang kaharap ko maooffend ako e. Tanginang nilalandi ah! Nilalandi talaga ang term? Ayaw ng hinaharot? Kailangan talaga nilalandi?
Bago pa ako makapag-salita tinalikudan niya na ako at nagpunta rin sa kusina.
"Kuya maghilamos ka naman pupunta dito si Cathy," asar ko sa kanya dahil mukhang masyado siyang seryoso. Natawa naman ako nang marinig ko ang sigaw niya mula sa kusina.
"Letse ka!"
Hays. Kawawa naman ang kapatid ko, masyadong nahulog sa best friend ko. Gaano ba 'yon kalalim at hindi makaahon si Kuya?
Muling bumalik ang kabog ng dibdib ko nang muli kong marinig ang pag-vibrate ng cellphone ko.
Si Alby ba 'to ulit?
Nakailang buntong-hininga ako bago ko binuksan ang mensahe.
From: Cathy
Otw na ako, bruha. Handa mo na ang almusal ko.
Napapadyak ako sa inis. Ano ba yan! Akala ko naman si man-in-the-rain-ko ulit 'yon e. Naglakad ako papunta sa bintana kung saan makikita ang harap ng bahay. Akala ko makikita ko pa ulit si Albus 'don habang nakangiti sa akin pero wala na siya 'don. Baka umuwi na.
BINABASA MO ANG
Until the Last Page
Teen Fiction"There is nothing worse than meeting the perfect person at the wrong time." Kristina Azalea Villazarde is always fascinated by the idea of love. She is a girl, like a book, open to anyone who likes to read her. And she sees love as something powerfu...